Every Beat of Heart (Agravant...

De jhelly_star

32.4K 861 45

[COMPLETED] Michelle Agravante, the softest and the kindest girl of all the Agravantes is deeply in pain afte... Mai multe

AUTHOR'S NOTE
SIMULA
KABANATA 1
KABANATA 2
KABANATA 3
KABANATA 4
KABANATA 5
KABANATA 6
KABANATA 7
KABANATA 8
KABANATA 9
KABANATA 10
KABANATA 11
KABANATA 12
KABANATA 13
KABANATA 14
KABANATA 15
KABANATA 16
KABANATA 17
KABANATA 18
KABANATA 19
KABANATA 20
KABANATA 21
KABANATA 22
KABANATA 23
KABANATA 24
KABANATA 25
KABANATA 26
KABANATA 27
KABANATA 29
KABANATA 30
KABANATA 31
KABANATA 32
KABANATA 33
KABANATA 34
KABANATA 35
KABANATA 36
KABANATA 37
KABANATA 38
KABANATA 39
KABANATA 40
WAKAS

KABANATA 28

552 12 0
De jhelly_star

Kabanata 28

Leave

--

Ngayon hindi ko na alam kung para pa ba sa kapakanan ko ang ginagawa ni Mommy. Maybe it's true she wanted to get rid of the pain I was feeling by me dating another man. Pero pakiramdam ko, ginagawa niya rin ito para sa business nila ni Dad.

Gusto ko mang magalit, alam kong wala pa ring mangyayari. Gustuhin ko mang magreklamo, alam kong mas lalala lang ang lahat. Mas mabuting hayaan ko nalang. Tutal alam kong hindi kami magkakatuluyan ni Blade. Hindi ko siya gusto. At masyadong na kay Luna ang atensyon niya.

"Hindi ka na naman masaya? Kailan ka ba sasaya kapag kasama ako?" tanong ni Blade habang nagda-drive siya papunta sa mall.

Pagod ko siyang nilingon. "May problema ako ngayon kaya wag ka nang dumagdag."

He chuckled. "Fine! Pero anong gagawin natin ngayon? I'm sure someone is watching over the two of us so we should really date right now."

"Anything. Para matapos nalang agad."

"Whoa. Ganon mo talaga ako ka-away kasama?"

Somehow I'm guilty that I'm treating him like this. Wala naman siyang kasalanan at napilit lang din siya rito. Malalim akong bumuntong hininga.

"I'm sorry. Hindi ko lang talaga gusto na pinipilit ako," sabi ko.

"Hindi ko rin naman gusto. My precious and sweet Lunara Valdez will kill me because of this."

Halos iritado ko siyang nilingon. Kung ganon nagda-date na nga talaga sila ni Luna? Hindi ako makapaniwala! Pero wala akong panahon para sa kanila ngayon. Masyado akong maraming iniisip. Ni hindi ko nga alam kung ayos pa ba ako.

Nanood kami ng sine ni Blade. Iyon lang naman ang magagawa namin sa loob ng mall. Halos hindi ko naintindihan ang pinanood dahil antok na antok ako. Kung hindi lang talaga ako nagui-guilty ay baka nga nakatulog na ako.

Paano ba naman kasi, enjoy na enjoy sa panonood si Blade. Tawa nang tawa at kinakalabit pa ako tapos ituturo ang nakakatawang nakita niya sa palabas. So I tried not to sleep because even though we both didn't want to be in this set up, hindi pa rin maganda na tulugan ko siya ngayon. Baka sumama pa ang pakiramdam niya sa akin, magtampo pa. Tsaka kahit ako naman maiinis kapag tinulugan niya ako habang ako enjoy na enjoy sa panonood.

I remember Lee. Nakakatawa nga dahil ito ang parehong sinehan kung saan kami nanonood palagi. Kaya ayoko sana dito pero mapilit si Blade. Gusto niyang panoorin ang palabas na nandito. Oo, siya ang nasunod sa date na 'to.

I took a deep breath as I remembered how he would put his jacket on me every time I got cold. How he holds my hand just so I can feel a little warm in this cold movie theater.

Hindi ko alam kung bakit parang mas lalong bumibigat ang nararamdaman ko habang inaalala siya, at ang lahat ng ginagawa niya para sa akin, kahit sa mga simpleng bagay lang.

