YES SIR, NO MISS.

gabbiesalazar által

2.6K 136 5

Meet Ocena Fay and Summer Elio. A story about their past and present episodes in life. Can the present scenar... Több

1
3
4
5
6
7
8
9
10- EPILOGUE

2

221 12 2
gabbiesalazar által

"E-elio?"

"Uy, Fay ikaw pala. Pauwi ka na?"

"Oo, ikaw ba? may problema ba?"

"Ah oo pauwi na rin sana ako kaso flat yung gulong ng motor ko eh pero di bale na iwan ko na lang muna ito dito tas mag-aangkas na lang ako pauwi, rush hour na kasi medyo mahirap na sumakay." mahabang litanya ni Elio, tinanong ko lang naman kung may problema ba.

"Sabay ka na sakin, along the way lang din naman ata yung bahay mo...unless lumipat ka na?"

"nakakahiya naman wag na—" pinutol ko na siya sa sinasatsat niya.

"Ito naman, tara na sige na—I insist. Hindi ka naman na iba sa akin."

•••
••



"Baka gusto mo ng maiinom. Coffee, juice?" medyo nagulat ako kasi biglang may nagsalita.

"Coffee na lang. Thank you" nahihiya kong sagot. Jusko naman kasing ulan bakit naman napaka wrong timing ng buhos mo.

I busied myself browsing anything from my phone while he is making coffee. I rarely open my social media accounts so, I decided to open my facebook account just to cut the awkwardness gliding around.

"Fay, coffee." alok ni Elio, sino ba naman ako para tumanggi diba? I saw him fidgeting his fingers—tensed. I shrugged it off and took a sip of the coffee he made. Alam niya pa rin talaga.

"U-uhm o-okay lang ba? or baka hindi na ganiyan yung—"

"Thanks. Alam mo pa rin timpla ko." I answered and gave him a sweet smile. "Mas bagay pa rin talaga ang nakasmile sayo Miss O!" pabirong aniya ni Elio. Napailing na lang ako, bolero talaga to kahit kailan.

"Ang tahimik noh? buksan ko yung tv para malaman din natin yung weather forecast ngayon."

"Yeah, sige lang. Mukhang walang balak tumila yung ulan ngayon." tatawa tawang aniya ko dahil sa totoo lang mas lalong lumalakas yung ulan.

••
•••


It's friday and it means walwal night mamaya. Nakasanayan na naming magkakaibigan na every last friday of the month ay chill night or walwal night.

So far, so good naman. No late recods, no cutting classes and wala akong kahit na anong rules na nilabag—bagong buhay na ata ako, joke. I was too busy to the point na sineseryoso ko yung sanction na binigay sa akin. Present ako every meeting for the foundation week.

We've decided to make the foundation week a little bit extra, instead of the same concept done every year—we decided to make the last day into a ball night—red carpet, tuxedos, gowns.

"So I think we are all set naman na for next week's ganap." aniya ko sa mga kasama ko sa loob ng room which is ang mga officers ng student council.

"Yes!! I'm excited, first time na ganito yung magiging flow ng foundation week natin."

"And syempre thanks to Oceana, nako kung di dahil sayo same at ganern pa din ang magiging foundation week natin."

"Elio parang gusto ko na lang bigyan mo lagi si Oceana ng incident report para balik ulit siya dito sa atin."

"mga baliw kayo! halos one month na kaya akong good girl." mayabang ko pang aniya kaya nagtawanan kaming lahat. Being with them in a short span of time made me realized na masyado na pala akong nag eenjoy sa buhay nakalimutan ko na maglagay ng limitation. Noon naniniwala ako na okay lang na may make up ako, na sinusuot ko kung ano ang gusto ko, na ginagawa ko lang kung ano yung gusto ko—naniniwala kasi ako na okay iyon dahil in that way we can express ourselves.

"Guys, okay na naman siguro tayo? all settled na?" tanong ni Elio na tumitingin tingin pa sa orasan niya.

"Yes pres!!" sabay sabay na aniya naming lahat na nandoon.

"Sige na, uwian na!!" nagkaniya kaniya na kami ng paalam sa isa't isa medyo nahuli ako ng konti dahil may binalikan pa akong gamit sa locker ko. I did not notice the time at hindi din ako nakapag open ng phone kanina dahil nga nagfinalize pa kami ng mga kailangan for next week. Our usual friday night was cancelled—may nga date daw sila, usually I will be pissed already pero right now okay lang siguro it's because I was too exhausted na rin.

