The Bad Girl's Resentment (Co...

De shellura

693K 16.9K 1.6K

Costillano #2 (Professor x Student) Since her junior days, Valerie Villason had done everything to despise gi... Mai multe

Disclaimer
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Wakas

Kabanata 34

12.4K 296 33
De shellura


We stop in front of a black gate that's few inches higher than Horris. Hindi ko naiwasang mamangha nang napansin ko ang three story house sa loob niyon. It has its own rooftop, and the windows are tinted. Malawak at malinis ang bakuran nang hinila niya ako papasok sa tarangkahan. There are some trees that almost look like pines on either side of the house. Tanaw ko rin ang hardin sa may bandang kaliwa.

I look up at Horris with my questioning look. "Talagang bahay mo 'to? Ikaw ang bumili?"

Binuksan niya ang double doors at saka niya ako hinatak sa maikling pasilyo bago bumungad sa amin ang malawak na kabahayan. His right hand is dragging my baggage, while the other one is firmly holding my hand. Para namang tatakbo ako unumang oras sa higpit ng hawak niya sa kamay ko.

"It's yours now too."

Napaawang ang labi ko bago ko inilibot ang tingin sa paligid.

The furnitures are a combination of modern and classic style. May malaking chandelier sa kisame nang tumingala ako; sa kanan ko naman ay ang sofa, couches, at lamesa katapat ng flat screen TV. Hindi ko naiwasang mapakagat sa aking labi dahil hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin kung bakit nauwi sa ganito ang lahat.

I let him realize things. I accepted him. I waited for him. I married him, and now I am here, going to live simultaneously with him.

Huminto ako sa paglilibot ng tingin nang naramdaman ko ang kamay niyang pumulupot sa aking baywang at ang paglapat ng baba niya sa leeg ko.

"I love you."

A warming sensation fills my system after hearing his whispers in my ear. He then kisses my cheeks with his soft lips.

Humarap ako sa kaniya at mataman siyang tiningnan sa mga mata. How can I believe Ate Vaneza's words when he's like this? So soft, so warm, so heart whelming. Hindi ko makita ang sarili ko na iniiwan ng isang katulad niya dahil sa tuwing pipikit ako, palagi siyang naroon at nakaabang sa akin.

I smile and cup his cheeks, caressing them. His love is so pure that I can't even ask for more. "I love you, Horris."

Ipinulupot niya ang kaniyang braso sa aking baywang at saka niya ako niyakap nang mahigpit bago hinalikan ang aking noo. Bumungisngis ako sa ginawa niya at niyakap siya pabalik. We're like that for a minute before I decide to unclasp with him, but my forehead knits when he doesn't let me go.

"Uy, mag-aayos pa ako ng mga gamit," saway ko sa kaniya.

"Payakap muna."

Mahina akong humalakhak. "Para namang mawawala ako." I'm expecting him to laugh, but instead, his hold gets tighter and my grin slowly fades. It seems as though he's worried that I could disappear from his view and he won't be able to hug me again. "Horris."

"Don't leave me." Tuluyan siyang kumalas sa akin.

Kunot-noo akong tumunghay. "I won't. Bakit ko naman gagawin 'yon?" Ang tagal ko siyang hinabol, pagkatapos naiisip niya na basta ko na lang siyang iiwan?

Umiling siya sa akin. "Nothing. Let's fix your things."

Hinila niya ang bagahe ko papaakyat sa hagdanan. Sumunod ako sa kaniya. May isang pinto kaming naraanan nang nakaakyat kami sa may pasilyo bago niya binuksan ang pintuan ng isang kuwarto. Itim at puti ang tema niyon. May pangdalawang tao na laki ng kama, sofa at couches, study table, mayroon ding sariling telebisyon. May dalawa pa akong pinto na nakita na sa tingin ko ay banyo at walked-in-closet.

"This is your room. P'wede kong palitan iyong mga gamit kung hindi mo gusto."

Mabilis akong umiling sa kaniya. "Okay na ito. Kuwarto mo?"

Sandali siyang natigilan sa sinabi ko at seryoso akong tiningnan. "Kuwarto mo."

"Hindi tayo magtatabi matulog?"

Kumiling ang ulo niya at may pagtatanong akong tiningnan. "Gusto mo ba?"

Napakurap-kurap ako at nakaramdam ng pag-iinit ng pisngi. E sa akala ko magkatabi kami matutulog! Kasal na kami kaya wala nang malisya ro'n! Ilang beses na ring may nangyari sa amin, kaya ano pang mali roon?

