Brave Hearts

De heartlessnostalgia

1.9M 94.2K 51.2K

[NOW A FREE STORY] Peñablanca Series 1: Brave Hearts "Fragile but brave..." Amalia Argueles has adored the ch... Mai multe

Peñablanca Series #1: Brave Hearts
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Wakas
Special Chapter #1: Atlas
Special Chapter #2: Heart

Special Chapter #3: Lia

31K 979 312
De heartlessnostalgia

Special Chapter #3: Lia

Ang sarap.

Biglang nag-init ang pisngi ko at nanlalaki ang matang sinampal ang sarili.

"Oh my God?" I pointed my blushing self in the mirror.

When did I become this perverted? I was not like this! Never!

I closed my eyes tightly, realizing how drunk I am last night. Hindi masyadong malinaw sa akin ang ginawa ko no'ng naglalasing pero ang pakiramdam no'ng ginawan namin ng kalaro si Louvi ay HD pa rin sa utak ko.

Nasapo ko ang pisngi.

"Oh my goshhhh!" I said in a whining small voice.

I was never that wild before! Oh, come on, I know we're both adults! Ilang taon na rin kaming mag-asawa ni Atlas pero nakakahiya pa rin talaga kapag naiisip ko.

I am blushing most of the times.

Mild nga lang kaming dalawa palagi, lalo na no'ng kay Louvi tapos kagabing lasing ako, ang lakas ng loob kong mag-aya...

But...I guess, my performance's good?

I screamed inside my head, patalon-talon pa ako at muling naghilamos para mawala ang pagkapula ng mukha sa sobrang hiya.

It's okay, Lia. Calm down. Atlas' your husband, may anak na nga kayong dalawa!

Umayos ako ng tayo. Kinuha ko ang hair brush ko para marahang suklayin ang buhok ko at ngumiti sa salamin, paunti-unting humuhugot pa ng hininga para ikalma ang sarili.

Breathe in...breathe out.

Naging maayos naman din ang pakiramdam ko pagkatapos no'n, mabuti na lang din at nawala ang hilo dahil sa hangover ng pagiging lasinggera ko kagabi.

Ayoko na...'di na 'ko iinom ulit ng gano'n! Nakakaloka! Nakakawala sa composure!

Inayos ko muna ang shirt ni Atlas na suot-suot ko bago ako lumabas ng banyo, nangingiti pa.

Maaga akong nagising dahil masakit ang ulo sa hangover at para i-check si Louvi na tulog na tulog. Hindi ko kasi mahanap saan hinagis ni Atlas ang damit ko, tanging ang shirt niya lang ang naabutan ko sa lapag kaya 'yon na ang isinuot ko kaagad.

I was busy brushing my hair when I went out, lifting my hand so I could tie my hair in a ponytail when someone whistled.

Napatigil ako, dali-daling lumingon at halos lumuwa ang mata nang makita ang asawa sa kama.

Of course, he's naked on the top. I can see his ripped body and abdomen. His arms are placed at the back of his head, exposing his white underarms and the few hairs in it.

Nakatakip ang pang-ibaba niya ng puting kumot, magulo ang buhok at antok man ang mga mata habang nakatingin ay nag-iinit pa rin.

Walang aircon ba? Bakit mainit?

Nahuli ko ang pilyong ngiti ni Atlas. Bigla akong napaayos ng tayo at napaiwas ng tingin.

Oh my God...oh my...

"You looked hot wearing my shirt..." I jumped upon hearing it, mabilis kong nilingon si Atlas at inilingan.

"Shh, don't..." I hissed but he only grinned at me.

"What? Why? You're shy again, hmm?" he has this naughty glint on his eyes at halos mapairap na ako kaya naiiling na humalukipkip na.

"Atlas, lasing ako." I explained.

"Oh?" umayos siya ng upo kaya medyo nahulog ang kumot at nasundan ko bigla ng tingin. "Pst! Bibi ko, ano 'yan, huh?"

Mabilis akong nag-iwas at nag-init ang pisngi.

"W-wala..." I even coughed to mask my embarrassment, "wala..."

"Hmm, okay." He said kaya nilingon ko siya ulit, "pero sa tingin mo may mabubuo nang kasunod si Louvi?"

My mouth parted, humahagalpak siya nang takbuhin ko ang sofa para kumuha ng unan ay hinagis ko iyon sa mukha niya at napangisi ako nang sumapol iyon sakto sa ilong, dahilan para matumba pa siya.

