Pages Of Love | ✓

Da HopelesslyPlumarian

1.8K 135 5

"In life, there are things that we can call our own temporarily only because they are meant to be owned by so... Altro

Pages Of Love
Panimula
Unang Pahina
Ikalawang Pahina
Ikatlong Pahina
Ikaapat na Pahina
Ikalimang Pahina
Ikaanim na Pahina
Ikapitong Pahina
Ikawalong Pahina
Ikasiyam na Pahina
Ikasampung Pahina
Ika-11 Pahina
Ika-12 Pahina
Ika-13 Pahina
Ika-14 na Pahina
Ika-15 Pahina
Ika-16 na Pahina
Ika-17 Pahina
Ika-18 Pahina
Ika-19 na Pahina
Ika-20 Pahina
Ika-22 Pahina
Wakas
Pagpapasalamat

Ika-21 Pahina

42 4 0
Da HopelesslyPlumarian

NANGINGINIG ang mga kamay na nagtungo ako sa opisina ng doktor ni Auntie. Nasa isang private room na siya ngayon at nagpapahinga. Mabuti nalang at agad ko siyang nadala sa ospital kanina.

Kumatok ako ng tatlong beses bago tuluyang pumasok. Naabutan ko ang doktor niya na may pinipirmahang mga dokumento. Bahagya akong napangiti nang maalala na minsan na rin itong nabanggit ni Auntie sa kan'yang talaarawan, si Dr. Vin Villaclaros.

"Yes, Gia?" nakangiti niyang lingon sa 'kin.

"Ano po ba talaga ang totoong sakit ni Auntie, Doc?"

Nagulat siya sa diretso kong pagtatanong. Napagtanto ko lang kasi na kung Alzheimers ang sakit ni Auntie, bakit sumusuka siya ng dugo?

"Gusto kong irespeto ang desis'yon ni Crissa pero mukhang kailangan mo ng malaman ang totoo, Gia, na hindi Alzheimers ang sakit niya."

Parang binomba ang puso ko sa narinig.

"Brain cancer, stage 4."

Wala akong magawa kundi ang mapatakip nalang ng bibig at tahimik na humikbi.

"Ayaw niyang ipaalam iyon sa iyo, pero ngayon na lumalala na ang kalagayan niya, hindi ko na kayang itago pa iyon sa 'yo."

"M-May chance pa po ba na makaka recover siya?"

Malungkot niya akong tiningnan.

"Actually, we can have a surgery pero dahil sa sobrang kalat na sa buong brain cells niya ang cancer, mahihirapan tayong gawin iyon dahil maaari niya rin iyong ikamatay. Sa totoo lang, five years ago ko pa siyang sinabihan na mag undergo ng surgery dahil hindi pa mas'yadong kalat ang cancer sa utak niya pero siya ang may ayaw dahil malaki ang posibilidad na magkaka amnesia siya after ng surgery,"

"S-She'll live l-longer, r-right?"

Ewan, pero parang ayokong marinig ang isasagot ni Doc Vin sa tanong kong iyon.

"She only have a month or two,"

Diyos ko!

Hindi ko na napigilan ang sarili kong mapahikbi ng malakas sa loob ng opisina ni Doc. Bakit ba kasi hindi niya iyon sinabi agad habang maaga pa? Ayaw na ayaw niya talagang pinag aalala ako kaya siguro hindi niya ipinaalam sa 'kin ang totoong kalagayan niya.

Naramdaman ko ang marahang pagyakap ni Doc Vin sa 'kin or should I say, Tito Vin? Dahil pinsan siya ng Papa ko. Alam niya kung sino ang totoo kong ama pero ni minsan hindi niya rin iyon nabanggit sa akin.

"All we can do right now is to pray for a miracle," sabi niya nang humiwalay na siya sa pagyakap sa akin.

Hinawakan ko ang kamay niya at nagmamakaawa ang mga matang tumingin sa kan'ya. "Please save her... Tito,"

Gulat siyang napatitig sa 'kin pabalik.

"You're calling me 'Tito'?"

"Why? Am I not allowed to call you that? When in fact, you're the cousin of my father?"

Nagulat siyang muli sa sinabi ko. "Y-You... Y-You already knew? She told you?"

"No. I just accidentally read everything in her diary,"

Sandali siyang natigilan. Sa isang iglap lang nasa mga bisig niya ulit ako at niyakap ng mahigpit.

"I'm sorry, kung itinago namin iyon sa 'yo,"

"Okay lang po, naiintindihan ko." sabay yakap ko rin sa kan'ya pabalik.

Nanlulumo akong lumabas ng opisina ni Tito Vin. Bukod sa wala na talaga kaming magagawa para sa kalagayan ni Auntie, wala rin daw siyang balita magpahanggang ngayon tungkol sa kinaroroonan ni Papa. Gustong-gusto ko siyang makilala sa personal.