Unti-unting umangat ang sulok ng kaniyang labi nang hindi ko nagawang makapagsalita. Pinanood ko siyang maglakad patungo sa kama at ibagsak ang sarili niya roon.

"If you're going to ask me, it's fine. Ikaw? Ayos lang ba sa 'yo?" nakangisi niyang tanong. "I just thought that it's better if we separate until l you graduate. I'm having trouble controlling myself when you're around, wife. Hindi mo naman siguro gusto na pagurin kita gabi-gabi?"

Nanlaki ang mata ko at mabilis na kinuha ang unan upang ihampas sa kaniya. "B'wesit ka! Umalis ka na r'yan!"

Humahalahak siyang bumangon sa pagkakahiga bago lumapit sa bagahe ko. Tinapunan ko siya nang masamang tingin.

"Tulungan na kita sa pag-aayos."

I leer at him and let him open my baggage. Nakasimangot akong umupo sa kama at kinuha na lang ang cellphone, baka sakaling may update si Genesis, ngunit bigo ako nang wala akong nakita.

"What's this?"

Tumingala ako at nakita ang isang maliit na puting bote na kaniyang hawak. Nanlaki ang mata ko at tumayo sa kama at saka iyon hinablot mula sa kaniya. "Pills ko 'yan! Akin na nga!"

Kumunot ang noo siya habang nakatingin sa hawak ko. "So, that explains."

Ako naman ang nagtaka sa sinabi niya. "Ang alin?"

"Kaya hindi kita mabuntis." 

Namilog ang mata ko at tinadyakan siya sa binti. 

"Aray!"

"Bugok ka! So, may balak ka talaga na buntisin ako?"

"Kaya ko naman kayong buhay—"

"Ako na nga r'yan! Lumabas ka na! Ako na nga iyong nag-adjust sa 'ting dalawa kasi hindi ka gumagamit ng comdom!" Tinulak-tulak ko siya palabas ng silid habang nakangiwi. Hindi naman siya nagreklamo kaya't malaya ko siyang napalabas.

"Wife, I want a baby—"

"Tse! Gumawa ka mag-isa mo!" Isinalampak ko ang pinto sa kaniyang harapan. Humalakhak siya sa kabilang panig. Buwiset!

"Sungit. Nagbibiro lang! Kaya naman kitang hintayin!" malakas niyang untag sa labas kaya't ipinukpok ko ang kamay sa pinto.

Ginulo ko na lang ang aking buhok sa inis. Gosh! Paano pala kung hindi ako nag-pills? Talagang bubuntisin niya ako? Kahit nag-aaral pa ako?

I don't know if I can resist him now that we're living together, but God! Pakiramdam ko mababaliw ako kung iisipin ko ang bagay na iyon!

Nagpatuloy ako sa pagtatrabago sa fast food tuwing may araw. Siya ang naghahatid sa akin papunta roon bago siya didiretso sa kompanya nila. The first week living with him was quite embarrassing, hindi ko naiwasang ma-conscious sa hitsura ko sa tuwing nauuna siya sa aking magising sa umaga.

Isang beses pa naman nakita niya akong may muta sa mata!

Pagkatapos sa gabi naman, alam mo iyong sanay ka nang matulog nang walang bra kasi nakaiirita, pero hindi ko na magawa! May oras na kakatok sa siya sa pinto ko at titingnan ako, alam kong wala akong dapat ikahiya dahil nakita niya naman na ang lahat sa akin, pero hindi ko pa rin maiwasang ma-conscious sa sarili. Nakahihiya na nauuna pa siyang magising sa akin upang ipagluto ako ng agahan. May kinuha naman kaming kasambahay, si Tita Nina, pero madalas talaga ay siya ang nagluluto ng agahan namin.

May natutunan naman ako kahit papaano sa pananatili ko kina Dreasel noon, at ang pagtira ko nang mag-isa sa apartment. At least, I know how to clean the house and wash the dishes without breaking some plates and glasses. Iyong pagluluto lang talaga ang hindi.

It's past 11 p.m. when I get out of the store after grabbing personalized gifts for Horris. Tomorrow, July 24 is his 27th birthday. Nagbago ang shift ko at naging three to eleven p.m. kaya gabi na rin akong nakauwi.

I am riding in a taxi when I received a message from him.

