MY DEAR AMANDA S1 (JAYMY)

Od Amyfinity_writes09

25.8K 3.3K 591

Kaya kayang putulin ni jaydee ang sumpa sa apat na henerasyon , na bunga ng pagkamatay ng mga minamahal ng un... Viac

MDA-00
PROLOGUE
MDA- I (Beginning)
MDA- ll (Writer J)
MDA-III (Flower Of Life)
MDA- lV (Hardships)
MDA-V (First Day Of School)
MDA-Vl (The Girl In The Red Dress)
MDA-Vll (Inevitable Feelings)
MDA-Vlll (Maltreatment)
MDA-IX (Painful Moments)
MDA-X (Hidden Love)
MDA-Xl (Be A Good Person)
MDA-Xll (Miss Dough)
MDA-Xlll ( Red Roses)
MDA-XIV ( Ms. White T-Shirt)
MDA-XV (Jealous?)
MDA-XVI (Unexpected Moments)
MDA-XVII (Love is in the air)
MDA-XVIII (I'm In Pain)
MDA-XIX (Rejection)
MDA-XX (Values)
MDA-XXI (Tears in the rain)
MDA-XXII (Worried)
MDA-XXIV (Good Times)
MDA-XXV (Way To You)
MDA-XXVI (Confession)
MDA-XXVII (Restaurant Y' Quirino)
MDA-XXVIII (Library)
MDA- XXVIX (P.E Session)
MDA-XXX (Birthday Plan)
MDA-XXXI (Amy@18 Part 1)
MDA-XXXII (Amy@18 Part 2)
MDA-XXXIII (The First Date)
MDA-XXXIV (The Closet) Part 1
MDA- XXXIV (Therese @19) Part 2
Teaser for MDA XXXV
MDA-XXXV (Villa Crisostomo , The Cursed Villa)
MDA-XXXVI (The Bloody Bracelet)
MDA-XXXVII (The Encounter)
MDA-XXXVIII (Battle of the smartest)
MDA-XXXIX (The Book of Tommy)
MDA-XL (Protect Amy At All Cost)
MDA-XLI (Curiosity will put you in danger)
MDA-XLII (The Plan has already started)
MDA-XLIII (Where is the missing piece of the book?)
MDA-XLIV (If Loving you was a sin? Then I wanted to be a sinner)
MDA-XLV (Mr. Broom?)
MDA-XLVI (The Promise Ring)
MDA-XLVII (The Truth Part 1)
MDA-XLVIII (The Truth Part 2)
MDA-XLIX (The Cursed of Helena Sta. Rita)
MDA-L (Finding the traitor)
MDA-LI (Suspects)
MDA- LII (Bloody Nose)
MDA- LIII (A Love that is worth to fight)
MDA- LIV (Loving can hurt)
MDA- LV (Last Moment)
MDA- LVI (Something Suspicious)
MDA- LVII (1st Wave)
MDA-LVIII (Hitting Two Birds with one stone)
MDA-LIX (Investigation as it finest)
MDA-LX (Finding The Truth)
MDA-LXI (The Missing Piece of The Cursed Book)
MDA-LXII (Lost Of Lives)
MDA-LXIII (Danger Awaits)
MDA-LXIV (The Final Match Up)
MDA-LXV (The End of The New Beginning)
MDA-EPILOGUE

MDA-XXIII (Love Sick)

285 48 2
Od Amyfinity_writes09

Gabb's Pov

Nakahalumbaba lamang ako habang pinagmamasdan yung bago daw naming magiging kaklase dito sa Class 2-A , puro matatalino ang nakakapasok ng Class A  kung kaya'y hindi na ako nagtaka kung bakit siya napunta rito marahil ay dahil binayaran na naman ng kanyang ama ang dean dito sa PNU.

"Magandang Umaga sa inyong lahat , Ako nga pala si Romeo Garcia , 18 years old galing din ako sa Law Department sa Manila University" pagkukuwento niya ng kanyang sarili pero diretso lamang siya na nakatingin kay therese.

Alam naman na namin ang balak niya kung bakit siya lumipat ng Unibersidad , may gusto siya kay therese at hindi niya din kayang tanggapin na iba ang nagugustuhan ni Therese.

Halatang halata naman na si Master J ang nagugustuhan nito kung kaya'y galit na galit din siya sa kanyang pinsan.

"Maraming salamat Mr. Garcia? Maaari ka nang maupo roon sa may dulo banda" sabi ng aming professor , tinignan naman niya ako bago magtungo sa classroom.