I was at the waiting sched naghihintay kung may tricycle or taxi na dadaan pero mukhang ito ata ang sisira ang sa maganda kong araw, nagbabadya pa ata ang ulan. Wala pang ilang minuto nung napansin ko na uulan—bumuhos naman agad ang malakas na ulan mas lalo tuloy mahirap makahanap ng masasakyan, I have no choice kundi ang tumawag at magpasundo.

After thirty minutes of waiting at dumating na din naman agad ang susundo sa akin. I am about to hop in when I saw a very familiar figure not sure if siya nga iyon dahil medyo natatakluban siya ng payong.

"Elio?" I shouted just to confirm if it was him and yes it was him. I smiled at that thought pero agad din naman na nawala yung ngiti ko when I saw na hindi siya mag-isa, kasama niya si Rosa.

"Uy miss pasaway!" pabirong aniya ni Elio kaya naman inirapan ko na lang siya.

"Pauwi na din ba kayo? gusto niyo bang sumabay na lang—I mean I assumed na along the way or madadaanan naman yung bahay niyo?" hindi ko din alam kung bakit ko sila inalok na makisabay mamaya hindi tumanggi at sumabay nga.

"A-ah hindi na Fay, ihahatid ko pa kasi si Rosa eh medyo out of the way yung bahay nila Rosa. Thank you ha." nakangiting saad ni Elio.

"ah sige, mauna na ako sa inyo. Ingat kayo!" agad na din akong sumakay sa sasakyan.

Hindi ko alam kung bakit iba yung kabog ng dibdib ko kapag si Elio ang kaharap ko lalo na kanina nung tinawag niya akong Fay. Iba yung nararamdaman ko kapag andiyan siya pero kanina hindi ko alam kung bakit medyo nairita ako lalo na nung kasama niya si Rosa. No No No, hindi ko naman siguro siya gusto diba? or baka nga nagugustuhan ko na siya?

••
•••


"Maam O? Earth to Maam O?" nabalik ako sa ulirat nung naramdaman ko ang bahagyang pagtapik ni Elio sa balikat ko.

"H-huh ano nga ulit yung sinasabi mo?" tanong ko kay Elio, nakakahiya naman dito at ngayon ko pa talaga napili na alalahanin ang nakaraan.

"sabi ko Maam O, suspended na daw po ang mga klase bukas at mukhang hindi pa din kakalma ang ulan mas nabuhos lang ito ng malakas." tatawang nagpapaliwanag sakin si Elio. Talaga nga namang kamalas malasang araw.

"Oh shit." I silently cursed through the air at awtomatiko namang napalingon si Elio sa akin—he knew that I rarely cursed. "Uhm Elio malapit ba na hotel or inn dito sa inyo—I mean doon na lang muna sana ako magpapalipas ng—"

"Dito ka na magstay doon ka na lang sa guest room, malinis naman iyon kahit di masyadong nagagamit." he sincerely said pero di ako marupok syempre tatanggi muna ako.

"Huwag na Elio nakakahiya tsaka—"

"Ito naman, tara na sige na—I insist. Hindi ka naman na iba sa akin." he said mimicking what I've said earlier bago ko siya isabay sa akin. Kaya medyo natawa ako. Hindi talaga siya pumapayag na umalis ako kahit anong pilit ko kaya no choice I surrendered.

He gave me a set of clothes—girl clothes to be exact.

"Elio, no need na. I can manage, okay na sa akin itong school uniform ko aalis na rin naman ako agad once na humina yung ulan and baka magalit pa ang girlfriend mo pag nalaman na kung kanikanino mo pinapahiram ang gamit niya." hindi ko alam pero may pait sa mga huling salitang binitiwan ko.

"eh ikaw nga yung gusto kong maging girlfriend ulit eh." he murmured kaya hindi ko masyadong naintindihan.

"uhm may sinasabi ka ba?" paglilinaw na tanong ko naman.

"sabi ko, sige I'll go ahead na, katukin mo lang ako sa katapat na room if ever you'll need something." He said and walked towards the door.

"And lastly hindi ito sa jowa ko, sa pamangkin ko sana ito kaso mukhang hindi naman siya uuwi dito tonight." aniya niya na nakangisi bago tuluyang lumabas ng kwarto. [dimoshur kung pamangkin lang.]