Ser:

Nakalabas ka na? Magpapaalam na ako sa meeting para masundo kita.

I smile and tap my reply.

Ako:

Wag na. Pauwi na ako. Take your time.

He wasn't still there when I got home. Si Tita Nina ang sumalubong sa akin na pinatulog ko na dahil hinintay niya pa ang pagdating ko. I sit on the sofa while waiting for him to come home, hanggang sa hindi ko na namalayan na dinalaw na ako ng antok at tuluyang naibagsak ang sarili sa sofa. Naalimpungatan lang ako nang naramdamang lumapag ang likod ko sa malambot at mas komportableng higaan. 

I feel some soft thing that kisses my forehead. Napamulat ako at nakita si Horris sa aking harapan.

"Sorry. I woke you up."

Bumalikwas ako na ikinalayo niya. "Ano'ng oras na?" tanong ko habang inililibot ang tingin sa paligid. Dumako ang tingin ko sa study table kung saan naroon ang paper bag. Naroon ang regalo ko para sa kaniya.

"12:30. Why?"

Umalis ako sa higaan at saka kinuha ang itim na paper bag bago ko iyon inabot sa kaniya.

Kumunot ang noo niya sa akin. "What's this?"

"Basta. Buksan mo na lang."

Humikab muna siya bago niya tuluyang inalis ang dikit niyon kung saan bumungad sa kaniya ang isang parihabang kahon na itim. I bite my lower lip when he begins to remove the red ribbon on it until he finally opens the box. Napamaang niya matapos makita ang nasa loob niyon.

"Pasensiya ka na. Naisip ko kasi na hindi ka naman masyadong mahilig sa mga materyal na bagay kaya iyan na lang ang iniregalo ko para sa 'yo since malapit naman na ang pasukan."

He takes the transparent box inside where the personalized pens are. Ipinagawa ko iyon isang buwan bago ang kaarawan niya. Ginamit ko ang suweldo ko sa trabaho. Nakahihiya naman kung magbibigay ako sa kaniya ng regalo pagkatapos pera niya pa rin.

"Wife, these are amazing." Namamangha niyang binuksan iyon. It consist of five pens with different colors, at may tiglilimang ink re-filler sakaling maubos ang tinta. Ipina-laser ko ang mga nakasulat doon kung saan may initial ng pangalan ko. Nakaukit din sa bahayan ng ballpen upang hindi mabura.

"Teach well, love - V," I say with the exact words that's written there. Sunod naman niyang kinuha ang isang keychain na ipina-personalized ko rin at pina-laser ang nakasulat. "Drive safe, love. I love you. - V."

Nag-angat siya ng tingin sa akin at hindi ako makapaniwalang tiningnan. I see the full adoration in his eyes, amusement, cares, and love.

Ngumiti ako sa kaniya nang matamis. "Happy birthday, Horris Alonzo Costillano."

Pumikit siya nang mariin bago niya hinatak ang braso ko upang salubungin ako ng halik. Kumapit ako kaniyang balikat at sinuklian iyon.

"God. You're making me fall hard, wife. I'll surely use this," he whispers before he attacks me again with his kisses.

Horris was the one who paid for my tuition when the classes started, and now he's back teaching at MIU. Hindi sana ako papayag sa gusto niyang magbayad ng tuition, ngunit wala akong magagawa dahil kulang pa ang suweldo ko sa isang buwan pambayad ng tuition sa isang semester.

Dreasel's back from New York. She told me once after we'd seen each other that I could stay again in their house, but I refused and told her that I was already living with Horris. Kampante pa naman ako dahil ni isang beses hindi bumisita roon ang mga magulang niya.

I've been seeing Alec at school. I'm not avoiding him, but we rarely hang out. Bihira ko rin kasi siyang makita noong bakasyon. Hindi ko alam kung ano'ng mga pinagagagawa niya dahil hindi ko naman tinanong. There are times when he texts me, but only when it comes to important things. We're okay, but he seems distant since school has started.

Medyo nakalulungkot lang din dahil mas madalas ko na siyang makita kasama ang iba niyang mga kabarkadang lalaki. I mean, it's actually fine but then, it feels like we're not friends anymore...o baka ako lang talaga ang nag-iisip niyon?

Within a month after the classes begin, wala pa namang nakahahalata na may relasyon kami ni Horris. I go to his former office whenever he asks me to help him with something na nauuwi lang naman sa halikan.

Genesis:

Pwede ba tayong magkita, Miss Villason ngayong weekend?