Nagsimula nang magdiskusyon ang aming professor at nakinig na lamang ako roon , ganun din itong si therese na nasa tabi ko ngayon.

Fast forward...

Break time na at aalis na sana ako at magtutungo sa classroom ni master j nang hawakan ako ni therese sa may palapulsuhan.

"Pupunta kaba kay jaydee ngayon? Sama ako gabbo ah?" nakangiting sabi niya , tatango na sana ako nang biglang sumulpot na naman si Romeo sa may likuran ni therese.

"Therese maaari ba kitang ayain sa kantina? Hindi ko kasi alam ang pasikot sikot rito eh" humihingi ng pabor na sabi ni romeo tinignan niya lamang ako pero hindi na ako tumingin sa kanya.

"May lakad kami ni gabb , magpasama ka na lamang sa iba nating mga kaklase romeo" pagtanggi ni therese sa sinabi ni romeo.

"Magtutungo ba kayo kay Jaydee? Edi pwede naman ako sumama , sa katanuyan namimiss ko na din na makasama siya" Turan naman nito , abay may balak pa ata siyang mang gulo ah.

"Therese? Pwede bang samahan mo na lamang siya sa kantina? Ako nalang ang mag isang magtutungo kay master J" wika ko kay therese at tinignan siya ng diretso at nangungusap na ang aking mga mata sa kanya para pumayag lang siya sa kagustuhan ni romeo.

"Okay tara na" maikling sabi niya saka naunang naglakad , napangiti na lamang si romeo dahil roon.

Ako naman ay nagtungo na sa classroom ni master j , habang papalapit ako ay nakasalubong ko si evans ang matalik niyang kaibigan sa kanilang classroom.

"Evans? Nasaan si master j? Nasa classroom niyo ba siya?" Tanong ko sa kanya saka nginitian siya ng abot langit.

"Ah Senior Gabrielle? Hindi po pumasok sa klase si Master J eh? Nagtungo na nga din ako sa rooftop kasi baka sakaling naroon siya pero wala siya dun" turan niya pa sa akin , hindi kaya ay nagkasakit siya dahil sa pagpapaulan niya kahapon.

"Wag mo na akong tawaging senior , evans? Isang taon lamang ang pagitan natin at hindi ako sanay na tawaging ganun" sabi ko sa kanya halos lahat kasi ng mga first year ay senior ang tawag sa aming mga 2nd, 3rd at 4th year college.

"O siya mauna na ako , tatawagan ko na lamang ang telepono ng kanilang tahanan kung naroon ba siya ngayon" tumango na lamang siya saka umalis na dali dali ko namang kinuha ang aking cellphone upang tawagan ang number ni Ama.

Ring.. ring.. ring...

OTPC

"Hello ama? Nasa villa esmeralda ka pa din hu ba sa ngayon?" Tanong ko kaagad sa kanyang habang naglalakaf sa may hallway

"Oo anak ko? Kasalukuyang nagtatabas ako ng mga damo sa hardin ni Master J? Uhm Bakit mo natanong?" Turan niyang muli sa akin , naririnig ko nga yung ingay ng kagamitan na pinampuputol ng mga damo.

"Hindi po kasi pumasok sa paaralan si master j? Kung kaya'y itatanong ko sana kung naryan ba siya sa bahay niya ngayon?" Nag aalalang tanong ko , hindi ko din siya napigilan kahapon na wag maligo sa ulan kaya nag aalala ako baka kasi nilagnat na siya.

"Ikinalulungkot kong sabihin anak na sobrang taas ng lagnat ngayon ni master j kung kaya'y hindi niya na kinaya na pumasok ngayon sa paaralan , nakalimutan ko ding banggitin sa iyo na gumawa ka ng excuse letter para sa kanyang mga guro" eto na nga ba ang sinasabi ko , mabilis akong naglakad pabalik ng aming classroom upang kunin ang aking bag.

"Pasensa hu ama? Hindi ko siya napigilang wag magtampisaw sa ulan kahapon , kasalanan ko kung bakit siya nagkasakit" paghingi ko ng paumanhin , nabigo na naman akong protektahan siya sa sakit.

"Ano kaba anak? Masaya si master j habang nagtatampisaw sa ulan kahapon nung pauwi kayo? Ngayon nga lang namin muling nakita yung ngiti niya pero may bumabakas pa din na lungkot sa kanyang mga mata" masaya pero parang malungkot na wika ni ama sa akin.

"Mag eexcuse na din po ako ngayon ama? Kilala niyo naman hu si master j? Hindi yan iinom ng gamot kapag may nararamdaman" aniya ko sa kanya nang makarating ako sa classroom ay kaagad ko nang kinuha yung bag ko saka nagpaalam sa aming class president.