"Bibi!" he groaned and I laughed.

"Buti nga!" I teased and smirked when he glared at me.

"Makahagis 'to ng unan, akala mo hindi hinagis ang damit ko—"

"Isa..." I warned, it was supposed to sound serious but it only ended up sounding so soft.

"Is that my mad bibi?" loko pa niya kaya mas humaba ang nguso ko.

"Oo!" sabat ko pa, "galit 'to—"

"Why do you sound so seductive, then?" he asked me playfully hanggang sa pakiramdam ko'y sasabog na ata ang pisngi ko sa sobrang init.

"Atlas nga..." I stomped my feet to let him see I'm serious here pero wala naman atang seryosong mood madalas ang asawa ko, mas nang-asar lang kasi.

"How about you give me a kiss?" he asked.

Hindi ako umimik, nakipagtitigan lang ako sa kanya para mapigilan ang sariling basta na lang siyang dambahin sa kama dahil yummy...I mean, pa-yummy.

"Ayoko..." iling ko.

"Come on, bibi." He even said those with his pleading yet sexy ones. "Hindi mo ba ako love?"

"Love..." sagot ko, "kaso nga ano..." kinagat ko ang labi.

"Ano?" he asked, tilting his head to catch my gaze.

"I'm...shy." I said softly.

He laughed softly, nakita ko ang pag-iling niya bago nagsalita. "I'm shy too, you know that, right?"

I nodded at him like a small kid.

"But only at first, komportable na rin naman pagkatapos. Ikaw ba?" he asked.

"I'm comfortable too after a few moments," I confessed. "M-medyo nahihiya nga ako kasi...kinikilig ako."

Tinabingi niya ang ulo. Hinuli niya ang tingin ko bago biglang kumindat kaya napatakip ako ng mukha at sumigaw.

"Atlas, ikalma mo!" I screamed.

"Yeah, yeah..." he laughed again, playful and teasing. "I love you, bibi. Ikaw lang ang bibi ko."

I opened the gaps in between my fingers to take a peek and when I saw him staring at me lovingly, I smiled and spoke.

"I-I love you too." Sabi ko at naging proud nang mahuli ang pagpula ng pisngi niya.

Akala niya ata'y 'di ko nakikita pero nahuli ko ang pagbulong niya ng kung ano bago napatapik sa pisngi at pilit na pumormal.

"So...kiss?" he asked kaya binaba ko na ang kamay at bumaling sa pintuan.

"Is the door locked?" I asked.

"I don't know," he shrugged. "Lemme check—"

"A-ako na!" I raised my hand and bit my lower lip at nakita ko ang pagpatong niya ng dalawang kamay sa may gilid niya bago tumango at ngumiti pa ng pilyo sa akin kaya humugot ako ng hininga para makalaban man lang sa pang-aasar niya.

"Ihanda mo 'yang labi mo..." I said and pointed his lips. "Lalapain ko 'yan, Montezides."

He gasped loudly, ma-dramang napatakip pa sa bibig.

"H'wag po, bibi..." he said in a scared tone kaya medyo nag-aalangan man no'ng una ay kumindat ako, parang biglang nabuhayan at tinakbo na ang pintuan para i-lock at pagbalik ko'y medyo sinilip pa siya at nahuling umaayos pa siya ng upo at sinuklay ang buhok niya.

I suddenly didn't know what to do, wala sa sarili ay tinakbo ko ang banyo para kunin ang bag na dinala ko ro'n kanina at nagtipa sa phone.

To: Pusong BFF ni Lia

Heart!!!! Gising ka na? Please, send help.

From: Pusong BFF ni Lia

Uy, gising ka na! hahahahaha! Musta ang hangover?

To: Pusong BFF ni Lia

It's okay now but I have a question! What are you doing if mag-aano kayo ng asawa mo? To get in the mood?

From: Pusong BFF ni Lia

OMG!!!!!! *sumisigaw ako ngayon habang sinasakal si alien*

To: Pusong BFF ni Lia

Heartttt!!! Sige na pls huhu! Urgent 'to! As in now na. Nasa banyo pa ako tapos nag-aantay siya.

From: Pusong BFF ni Lia

Anong suot mo?

To: Pusong BFF ni Lia

Shirt

From: Pusong BFF ni Lia

What???? Ang dalagang pilipina mo talaga, Lia! Mali 'yan! Hubarin mo tapos lumabas ka lang na naka-panty! Sungab agad tapos! Good luck! Igiling mo! Ihataw mo!