I stopped walking when I glanced at the jewelries shop. Mula sa labas ay nakita ko ang mga bracelet. We're done watching and we're going to have lunch. We will eat at a seafood restaurant.

I looked at the bracelet that was still on my wrist. Ito ang binili ni Lee para sa akin at dito niya binili ang bracelet na ito, sa mismong shop na ito ng mall. I still remember that very well.

Parang kahapon lang... nangyari ang lahat.

"Hey, Michelle!" tumakbo pabalik si Blade nang nakita niyang wala na ako sa tabi niya.

Sobrang layo niya na at ngayon niya lang napansin na tumigil ako.

"Akala ko nawala ka na! Anong ginagawa mo dyan?" tanong niya.

I averted my eyes from the bracelets and continued walking. Mabilis na sumunod si Blade sa akin.

"Wala. Ang gaganda lang noong mga bracelet..." sabi ko nalang.

"You like bracelets? Gusto mo bilhan kita?" nakangisi niyang tanong.

Pagod ko siyang binalingan. "I could buy one myself, Blade."

He chuckled.

We ate at a seafood restaurant. And how difficult it is for me to eat on that place. Dahil maski ang paghihimay ni Blade ng crabs, si Lee ang naaalala ko.

I remember him peeling crabs for me because I didn't know how. At ayaw niya ring paghimayin ako nang nalaman na nasugatan ako dahil do'n.

Ngayon kumuha pa kami ng waiter para lang maghimay para sa amin.

How difficult. How... painful. At hindi ko alam kung bakit. Hindi ko alam kung bakit sobrang sakit.

"Ayos ka lang? Kumain ka pa," si Blade nang nakita niyang tumigil ako sa pagkain.

Wala na akong gana. I don't even know if I can still eat. And as the days go on, as I remember Lee in everything I see, as I don't get a chance to see and talk to him again, I gradually realize how I really feel.

Unti unti na akong nakakaramdam ng takot. Unti unti na akong kinakabahan. Gusto ko na siyang makita, makausap at nang makapag paliwanag ako. I want to apologize, over and over again, until he finally forgives me.

Pero hindi siya nagpapakita sa akin.

"Mina, baka busy lang talaga?" sinusubukan ni Luna na pagaanin ang loob ko.

Hindi ako nagsalita. Naiiyak na ako sa sobrang takot at pag aalala. He has been avoiding me for weeks now. I want to believe that he was just really busy but he wasn't like this to me before. I know that he will really change towards me but can't he give me a chance to talk to him? Even just for a moment? Ayaw niya na ba akong pakinggan?

I know I gave him too much pain. I knew maybe he needed more time. But I can't wait anymore. Natatakot ako. Sa mga pwedeng mangyari. Now that I realized my real feelings for him, I'm scared that I will lose him too... like Seb!

I'm scared of losing him, not because he looks like Seb and I'm scared of losing his face forever! I don't care about his face anymore! I don't care if he looks like someone else from my past! I want him to stay! With me! I know I'm being selfish but I don't want to lose him! And I repeat that's not because he looks like Seb! Sebastian has nothing to do with this problem anymore! I want him to stay, not because he's Sebastian's twin, but because I love him! I love Constantino Leandros Hidalgo, not Seb... not anyone... but only him!

"Oh my gosh! Mina! I have something very important to tell you!"

Kinabahan agad ako sa sinabi ni Luna at sa tono niya. Napa ahon ako sa pagkakahiga sa aking kama. Linggo ngayon at busy na naman sa kumpanya sina Mommy at Daddy kaya hindi ulit kami nakalabas. Nalalapit na ang holiday kaya siguro nagiging busy na sila.

"What is it, Luna?" kabado kong tanong sa kaibigan.

"Kasama ko ngayon sina Gabrielle. Lumabas kami at kasama namin ang mga kaibigan ni Lee! I heard that Lee took the exam earlier than them! They said he finished everything right away and now he's leaving! To another country! To Los Angeles! Ngayon ang alis niya at nasa airport na siya!"

It was as if cold water had been poured on me when Luna said that. I couldn't move.

"Doon na daw mag aaral ulit si Lee. At hindi niya sinabi sa mga kaibigan niya kung kailan siya makakabalik!"