Nakapangalumbaba ako habang hinihintay ang susunod naming guro nang natanggap ko iyon mula kay Genesis. Mabilis akong ginapangan ng pagkataranta na mag-reply dahil paniguradong tungkol sa kaso ni Mama ang pag-uusapan namin. Iyon lang naman talaga ang dahilan ng pakikipagkita niya, bagaman nakapagtataka lang dahil ako ang pinadalahan niya ng mensahe. Si Horris kasi ang madalas niyang makausap.

Ako:

Ok. Just tell me the exact day and time.

It's the last week of September and a week when the foundation of MIU's celebration is. Walang klase, pero pinagtipon ang mga estudiyante sa bawat class room dahil ngayon ang araw ng registration para sa foundation tour na gaganapin bukas. It was announced a few weeks before the event for the students to make a decision and prepare themselves, and today's the registration day for those who want to come.

Wala naman akong kainte-interes na sumama simula pa noong first year. Bukod sa pamamasyal, ay pupunta lang kami sa isang orphanage para mag-donate ng mga perang nakuha namin sa booth ng bawat program, entertain kids, and do some activities. Malaki ang dagdag sa grades, gayupaman ay hindi iyon sapat upang gustuhin kong sumama.

"Nandyan na si sir!"

Pare-parehas kaming napatingin sa may pintuan nang bumukas iyon. Umayos ako ng upo nang nakita ang pamilyar na bulto ng katawan ng propesor na pumasok doon. Umikot ang mga mata ko nang samu't saring pagbati ang natanggap niya mula sa mga haliparot kong kaklase.

Sorry girls, but he's married.

"Kagulat ka naman, sir. Pero nasaan na po si Ma'am Cecile?" tanong ng isang babae naming kaklase.

Si Ma'am Cecile na ang kasalukuyang nagh-handle ngayon sa aming mga junior. May subject pa rin naman si Horris sa amin, pero mas priority niya ngayon ang mga sophomores. Bumalik ako pangangalumbaba at pinaglaruan ang aking ballpen habang nakatingin sa kaniya na naglakad patungong lamesa. I notice how he motions his eyes to look for someone until he finds me. The side of his lips rises. I roll my eyes.

Hindi katulad noon na nasa unahan ako nakaupo, ngayon ay nasa pinakanghuli na kung saan wala akong kapantay. I find it more comfortable though. Malaya kong makikita kung sino ang tutusukin ko ng ballpen sakaling may mangharot sa kaniya.

"May inaasikaso si Ma'am Cecile. This is where you're going to register." Itinaas niya ang isang papel na one fourth lang ng bond paper ang laki. "Makikikuha na lang sa may gusto."

"Pa'no, sir kapag ikaw iyong gusto?"

Tumalim ang tingin ko sa babaeng malapit lang sa table ni Horris kasunod ng tawanan sa paligid. Bugok 'to a!

Dumako ang tingin ko kay Horris at mas naningkit ang dalawang mata nang nakita ko ang pagtawa niya. Walang hiya! At talagang natuwa pa siya ro'n?

"Sorry, but my heart's already taken, Miss."

Nag-ingitan ang mga kababaihan dahil doon. Ako naman ay napakagat sa aking labi; pinipilit na hindi ngumiti nang dumako ang tingin niya sa akin.

"Who's the lucky girl naman?"

"Share! Share! Share!" cheer ng mga babae at lalaki na ikinailing ko na lang.

"Magsagot na."

Kaniya-kaniyang tumayo ang mga estudyante upang lumapit sa kaniya at kumuha ng registration form. Halos lahat ay kumuha, ako lang yata ang hindi. Tss. Bahala kayo. 

Pansin ko ang pagkunot ng noo sa akin ni Horris nang dumakong muli ang tingin niya sa akin. Pasimple niyang inginuso ang registration form. Umiling ako.

Mas dumoble ang kunot sa kaniyang noo dahil doon hanggang sa bumaba ang tingin niya. May kung ano siyang kinuha sa bulsa ng kaniyang pantalon. Ilang segundo pa ay nakatanggap ako ng mensahe.

Ser:

Why?

Sumulyap ako sa kaniya. Magtitipa na sana ako ng reply nang muntik ko nang mabitawan ang cellphone ko matapos kong maramdaman ang pagkalas ng strap ng aking bra.

What the hell!

