Chapter 5: Overnight sa Palasyo (part 2) - Luha't Yaman
Nakita ko si Rica na nakahilata pa rin at nakain.
"Rica! 'Eto na oh." sabi ko sa kanya, sabay sara ng pinto..
"Wow. Ang bilis mo naman? Pakipatong na lang sa table."
"O'sige."
Pagkapatong ko ay umupo ako sa bandang tabi niya.
"Monday. magpalit ka na kaya ng damit?"
"Hmm. Bakit?"
"Amoy pawis ka na kaya." pabirong sabi niya..
"Hala? Hindi naman eh!"
"Weh. Nandoon 'yung damit mo ha."
Pumunta ako sa cr at habang nagpapalit ng damit ko.
"Mondaayyyyyyyy!!"
"Oh?" sagot ko habang naghuhubad ng damit.
"Isip ka ng callsign natin!"
"Hala? Ikaw na lang, nagbibihis pa ako oh!!"
"Ikaw na kasee!!"
"Ahh. Eh."
Habang nagbibihis ako ay may nakita akong towel sa cr sa may tabi ng salamin. May tatak itong "Sissle".
Pagkalabas ko ng banyo, tumingin agad si Rica sa akin.
"Ano na, Monday?"
"May naisip na ako." pagmamadali kong sabi sa kanya, habang papalapit..
"Oh? Ano? Ano na?" halatang excited si Rica..
"Sissy!!!"
"Sissy?"
"Oo, ayaw mo ba?"
Tumalikod sa akin si Rica pagkarinig niya. Kinabahan ako, kasi mukhang ayaw niya o kaya dismayado sa narinig.
"R - rica?"
"A.."
"ANG GANDAAAA!!" sigaw ni Rica, sabay tayo sa kama..
"Sissy? Sissy!!!!!!"
Ang sayaw lang ni Rica nung moment na 'yon. Mga 1:00am na pero gising pa rin kami. Sinusulit ang pagsisinungaling ay este pagba-bonding namin. Tinamad na kaming manood ng TV at movies kaya nahiga na lang kaming dalawa at pinatay ang ilaw.
Magkatabi kami, bihira lang yung ganitong klase na mayaman na natutulog na may katabi.
"Monday. Gising ka pa?"
"Oo naman. Bakit?"
"Wala. Kwentuhan muna tayo, sissy?"
"Sige, sissy."
"Nag-enjoy ka ba ngayon dito samin?" tanong niya habang ginagalaw ang mga paa niya..
"Oo naman. Bakit mo natanong?" sagot ko sabay harap sa kanya..
"Wala naman, kasi.." sabi niya sabay talikod..
"Bakit sissy?"
"Kasi ngayon na lang ulit ako.."
"naging masaya.." sabay iyak nito..
"Si - sissy?"
"Bakit ka naiyak?" pangamba ko..
"W- wala.. Masaya lang ako kasi ang huling beses na naramdaman ko yung ganito ay nung bata pa ako.."
Wala akong masabi nung time na 'yun, hinayaan ko na lang siya magkwento.
" Palagi na lang ako mag-isa dito, sina Yaya Eden na lang laging mga kasama ko. Si Mommy, palaging busy sa work niya. Mayaman nga kami pero hindi naman ako masaya.." dugtong niya habang nahikbi..
"Ano bang nangyari sa kapatid mo? Kwento mo.." pag-aalangan kong tanong..
Hindi siya nagsalita nung oras na 'yun, nag-hold back ako kasi baka nao-offend ko siya.
"N - noong bata pa kami ni Kel, may pinag-awayan sina Mommy at Daddy na nauwi sa hiwalayan. Ewan ko ba, bakit umabot sa ganon, sobrang hirap tuloy ngayon."
"..pinili ni Daddy na tumira sa Amerika, pinipili ako kung kanino ako sasama, sa kanya ba o kay Mommy. Hindi ako nakapag-decide kasi pareho ko silang mahal. Pero si Mommy ang kumuha sa akin at si Kel kay Papa. After it, hindi na ulit ako naging masaya. Nami-miss ko sila, yung moment na magkakasama pa kami.."
Umiyak lalo sa pagkakataong 'yon si Rica, naramdaman ko yung lungkot niya hanggang sa loob ng katawan ko.
"..yung totoo pa yung mga tawa, yung hindi ko namamalayan ang oras kapag kasama ko sila. Kaso wala na, malabong mabuo na ulit.. Malabo nang makumpleto pa ulit."
Iyak nang iyak si Rica at maging ako, napaiyak na rin. Napaiyak ako sa narinig ko, sobrang naramdaman ko siya. Ang hirap lang makita na magkahiwalay ang parents mo. Wala akong magawa noon, kung 'di yakapin siya. Doon ko lang siya nakitang ganung kalungkot. Natapos ang gabing iyon na yakap ko siya.
Kinaumagahan, nagising ako ng bandang 8:00am. Napansin kong wala na si Rica. Pumunta ako agad sa cr para maghilamos at magmumog. Pagkababa ko ay nakita ko siya, nakatayo sa harapan ng pinto. Pagkababa ko ng hagdanan.
"Sissy?"
"Hi! Good morning, sissy!"
"Good morning din. Bakit nandyan ka?"
"Ah. Kakaalis lang kasi ni Mommy."
"Ang aga naman yata?"
"Ganun talaga eh, maagang naalis pero late nauwi."
At naalala ko bigla yung nangyari kagabi, hindi ko nalang pinaalala kasi baka maging malungkot ulit siya.
"Oh. Punta na tayo sa sala, mag-almusal na tayo." paanyaya ni Rica..
Habang nakain kami ay kwento siya ng kwento. Parang walang nangyari kagabi. Hinayaan ko na lang siya kasi nararamdaman kong masaya siya. After nun, nagkwentuhan pa at nagkulitan. Pagkatapos kong maligo at magbihis ay nilapitan ko siya.
"Sissy."
"Oh?" sagot niya habang nanunuod ng TV..
"Tungkol dun sa kagabi.."
"Alin?"
"Yung.."
"Ah. 'Yun ba? Wag mo nang isipin 'yun, sissy." sagot niya sabay ngiti..
Naalala ko yung ngiti niya na totoo, walang kaplastikan. Minarapat ko na lang na hindi na magtanong ulit at nagpaala na uuwi na ako. Sa tapat ng pintuan nila.
"Sissy, thank you ha? Pasabi na rin kay Yaya Eden at sa Mommy mo."
"O'sige. Take care ha!!"
"Ikaw din, sissy! Kitakits bukas!"
At sinimulan ko nang maglakad papalayo sa kanila. Habang nasa jeep ako ay na-realize ko na hindi talaga matatawaran ng pera ang pamilya. Wala ng hihigit pa roon. Pagkauwi ko ay maghapong nagpahinga lang ako. Nagpahinga dahil kinabukasan ay may klase na ulit.