Parang tambol ang puso ko sa lakas ng kalabog. Nanginig ang mga kalamnan ko habang pinapakinggan si Luna.

"Mina, I'm sorry. Hindi ko alam! Wala akong alam tungkol sa kanya kahit nasa iisang school lang naman kami. Itong mga kaibigan niya lang kasi ang pinagsabihan niya at syempre hindi kumalat sa school dahil do'n! I'm sorry. I didn't know..."

Hindi ko na siya pinatapos. Kahit sobrang nanginginig sa takot at kaba, tumayo at tumakbo ako palabas ng bahay namin, dala ang phone, at habang sunod sunod ang pagbuhos ng mga luha.

No! Hindi siya pwedeng umalis! Hindi pa kami nakakapag usap! Hindi ko pa nasasabi sa kanya ang totoo kong nararamdaman! Hindi siya pwedeng umalis! Hindi niya ako pwedeng iwan!

Wala na akong pakialam kung pagalitan ako ni Mommy at Daddy pagkatapos nito. I quickly ordered our driver to take me to the airport. And because he saw me crying and in a hurry, he quickly followed me.

Lee changed his number so I can't contact him in the past few days. At ngayon pakiramdam ko mamamatay ako kapag hindi ko siya nahabol.

Hindi siya pwedeng umalis! Bakit siya aalis? Dito na siya mag aaral, diba? Kaya bakit pa siya aalis? Dahil ba sa akin? Dahil ba sobra ko siyang nasaktan?

I'm sorry! I know I've been so selfish! Pinagsisisihan ko na ang lahat! At ngayong alam ko na ang tunay na nararamdaman ko para sa kanya, para akong pinaparusahan.

Why didn't I realize earlier? Why am I thinking only of Seb? Why didn't I immediately see his efforts? Why am I such a fool!?

I remember how happy we are back when it was all normal. Palagi niya akong nililibre ng fishball at kwek kwek. How we got wet by the rain and how we laughed and ran even in the middle of that heavy rain. How he would help me with my assignments. How he always tease me. Lahat iyon naaalala ko! Kung noon si Seb ang palagi kong naaalala, ngayon sa lahat ng bagay na makita ko siya na ang naaalala ko!

Umiiyak akong lumabas sa SUV namin nang nakarating sa airport. Mahaba habang byahe iyon dahil hindi ganon kalapit ang airport sa amin.

Naghanap ang mga mata ko. Umikot ikot ako at sinikap tingnan lahat ng tao, nagbabaka sakaling si Lee iyon.

Lee, nasaan ka na? Hindi ka pwedeng umalis. Hindi mo 'ko pwedeng iwan!

"Lee!" I shouted, wala nang pakialam sa mga tao sa paligid.

I looked for him everywhere. In every corner of the airport. But I can't see him! Walang Lee! I thought for a moment that Luna might be just mistaken but when I saw the top, kung saan nakalagay ang mga flights na naka alis na, parang gumuho ang mundo ko.

Kasama roon ang Los Angeles. At ang sinabi ni Luna, doon siya pupunta.

"Sigurado sila. Ang mga kaibigan daw ni Lee ang naghatid sa kanya dyan sa airport kanina..." nag aalala ang boses ni Luna sa kabilang linya. Nalaman niyang nagtungo ako dito.

Humagulgol ako at napaupo na lamang sa sobrang pagod at sobrang sakit, punong puno ng pagsisisi ang nararamdaman.

Hindi ko na siya naabutan. Ni hindi niya manlang sinabi sa akin na aalis siya. Bakit niya ako agad agad iniwan?

Continuă lectura

O să-ți placă și

1.2M 44.4K 92
[𝙶𝚇𝙶] [𝙿𝚁𝙾𝙵𝚇𝚂𝚃𝚄𝙳𝙴𝙽𝚃] Will you pursue your feelings towards her if she's your professor and your best friend's sister? What if she lik...
20.1K 468 48
[COMPLETED] Louissa Agravante, the coldest and most feared of all the Agravantes, is very irritated with Monica Salazar, the daughter of her mother's...
37.1K 516 39
(Seeing You Series #2) COMPLETED Seeing you in the crowd, in different time. Syd, the mvp in the varsity team, a civil engineer. The man who's lookin...