"Shit, napaka tanga lang Oceana Fay!! Bakit mo naman kasi sinabi pa iyon mamaya isipin pa non di ka pa nakakamove on." paratang ko sa sarili dahil nakakahiya tunog bitter pa naman ako kanina.

It was already past eleven pero hindi pa rin humihinto ang ulan nadagdagan pa ito ng mga kidlat at kulog. I decided to go down, hindi naman siguro siya magagalit if ever makiki kape ako tsaka for sure nakatulog na iyon.

He never changed, prim and proper, organized, well composed—how could you not admire that. After taking the coffee I was about to walk up stairs again when I saw a photo album near the bookshelves—a very familiar one. I took a glance and perused it. It was us.



The first photo was our first official date, iyan yung alam na ng lahat na we are dating. I harked back how they laugh when they accidentally saw at a restaurant, that day the whole student council officers supposed to have a dinner celebration for a thriving event but Elio made a reason that he cannot come and same goes with me pero ayun nahuli kami. Memories.

I did not notice that a tear already shed from my eyes. The longer I scanned the album the deeper the pain in my chest I felt. I am already crying maybe I just really missed the feeling of being undoubtedly in love or maybe I also missed him being mine and me being his.

I felt an arm snaking around me and that made my cry more audible. I don't just miss him—I'm still into him.

He surprises me with his kisses, I was startled I knew I needed to stop him but I can't. Marupok nga sabi nila.

I kissed him back, igniting the fire that has started. I was catching my breath as we pull off from that fire and realization hits me.

"No, No, mali ito. Mali." I pushed him away and saw the trepidation in his eyes. Bakit ba kasi napakarupok mo Oceana!!

"Ikaw, ako, yung nangyari kanina mali yon Elio, maling mali—"

"Mali nga ba o hindi na dapat nangyari?" mapait na saad ni Elio at natigilan ako sa sinabi niya.

"Hindi mali yung nangyari kanina, wala naman tayong nasasaktan o natatapakang ibang tao, corny man pakinggan pero yung kanina it was not just us it was our hearts Fay, puso natin na kumakawala dahil di natin masabi kung ano yung gusto niya—" he intently look in my eyes then he uttered "—or baka nga ako na lang iyon. Sino lang ba naman ako para mahalin mo pa? eh iniwan mo na nga ako noon diba." I am guilty for all what he is saying oo iniwan ko siya noon, oo totoo iyon pero yung hindi ko na siya mahal, malabo.

Kita ko kung paano niya pinunasan ang mga nagsisilandas na luha niya, dama ko yung sakit. Kita ko rin kung paano siya bumuntong hininga.

"Pasensiya ka na Fay, nadala lang siguro ako kanina. Pasensiya ka na rin kung hindi ko manlang naisip na—oo ako wala akong sabit peri hindi ko naisip na ikaw baka may naghihintay saiyo na pamilya mo sa bahay na baka may naghihintay sayo na kasinta—" putangina Elio naman hahalik ba ako pabalik kung meron?! gusto kong sabihin iyan sa kaniya.

"Mahal kita." tipid kong aniya. Kita ko yung bakas ng gulat sa mukha niya. Siguro normal lang na ganoon ang maging reaksyon niya?

"Elio—My summer." Ito pa lamang ang nabibitawan kong salita pero yung luha ko, daig pa ang agos sa mga talon. "I'm sorry. A-alam ko na kasalanan ko—ako yung nangiwan sayo, ang unfair ko..." tuloy tuloy lang ang pagsilandas ng mga luha ko. "...kasi kung tutuusin may choice ako, may choice ako na magstay at huwag umalis pero-pero ginawa ko iyon dahil alam ko na mas makakabuti sayo iyon..." sa tagal ng panahon ngayon lamang kami nag-usap.

"b-bakit? bakit mo pinangunahan? bakit ikaw yung nagdesisyon para sa akin?" wala akong nakikitang galit sa mga mata ni Elio pero yung pagkadismaya nandoon,kitang kita ko.