Pagkarating ko sa private room ni Auntie, naabutan ko ro'n sina Tito Marky at Tita Jenny, kasama ang kanilang nag iisang anak na si Renj.

Sa kanila ko napatunayan na friendship do lasts forever dahil hindi talaga nila pinabayaan si Auntie. Mula noon, hanggang ngayon. They're still best of friends.

"Saan ka ba nanggaling, Gia? Nagising kanina ang Auntie mo at ikaw agad ang hinanap. Hindi ka rin namin makontak. Nagsisimula na sana siyang magwala, mabuti nalang at narito agad ang nurse upang pakalmahin siyang muli," bungad ni Tita Jenny.

"Nakipag usap lang po ako kay Doc Vin," mahinahon kong sagot.

"Pumapatol ka sa Doctor na 'yon? Eh, ang tanda na no'n," singit naman ni Renj.

Matanda lang ako ng isang taon sa kan'ya pero kung umasta para kaming magka edad lang. Ang yabang-yabang pa!

"Huwag ka nga'ng sumali sa usapan ng may usapan," mataray kong harap sa kan'ya.

"Ano bang ginagawa mo rito, Renj? Akala ko ba marami kang aasikasuhin sa ospital na pinag-ojt-han mo?" tanong naman ni Tito Marky sa kan'ya.

Kilala ang pamilya nila na isa sa mga magagaling na psychologist. 'Yang si Renj, graduating palang sa naturang kurso.

"Nando'n naman ang partner ko, Dad." napapakamot sa ulong aniya.

"Baka naman, gusto niya lang talaga makita ang pamangkin ko,"

Sabay kaming napalingon sa nagmamay-ari ng boses na iyon.

"Crissa!"

"Auntie!"

Halos sabay pa kaming mapalapit sa kama niya.

"Kumusta na ang pakiramdam mo?" tanong kaagad ni Tita Jenny.

"Heto, maganda pa rin." tumatawang sabi pa ni Auntie pero hindi ako natawa gaya ng nakagawian bagkus ay napaluha pa ako.

Lumalala na 'yong sakit niya pero nagagawa niya pa ring magbiro ng gan'yan.

"Bakit ka umiiyak, Gia?" nagtataka niyang tanong.

Ayaw kong e-stress siya ngayon pero hindi ko na mapigilan ang sarili ko.

"Bakit ka nagsinungaling sa 'kin tungkol sa totoo mong kalagayan, ha?"

Walang salitang lumabas sa kan'yang bibig dahil sa gulat. Maging sina Tita Jenny at Tito Marky ay ganoon din ang reaksiyon.

"A-Anong pinagsasabi mo?"

"Huwag mo ng e-deny, Auntie. Sinabi sa 'kin ni Doc Vin ang lahat. You have brain cancer and not Alzheimers!"

Humihingos kong sabi. Nahihirapan pa akong huminga dahil sa sobrang sikip ng dibdib ko.

"Oh my god!" mahinang sambit ni Tita Jenny.

"Hindi talaga mapagkakatiwalaan ang taong iyon," nakakuyom ang kamaong aniya.

"Why you have to keep it from me---from us, Auntie?"

"You mean, nagpapanggap ka lang na may Alzheimers?" hindi makapaniwalang turan ni Tita Jenny.

Hindi rin alam ni Tito Marky at Renj ang sasabihin kaya nanahimik nalang sila sa tabi.

"Ayaw ko lang na mag alala kayo lalo na't lumalala na ngayon ang sakit ko. 'Yon ang sinabi ni Vin sa 'yo kanina, 'di ba? Ilang araw na lang daw ba ang itatagal ko---"

"Don't say that! Hindi ka pa mamamatay, okay?" si Tita Jenny na gaya ko, hindi na rin maawat ang pagluha.

"Doon din naman talaga ang kahahantungan ko, Jenny."

Lalo akong napahikbi sa sinabi niya. Hindi ko alam kung kaya ko pa bang sabihin sa kan'ya ang pinag-usapan namin ni Tito Vin tungkol sa taning ng buhay niya. Sobrang nasaktan ako nang sabihin iyon ni Tito Vin pero wala ng mas isasakit pa 'pag narinig mo mismo iyon galing sa sariling bibig niya na para bang alam na alam na niya kung hanggang saan lang ang buhay niya.

---

MAKALIPAS ang tatlong araw, inuwi ko na si Auntie sa bahay. Sa bahay ko na rin pinapatulog si Teri upang may magbabantay na sa kan'ya 24/7. Lagi rin namang bumibisita sina Tito Marky at Tita Jenny. Halos sa bahay na rin sila tumira.

"Goodbye, class!" paalam ko sa aking mga estud'yante.

"Goodbye, Ms. Del Mundo!" saka sila nag uunahang lumabas ng pinto.

Kahit mga Grade 12 na sila, nandiyan pa rin iyong pagiging ugaling Grade 7 nila tuwing uwian. Napapangiti nalang ako nang ako nalang ang naiwang mag isa sa calssroom.