Inilapag ko ang cellphone ko sa arm chair at sinubukang abutin ang likuran ko upang ikabit iyon, pero nakakangalay! Tumunghay ako kay Horris at napansin ang pagtaas ng kaniyang kilay bilang pagtatanong. Pinandilatan ko siya ng mga mata nang bigla siyang tumayo, kunyari ay naglilibot sa paligid hanggang sa naglakad siya patungo sa direksyon ko habang nakayuko ang lahat at abala sa pagsasagot. I feel him stood beside me. Kung titingnan ay tila nagbabantay lang siya nang marahan siyang nagbaba ng mukha sa  akin.

"What's wrong?"

Lumunok ako. "I-Iyong strap ng bra ko...natanggal," bulong ko at saka inilibot ang paningin sa paligid. Nakahinga ako nang maluwag nang wala namang nakatingin sa gawi namin.

"Need help?" 

Mabilis akong tumango sa kaniya. Napaayos na lang ako ng upo matapos maramdaman ang pagpasok ng mainit niyang kamay loob ng uniporme ko.

Muntik nang mapigtas ang aking hininga sa ginawa niya sa takot na baka may makakita sa amin habang naririnig ko ang malalalim niyang paghinga.

"Done." Nakahinga ako nang maluwag nang naramdaman kong maayos na iyon, ngunit bolta-boltahe ng kuryente na lamang ang dumaloy sa aking katawan sa sumunod niyang ginawa. Mariin akong pumikit nang pumaikot ang kaniyang kamay patungo sa ibaba ng dibdib ko. Marahan niya iyong hinaplos. Kinagat ko na lang ang pang-ibaba kong labi.

"Horris..."

"Fix your uniform. I can see your cleavage from my seat, Valerie."

Suminghap ako nang tuluyan niyang alisin ang kaniyang kamay. Para akong tumakbo nang ilang metro sa sobrang hingal dahil sa kakapusan ng hangin. Damn, Horris! Paano na lang kung may nakakita sa ginawa niya?

Napahilamos ako sa aking mukha hanggang sa may papel siyang inilapag sa harapan ko. Iyong registration form.

"Baka sakaling magbago ang isip mo."

Just like usual, I will sneak into his car whenever we need to go home, usually when there are no students around. Nandoon na siya palagi at naghihintay sa akin.

"Bakit hindi ka sasama? Hindi ka rin sumama noong mga nakaraang taon," tanong niya sa gitna ng biyahe.

"Ayaw ko lang." Ang totoo ay nakatatamad lang talaga.

Hindi ko naman siya makauusap sa mga oras na iyon dahil paniguradong ang mga kasama niya ay ang kaniyang mga co-professors. Wala ako ibang nakauusap sa school bukod kay Alec, at ngayon hindi na kami madalas mag-usap. Kung may lalapit man, maaalibadbaran lang ako dahil puros mga lalaki. Kaya ano'ng gagawin ko roon? Nganga lang!

Hindi niya naman ako pinilit hanggang sa nakarating kami sa tapat ng bahay. Pinagbuksan kami ng tarangkahan ni Tita Nina upang maiparada iyon ni Horris sa garahe. Kabababa lang namin nang lumapit sa amin si Tita Nina.

"Ah, sir nandiyan po pala si—"

"Horris, kanino 'yong—Valerie?"

Nabato ako sa aking kinatatayuan nang biglang sumulpot mula sa kung saan si Tita Selma, puno ng pagtataka ng mukha habang nagpapabalik-balik ng tingin sa amin.

"'Ma—"

"What is the meaning of this, Horris?"

Nanuyo ang lalamunan ko, ngunit nawala roon ang aking atensiyon matapos kong makita ang kasamang babae ni Tita na nasa likuran nito.

Devianna.

Continuă lectura

O să-ți placă și

862K 23.7K 39
Bratty and spoiled, Crystal Angeline Perez is used to getting whatever she wants with a snap of her fingers. But when the ever-possessive Jacob Muril...
74.9K 303 2
COMPLETED Cena has two things she hates the most: coffees and sunflowers. On the day of her interview, she meets the founder and CEO of de Esteban Ho...
83.6K 1.1K 15
Caught in the midst of a fight between her family and the Santi Vlanco clan, Demilyn wanted nothing but to seek revenge after she lost her child. Mat...
1.3M 29.5K 43
HOLIDAY SERIES #1 Ashira Lavelle Cabrera was a grade 12 student, she was an achiever, a top of the honor roll yet she's a type shy person who eventua...