"Kung hindi ko iyon ginawa sa tingin mo ba narating mo ngayon—itong estado mo?" natigilan siya at alam ko na minsan ay sumagi na rin ito sa isip niya katulad ko. "Elio you are blinded that time, yung ako at yung pagmamahalan natin ang naging mundo...hindi ko sinasabi na ayaw ko na ganoon pero Elio lahat na ng tao ang tingin sa akin balakid—hadlang sa mga pangarap mo...At ako, nagpaapekto ako sa kanila, naging ganoon rin ang tingin ko sa sarili ko! Hadlang ako saiyo noon Elio." Ang bigat sa pakiramdam. I never imagined that we would still be given a time to finally settle and close this chapters of our lives.

I never heard any word from him. Hindi ko alam kung ano ba ang tumatakbo sa isip niya ngayon ang gusto ko na lang ngayon ay umalis na—masyadong maliit at nakakasakal ang lugar na ito para sa aming dalawa.

I dried the tears from my eyes. "Elio, I love you. Please remember that always. I love you that's why—" I was cut off when his phone rang. My heart was like being hammered into pieces when I saw who the caller is—Rosa.

He answered the call without even glancing at me. I did not wait for him to turn his attention to me—I walk out of his house despite the pouring rain, I just cannot stand seeing him talking to the woman whom everybody see as the one suitable for Elio.

Ako yung nang iwan noon pero ako rin yung nasasaktan hanggang ngayon.

ELIO's

I will mean it, everything was planned. I wanted to have revenge. Yes, I am with Rosa BEFORE pero ngayon magkaibigan kami dahil kailangan—kailangan para sa anak namin. Ever since Fay left me Rosa has been my constant she never leave my side.

I was so sure at first that all I want is revenge but seeing Fay being vulnerable in front of me and knowing her reason of leaving me— I was taken aback, hindi ko alam. Wala akong alam.

Mali ako, mali yung naging paniniwala ko. Akala ko ako lang yung nasasaktan akala ko wala lang sakaniya lahat.

After I answered Rosa's call. I came back—pero wala na siya, umalis nanaman siya—ng dahil nanaman sa akin. Siya ba talaga yung nananakit o sadyang manhid at selfish ako para di maramdaman na nasasaktan ko rin siya.

"Hello? Maam Iris?"
 

"Sir Elio, napatawag ka?"

"Itatanong ko lang sana kung anong address ni Maam O?"

"Akala ko ba magkasama kayo?!" Dama ko yung pag taas ng boses ni Maam Iris dapat pala si Sir Santy muna tinawagan ko.

"Look, something happened. Nagkasagutan kami and—and she left, hindi ko namalayan na umalis na pala siya—"

"putangina ano to? history repeats?!! Elio wag lang may mangyayaring masama kay Oceana dahil kung meron man baka hindi ko matantsa sarili ko, baka kahit nasa school pa tayo uumbagan talaga kita!" naguguluhan ako, bakit parang may nangyari noon na hindi ko alam 'history repeats'?

OCEANA's

Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng sarili ko, bahala na. After hours and hours of driving I found myself here at my parent's old house in Pangasinan, ganoon na pala ako katagal na nasa kalsada at nakarating ako dito, hindi ko alam kung paano pero thank God I am safe.



Inasahan ko nang may mga messages si Iris at Santy sa akin dahil alam ko na sakanila ako unang hahanapin ni Elio—wait, baka hindi niya ako hinahanap. He just informed my friends para wala siyang cargo de konsensya kung sakali man na mayroong mangyari sa akin. I did not bother to reply, makikita naman nila that I've read their messages, enough na siguro yon para malaman nila that I am safe kasi kung hindi, might not be able to read those.

Nothing has changed. Maybe it's me being a masochist, mas pipiliin ko pa rin na ako na lang yung masaktan. My tears started to flare up, hinayaan ko na lang para maubos na para hindi na masakit.

If loving you is all that means to me
When being happy is all I hope you'd be


Talaga ba?? Totoo ba?? ngayon ko talaga maririnig tong kantang to?! Well, I guess isang sakitan na lang talaga to, ubos na ako pero sige sagaran na.

Then loving you must mean
I really have to set you free


He WAS the one that I just let slip off my grip, now he IS still the one but not for me anymore. They said that Walking away might be the easiest way to endure the pain but going back and taking the risks of loving the same person after the pain and discomfort, is bravery. And I did that, I walked away once enduring the pain na ako din naman ang may gawa but am I considered brave enough for coming back—coming back and just tried one luck of taking the risks? then run away again—permanenteng takbo palayo. I present myself as a coward.