Iniligpit ko na ang aking mga gamit saka nagmamadaling lumabas ng campus dahil magluluto pa ako ng hapunan ni Auntie. Ipinakiusap na kasi niya iyon sa 'kin pagkalabas niya sa ospital kaya sino ba naman ako para tumanggi.

Nasa may parking lot na ako nang matanaw ko ang pigura ng isang pamilyar na lalaki na prenteng-prente na nakasandal sa bumper ng kotse ko.

"Anong ginagawa mo rito?" pilit ang pagiging civil sa boses ko dahil nasa loob pa rin ako ng school premises.

"Sinusundo ka," prenteng sabi niya pa rin habang kumakaway sa mga napapadaan na mga estud'yanteng babae.

Ha! Gan'yan siya ka-g'wapo sa feeling niya?

"But you do realize na sasakyan ko 'yang sinasandalan mo?"

"Yeah, at ako ang magd-drive,"

"Makikisakay ka sa 'kin? No way!" kahit kailan nakakairita talaga ang lalaking ito.

"Malamang! Bakit, may nakita ka bang sasakyan ko rito? Hindi mo alam kung anong klaseng pagbubuwis ng buhay ang ginawa ko para lang makapunta rito at masundo ka," dada niya pa.

Huhulaan kong nag commute lang ito papunta rito. Hindi ko tuloy mapigilan ang matawa mentally kung anong naging hitsura niya sumakay ng traysikel sa kauna-unahang pagkakataon.

"O, e, bakit parang kasalanan ko pa? Sino bang may sabi sa 'yong sunduin ako?"

Biglang nagbago ang ekspres'yon niya sa mukha. "Sinisisi ba kita? Hindi, ah!"

"Magtatalo pa ba tayo rito? Ayaw mo naman sigurong pagchismisan ng mga estud'yante mo bukas, 'di ba?"

Napalingon ako sa paligid at halos mamula ang mukha ko sa hiya nang may ilang estud'yante na pala ang nakiki-osyoso sa 'min.

"Let's go?"

Wala na akong nagawa kundi ang iabot nalang ang susi ng sasakyan ko kay Renj.

"Teka, wala ka bang pasok ngayon?" kapagkuwa'y tanong ko sa kan'ya nang nasa daan na kami.

"Meron,"

"Bakit nandito ka kung ganoon?"

"That only means, I always have time for you, Gia."

'Matic ang paglingon ko sa kan'ya. Sobrang seryoso ng mukha niya kaya hindi ko mawari kung binibiro niya lang ba ako o ano.

"Hindi talaga bagay sa 'yo ang maging male lead sa isang teleserye,"

"Ano ka ba? Pang second male lead 'yon!"

Sabay kaming natawa. Mga buang.

Agad kaming pinagbuksan ni Teri ng gate nang makarating na kami sa bahay. Nagtataka ako sa ginawa niya dahil hindi naman niya ito gawain. Narito siya sa bahay para maging personal nurse ni Auntie, hindi para maging katulong.

"Ma'am..." sambit niya pagkababa ko ng sasakyan.

"Hmm?"

"M-May... may tao po sa taas," may pagkataranta sa boses niya.

"Sino?"

"Hindi ko na po naitanong ang pangalan niya dahil pagdating niya po rito si Ma'am Crissa po agad ang hinahanap niya,"

"Baka naman kamag-anak niyo lang," salta ni Renj.

Ang hilig talaga nitong sumabat sa usapan.

"Siyanga pala, alis na ako," paalam nito saka naglakad papunta sa kotse niya na hindi ko man lang namalayan na nandito pala.

"Teka, dito ka na maghapunan,"

"Sabihin mo lang na gusto mo pa pala akong makasama, Gia, then I'll gladly stay." nakangising aniya.

"Ang kapal! Umalis ka na nga lang!"

"Aminin mo na kasing crush mo na ako,"

"Gusto mong mamatay?"

Kinindatan pa ako ng hinayupak bago tuluyang nagmaneho paalis. Kaka stress!

Tumingin muna ako kay Teri bago naglakad papasok sa loob.

~~~

A/N: Votes and comments are highly appreciated! Thank you!

Continua a leggere

Ti piacerà anche

11.4M 296K 23
Alexander Vintalli is one of the most ruthless mafias of America. His name is feared all over America. The way people fear him and the way he has his...
1.1M 20.9K 30
Apple, a school journalist who is tasked to get an interview with with the tennis player who recently won a competition- August. She thought that it...
55.1M 1.8M 66
Henley agrees to pretend to date millionaire Bennett Calloway for a fee, falling in love as she wonders - how is he involved in her brother's false c...
16.3M 545K 35
Down-on-her-luck Aubrey gets the job offer of a lifetime, with one catch: her ex-husband is her new boss. *** Aubrey...