"Tama ka riyan anak? Ngunit baka may gawain ka pa dyan sa paaralan ngayon?" Sabi niya pa ulit , wala naman na kaming gagawin ngayon kundi ang magliwaliw kasi tapos na ang aming nga quizzes nung last week pa.

"Wala naman po ama? Pauwi na hu ako ngayon" turan kong muli sa kanya , patakbong lakad ako ngayon na nagtutungo palabas ng aming unibersidad.

"Sige mag iingat ka anak?" Huling sabi niya sa akin , napangiti naman ako saka nagsalita ng...

"Salamat Ama"

EOTPC

Pinatay ko na ang tawag saka nag abang na ako ng taxi patungong villa esmeralda.

Jaydee's Pov

Sobrang sama ng pakiramdam ko ngayon kung kaya'y mas ninais na lamang ni manang estella na wag na akong payagang pumasok.

Naka uniporme na kasi ako kanina dahil sabi ko kaya ko naman ngunit bigla na lamang akong nahilo na sanhi upang muntikan na akong mahulog sa may hagdan.

Na check up na din ako ng aking personal doctor at umabot nga sa 38.6 yung lagnat ko.

Kasalukuyang may towel na nakalagay sa aking noo at balot na balot ako ng aking kumot dahil sobrang nilalamig ako ngayon.

"Master J?" Bungad ni manang esther at may dala dala siyang tray na may lamang mangkok at tubig.

"May dala hu akong sopas , alam ko pong wala kayong gana pero sana hu ay kumain kayo kahit kakaunti sapagkat wala pang laman ang inyong tiyan master j?" Magalang na sabi niya , sa tuwing may sakit ako ay ayaw ko ngang kumain o di kaya ay uminom ng gamot na solid.

Tanging liquid medicine lang ang aking iniinom o di kaya ay yung di turok na lamang na ginawa nung personal doctor ko kanina.

"Ilapag niyo lamang riyan manang? Pag ginanahan na ako ay kakain ako" sabi ko sa kanya saka itinaklob ko na ang aking kumot.

Ang sakit ng ulo ko sobra , ano na kaya ang ginagawa nila evans sa school? Isang araw kong hindi nakita si amanda at ako ay nababagot na.

Wala ring klase bukas sapagkat holiday bali sa wednesday ko pa siya makikita , o baka nga hindi pa sapagkat kapag ako ay nilalagnat ay umaabot iyun ng tatlo hanggang sa apat na araw.

"Tinotopak ka na naman master j?" Biglaang sulpot ng pamilya na tinig , tinanggal ko naman ang kumot ko sa may bandang ulohan ko.

"Gabb? Anong ginagawa mo dito?" Nanghihinang sabi ko sa kanya , alam kong busy siya sa school kapareho ni therese ngunit paanong narito siya at wala sa paaralan.

"May sakit ka pala? Hindi mo man lang ako sinabihan , di ka pa daw kumakain master j? Paano ka gagaling niyan?" Sabi niya saka kinuha yung mini table na para sa kama.

"Ayoko pang kumain gabb? Gusto ko munang matulog at tsaka nanghihina ang aking mga kamay" saad ko sa kanya at akmang magtataklob na ng kumot nang pigilan niya ako.

"Ako na ang bahalang magsubo sayo master j? Sige ka pag hindi ka kumain ay hindi ka talaga makakabalik ng paaralan? Alam mo ba na nakita ko yung chinitong panay aligid kay amanda..." Pagkukuwento niya hindi ko na siya pinatapos at bumangon na ako sa aking pagkakahiga.

"Oo na kakain na ako" natawa naman siya ng mahina dahil doon at dahan dahang inilagay yung mini table sa may harapan ko at inilagay niya din yung mangkok na may sopas at may mga side dishes na bacon.

"Akin na nga yan!" Saad niya saka kinuha yung kutsara at tinidor , nanginginig kasi yung mga kamay ko habang hawak iyun.

"Ibuka mo ang iyong bibig ng malaki , Little master J!" Pang aasar niya pa sa akin tsaka isinubo na ang pagkain sa aking bibig.

"Ah nang aasar kana gabbabaero huh!" Natawa naman siya dahil sa inasar ko sa kanya , elementary pa lang kami ay habulin na yang si gabb ng mga babae at mapalalaki man.

"Babaero pa nga? Ikaw ata yan jaydee! Wag mo na ituro sa akin" pagbalik niya sa akin , natawa naman ako dahil roon.