Letting go is not an easy task
When smiling feels like
I must wear this lonely mask


Bakit ba umasa pa ako na kapag pinagtagpo muli kami ng mundo ay mayroon pa rin akong babalikan—na andiyan pa rin siya kasi ako andito pa rin ako, umaasa na isang araw babalik siya at handa akong tanggapin siya sa pagkakataon na iyon at hindi na muli pang bitawan pero kahit gaano ko pa kagusto at kahit anong hiling ko pa, kung hindi na ako. Hindi na ako, masakit ipagpilitan ang sarili lalo na sa taong naging sarado na ang puso para sayo.

If loving you is all that means to me
When being happy is all I hope you'd be
Then loving you must mean
I really have to set you free


I was startled when my phone continuously vibrated from my pocket, it's almost morning—5am, I left manila rather I left Elio almost passed eleven then I drove for I don't know how many hours, probably I arrived here an hour or two ago?

I decided not to sleep, I walk till I reached the beach. Sands on my feet, calming morning breeze, smell of anew morning. Umupo ako sa tabing dagat hinihintay ang pagsikat ng araw. I remembered something, Elio and Me. We are like the beach and the sun, you knew how beautiful it is when the sun rays and the salt water meet? Right, it was perfect but eventually the sun will go up away from the lining of the salt water but still at the end of the day the salt water and the sun will meet again for the sunset. And it was us—Me and Elio, saying our goodbyes.

"Ate O?" nagulat ako dahil may biglang tumawag sa akin. Hindi ko maaninag kung sino kaya tinitigan ko muna siya pero hindi ko talaga matandaan kung sino siya. Too young naman kaya hindi pwedeng batchmate ko.

"uhm yes?" nag aalangan kong tugon

"Hala ikaw nga ate!! Ako po ito si Catherine, yung anak po ng kasambahay niyo noon si Aling Mita." pagpapakilala naman ng dalagita at agad ko din naman siyang naalala.

"You're a grown up na, pasensiya ka na hindi kita agad nakilala."

"Okay lang po iyo ate, matagal na rin po kasi simula nung huli niyong bisita dito. Halos sampung taon na din po ata nung huli ninyong bisita." Then suddenly I remembered every painful scenario that happened here.

"Ate kamusta ka na po? wala na po kaming naging balita magmula nung umalis ka po, sobra po kaming nag alala sayo noon kasi halos kamamatay lang noon nila Madam at Sir tas nagulat na lang kami isang araw wala ka na din sa bahay tapos si Kuya Elio po halos araw araw na bumabalik dito sa bahay niyo." I never knew na pinuntahan niya ako sa bahay after that night.

"Si E-Elio? pumunta noon sa bahay?" nagbabadya nanaman ang mga luha ko.

"Opo ate, natatandaan ko pa nga po noon na sinasabi niya kay nanay na kailangan ka daw po talaga niyang makausap, hindi niya daw po sinasadya kung ano man ang nangyari." Nagulat ako pero mas nanaig yung takot ko, paano kung may alam na pala si Elio sa nangyari noon.

"Catherine!! sino ba iyang kausap mo agang aga ika'y nadiyan na sa dalampasigan!" rinig kong sigaw ng babaeng nagwawalis sa may bakuran ng bahay. Agad akong napangiti, si Nanay Mita. Siya na ang naging pangalawa kong magulang kahit na noong nabubuhay pa ang ang mommy at daddy.

"Halika ate, puntahan natin si Inay tiyak na matutuwa iyon pag nalaman niyang ikaw ang kausap ko." wala na akong nagawa dahil hinila na ako ni Cath papunta sa kinaroroonan ni Nanay. Nakatalikod si nanay sa amin.

"Nay..." bati ko habang may ngiti sa aking mga labi. Bakas naman ang pagkabigla kay nanay Mita na maya maya ay nakita ko nang naluluha kaya agad akong yumakap sa kaniya.

"Ay jusko anak, Fay? ay ikaw nga!!" Ito na ata yung hinahanap kong pahinga. Mahigpit akong inakap ni nanay, hindi ko alam pero agad din na nagsilandas ang mga luha ko.

Nauna nang pumasok sa loob si Cath, siya na daw ang maghahanda ng agahan.

"Nak, may problema ka."

"Po? bakit niyo naman po natanong?"

"nak sinabi ko, di ko tinatanong. Hay nako kang bata ka, eh ni buntong hininga mo alam ko na ibig sabihin, sa akin ka pa ba maglilihim?" Diba kaya dito ako kay nanay eh.