I was hesitating for a while, nahihiya dahil kapag naman ginagawa namin 'yon ng asawa ko ay biglaan na lang. Ngayon lang 'tong ganito kaya...

Mabilis kong hinubad ang shirt niya, I was only left with my underwear kaya humuhugot pa ako ng hininga palabas, medyo nahihiya sa gagawin pero iyon ang turo kasi ni Heart.

I believe in Puso's expertise, madalas kasi 'yan mag-kwento ng adventure niya kahit anong takip ko sa bibig niya kaya...ayos na. Kaya ko 'to!

Unti-unti, naglakad ako palapit sa kama na suot lang ang underwear at kitang-kita ko ang panlalaki ng mata niya.

"Lia..." his voice's husky while calling my name, napansin ko kung paano lumalim at magdilim ang mata niya habang bumababa ang tingin sa katawan ko kaya 'di ko na alam ang gagawin.

Sungab daw ba agad?

I knelt on the side of the bed, medyo napaatras pa si Atlas sa gulat doon pero mayamaya'y napalunok at pinasadahan ako ng tingin. Mas lalo siyang naging hot sa paningin ko dahil sa pagbagsak ng buhok niya sa kanyang noo.

"Damn, baby..." he said and I bit my lower lip and gently crawled towards him.

"I wanna kiss you..." I started off and I was even shock when it sounded like I was seducing him.

His eyes darkened, he sensually moistened his lower lip and smirked at me.

"Habulin mo muna ko..." he teased and moved his body backwards on the bed kaya ngumisi ako ng pilya.

Whenever he'll move a step back, I would crawl forward towards him. Tanging ang puting kumot lang sa ibaba ang takip niya kaya medyo nawiwindang ako.

Nakatago sa kumot na 'yan ang jackpot price, Lia! Galingan mo!

Nag-init ang pisngi ko, medyo nahihiya pero nang makita ang magulong buhok at ang mga mapang-akit na mata ay mas lumakas na ang loob.

Come on, Lia. Asawa mo 'yan!

When he stopped moving and reached the end of the bed, our bodies almost touched. I was lying if I tell myself this isn't affecting me because it is, bigtime.

Nagkatitigan kami. Dinig na dinig ko ang paghinga niya at ang tensyon na namumuo ay bakas na bakas sa mga mata niya.

"Lia..." he uttered my name like a prayer he wanted so bad to praise.

Magkalapit ang katawan naming dalawa, his breath is fanning my nose and my eyes went from staring intently on his eyes down his slightly parting red lips.

Marahas akong napalunok at unti-unti, inilapit ko ang mukha sa kanya. Our lips briefly touched, mas lumalim ang paghinga niya kagaya ko kaya ipinikit ko ang mata.

I can feel the thumping inside my chest as I move my head closer to his but before my lips could touch his, I heard a loud tumbling sound.

"Fuck!" I heard a curse.

Mabilis akong napamulat, nagitla nang wala na ang asawa sa harapan ko. Mabilis kong sinilip ang ibaba at napaawang ang labi nang makitang plakda roon sa baba ang asawa ko, nakataas pa ng bahagya ang paa at flat na flat ang likod sa semento.

"Bibi!" I called him, panicking. Halos talunin ko na ang kama makababa lang at matulungan siya papaupo.

"A-aray ko..." daing niya at humawak sa may likod.

"A-ayos ka lang?!" halos isigaw ko na 'yon habang inaalalayan siya paupo.

"Oo..." he nodded but still frowning kaya 'di ko maseryoso. Inayos ko ang kumot niya, I sat on his lap and reached for his back. He rested his forehead on my shoulder while faking a sob.

"Naku kasi, bakit ka nahulog?!" I asked and touched his back before gently massaging him.

"Napaatras ako," reklamo niya. "Tapos...tapos wala na palang atrasan, hangin na lang nahawakan ko kaya 'yon nahulog."

"Tss," I sighed and massaged his back more while he's busy cuddling me like a kid on the floor. "Hindi kasi nag-iingat! Kitang dulo na tapos aatras pa, ano, kapag ikaw nakalas hindi ko na alam talaga!"

"Sorry, bibi..." he sighed and kissed my shoulder. "Buti na lang may bibi akong aasikaso, paano pala kung wala? Edi nahati na ako sa dalawa rito sa lapag?"

Napailing ako at natawa ng bahagya, unti-unting umatras ako at sinapo ang pisngi niya. Sinalubong niya ang tingin ko ng malambing na titig kaya ngumiti ako.