"Isa lang ang babae ko dati ano kaya lang.." Rebat ko naman sa kanya , kumuha naman siya ulit ng pag kain saka isinubo iyun sa akin.

"Kaya lang ano? May natitira pa bang pagmamahal dyan sa puso mo para sa kanya?" Tanong niya sa akin na ikinagulat ko.

"Masasabi kong meron gabb pero ibang pagmamahal na iyun , para sa pagkakaibigan na lamang" aniya ko sa kanya saka nginuya nguya yung pagkain ko.

Malaki ang naging parte ni therese sa aking puso , siya ang naging laman ng aking diary at mga libro na aking isinulat ngunit masasabi ko ngayon na....

Maaaring siya nga ang naging paksa ng aking mga tula at nobela ngunit iba na ang inaasahan kong maging bahagi ng bawat pahina.

"Nagbago ang lahat dahil sa amanda na iyun tama ba ako?" Turan niyang muli napangiti naman ako saka hinarap siya.

"Mahal mo na?" Tanong niya sa akin.

"Akin pang inaalam gabb kung paghanga lang ba itong nararamdaman ko o kaya'y sobrang lalim na nito" medyo napapangiting sabi ko sa kanya seryoso naman ang mukhang ibinibigay niya sa akin.

"Mukhang hindi lang paghanga iyan Jaydee? Na lovesick kana! Basta kilalanin mo muna siya ng maigi ah , lagi lang akong narito para sayo Jaydee" sabi niya sa akin na tila bay malungkot siya.

"Salamat gabb!"

"Siya nga pala , may masusuot kana ba sa sabado? Sabay na lang tayo sa pagpunta roon? Ako na ang magdadrive sayo patungong Villa Aguinaldo" pag iiba niya ng aming usapan , oo nga pala sa sabado na pala ang kaarawan ni Mayor Pinlac.

"Meron naman na gabb? Ayoko na ding bumili ng bagong damit sapagkat hindi naman ako magtatagal roon" sabi ko saka kinuha ang aking tubig at ininom iyun , di ko namalayan sa kakasubo ni gabb ng pagkain ay naubos kaagad iyun mukhang nautakan niya na naman ako.

"Talaga bang hindi ka magtatagal roon? Paano kung sabihin ko sa iyo na.." pinutol ko na ang nais niyang sabihin sapagkat baka may masabi na naman siya na hindi kanais nais.

"Hindi ako magtatagal roon Gabrielle , malaking gulo lang kung magtatagal ako roon ganuong naroon din ang mga karatig pamilya ko" madiing sabi ko sa kanya , hanggang ngayon ay wala pa din akong nababalitaan about sa nga personal detective ko.

"O siya gayung tapos ka naman na kumain ay aalis na rin ako master j? Magpahinga ka at babalik ako rito bukas upang kamustahin ka" sabi niya pa sa akin at napangiti ng abot langit.

"Maraming salamat din sa pagdalaw gabbo?" Turan ko sa kanya saka kinuha niya na yung tray na may lamang mga plato at isinarado niya na yung pintuan ng aking kwarto.

Pasimple ko namang inabot yung aking cellphone at tsaka inopen ang aking Facebook , sunod sunod na notifications ang tumunog nung iopen ko pa lamang iyun.

Nagtungo na ako sa may search engine at muling itinype yung pangalan ni amanda.

Amanda Isidto...

Napabuntong hininga naman ako dahil wala pading nalabas hanggang ngayon pa din ba ay wala pa din siyang facebook?

Ackkk!!! Nakakabagot..

Ibinalik ko na lamang ang aking cellphone sa may bed table saka nagtaklob ako ng aking kumot , makatulog na nga lang.








A/N: Ey Add niyo ako sa fb: Amy Finity tas sa Tiktok: Amy finity tas sa twitter @amyfinity_19 din followback ko kayo agad hihihi if want niyo lang naman😊

Pokračovať v čítaní

You'll Also Like

290K 6.6K 35
"That better not be a sticky fingers poster." "And if it is ." "I think I'm the luckiest bloke at Hartley." Heartbreak High season 1-2 Spider x oc
980K 53.2K 35
It's the 2nd season of " My Heaven's Flower " The most thrilling love triangle story in which Mohammad Abdullah ( Jeon Jungkook's ) daughter Mishel...
18.2K 1.1K 66
Nguyên tác: Trọng sinh chi lãng lãng tinh không Author: J112233 Thể loại: Trọng sinh, hiện đại, 1×1, giới nghệ sĩ, HE Editor: MissTony (Bao chỉ up l...
481K 10.1K 37
In wich a one night stand turns out to be a lot more than that.