"Wala po ito nay, siguro pagod lang po sa trabaho. Kailangan ko lang po talaga ng ilang araw na pahinga malayo sa mga problema." aniya ko "kayo po nay, kamusta po dito?" pag-iiba ko sa usapan.

"Okay naman dito, ganoon pa rin medyo nakakamiss lang kayong mga bata kayo, nabawasan ang maiingay dito sa atin."

"Nay naman makabata eh nasa borderline na din po ang edad ko, ilang taon na lang po ay mag kwarenta na po ako." nahihiya kong aniya.

"Aba'y siya nga, eh ano ikaw ba ay may pamilya na o di kaya ay anak?" pag uusisa naman ni nanay

"wala pa po nay, wala pa pong dumadating."

"Nako ikaw ay napapagiwanan na, si Iris balita ko ay may anak na..." medyo mahabang napatigil si nanay parang nag aalangan kung itatanong niya ba o ano.

"Sige na nay, itanong mo na po. Alam ko naman na kanina mo pa po talaga gustong itanong iyan." tatawa tawa kong saad kaya natawa din si nanay ng bahagya.

"Si Elio ba anak kamusta? Alam mo hindi biro ang pinagdaanan ng batang iyan. Naawa nga ako sa kaniya lalo na nung umalis ka na lang bigla anak, parang napagsakluban ng langit at lupa iyan. Halos hindi na iyan lumalabas ng bahay nila at araw araw din na nagpapabalik balik sa bahay niyo, tinitignan kung nakabalik ka na raw ba. Pero sa kabilang banda bilib ako diyan sa batang iyan dahil nagawa niyang bumangon—bumangon siya para sa anak niya." para akong nabingi at nabuhusan ng malamig na tubig sa huling salitang binitawan ni nanay

"...bumangon siya para sa anak niya."
"...bumangon siya para sa anak niya."
"...bumangon siya para sa anak niya."

"M-may anak si E-elio?" wala na akong pake kung umiiyak na ako habang tinatanong ito kay nanay, nakita ko naman kung paano nataranta si nanay.

"Anak tahan na anak, pasensiya ka na dahil akala ko ay alam mo na." aniya ni nanay habang inaalo ako ng yakap niya habang bahagyang hinahagod ang likod ko.

Ano pa bang hindi ko alam? Wala na bang mas isasakit pa ito? Baka meron pa akong dapat malaman, sige na ibagsa niyo na lahat ngayon para isang sakitan na lang.

Hindi ko na alam kung anong sunod na nangyari, nagising na lamang ako na nandito na sa dati kong kwarto. Naiiyak nanaman ako, naiisip ko pa lamang yung mga nalaman ko ay naiiyak na ako, ang sakit pala.

I heard three knocks, inayos ko muna ang sarili ko bago binuksan ang pinto and there was Catherine holding a tray of food.

"Ate, kain ka na po muna. Nakatulog ka na po kasi kanina kakaiyak."

I let her in. Pinatong niya naman sa mesa ang pagkain na dala niya, wala akong imik dahil pakiramdam ko ay wala na akong kahit anong lakas.

"Ate iwan ko na po ito dito. Kumain ka po ha, kagabi ka pa po ata hindi kumakain." aniya ni Cath at nagulat ako ng akapin niya ako. "Ate, huwag mong takbuhan, harapin mo. Mas makakagaan yan dito" mahinahon na aniya ni Cath habang itinuturo ang aking dibdib kung nasaan ang puso ko. Niyakap ko siya pabalik. "Salamat, Cath."

•••
••


August 20, 2021
Like, vote, share, and comment kayo dyarn :>

Olvasás folytatása

You'll Also Like

90.1M 2.9M 134
He was so close, his breath hit my lips. His eyes darted from my eyes to my lips. I stared intently, awaiting his next move. His lips fell near my ea...
16.3M 545K 35
Down-on-her-luck Aubrey gets the job offer of a lifetime, with one catch: her ex-husband is her new boss. *** Aubrey...
55.1M 1.8M 66
Henley agrees to pretend to date millionaire Bennett Calloway for a fee, falling in love as she wonders - how is he involved in her brother's false c...
524 84 31
Carlson Spencer is the smartest student in Sansrival University. Besides, he is quiet and the most handsome in the university, so the girls are crazy...