"Masakit pa?" I asked gently.

"Medyo..." he said, "kanina, sobra pero dahil pinayakap mo ako, nabawasan na, bibi ko."

I chuckled, hinaplos ko ang pisngi ng asawa ko at pinatakan siya ng halik sa noo.

Bumaba ang tingin ko sa may hita niya na lumilihis ang kumot, akala'y wala siyang pang-ibaba pero nakita ang pamilyar na kung ano.

"Si Spiderman!" I exclaimed and pointed his boxers. "Suot mo si Spiderman?"

"Yeah?" he answered and smirked, "akala mo, wala 'no? Akala mo lang 'yon. Conservative kasi ko, bibi. Hindi lang halata."

Napailing ako at kinagat ang labi, sumusulyap sa asawa ko na pinipirmi ang kamay sa baywang ko habang nangingiti pa. Ipinatong ko ang kamay ko sa balikat niya papuntang batok at hinaplos na ang buhok niya.

"Hindi ata talaga tayo p'wede sa mature roles, Atlas." Nanghihinayang na sabi ko at nang magkatitigan kami ay basta na lang napabughalit ng tawa, kulang na lang ay gumulong kaming dalawa sa lapag.

We brought Louvi to Peñablanca when we had our vacation, kasabay namin sa biyahe sina Josh at Heart, pati na rin ang kanilang anak na bibong-bibo rin at nakikipaglaro pa kay Louv.

When we reached the province, sinalubong kami nina Ted at Cristina, hinatid pa sa mansyon ng mga Montezides at kaagad akong niyakap ni Mama Beatrice pagkakita.

I greeted her with a sweet smile and she happily took our daughter from me, nag-o-offer pang siya ang mag-aalaga kapag pupunta kaming batch reunion sa CSU.

I said hi to my Kuya Damon and Kuya Hunter—who, as usual is naked again kaya init na init na naman ang ulo ni Atlas kakapagalit na magsuot ng damit.

Ang asawa nga ni Kuya ay tatawa-tawa lang sa gilid, pagod na rin atang mapilit siyang magsuot ng damit. The kids greeted me happily too, we spent our time with our family and when night came, bumisita kami sa grandparents ko kasama si Louvi para doon muna mag-stay.

When the night for our batch reunion came, kasama ko si Heart sa pagbibihis ng damit. I am wearing a simple lilac-colored cocktail dress and two-inches heels, si Heart din ay halos gano'n ang suot pero mas dark nga lang kaya match kaming dalawa.

Hindi ko nga rin alam ang trip ng mga lalaki at sinabihan pa kaming maunang dalawa sa reunion at kahit ayaw ko at nahihiya ay hindi talaga maka-hindi kay Heart na hindi nagpapatalo sa kahit anong laban.

"Ano bang hinahanap mo, BFF?" Heart asked while checking her lipstick in the mirror while we're on the car on the way to CSU.

"'Yong kwintas ko lang..." I said sadly and checked my purse again, "inilapag ko lang sa side table kanina no'ng nag-aayos tayo kaso 'di ko na alam saan napunta."

"Oh? 'Yong bilog na hugis mundo? Regalo ni bobo?" she asked and I nodded.

"Oo," I sighed. "Matagal na kasi 'yon, highschool pa tayo. Tinatago ko kaso...paano kapag nawala?"

"Nand'yan lang siguro 'yan, Lia." She consoled me, even squeezing my hand to calm me down. "Hayaan mo, kapag tapos nitong reunion tutulungan kitang maghanap, kahit halughugin natin buong mansyon nila bobo."

I chuckled but couldn't deny it made me somehow relieved.

"Salamat, Heart." I said gently.

Magkakakapit kami habang papasok sa university at napangiti pa nang makita ang mga pamilyar na guard.

"Oh, Amalia? Heart?" bati nila.

"Hello po! Kumusta na?!" masayang bati ko at nakita ko ang tuwa sa kanila habang niyayakap kami at binabati.

"Ang lalaki niyo na! Diyos ko, ke gagandang mga bata!" bati nila kaya tuwang-tuwa kaming ni Heart habang nakikipag-usap.

Saglit na kumustahan lang ay pumasok na kami ni Heart sa loob at hindi ko maiwasang mamangha nang muling makapasok sa paaralan. Tila bumalik sa akin ang mga ala-ala noong mga bata pa kami.

"Kahit anong gawin talaga, Cagayan Valley is our home." Bulong ni Heart kaya nangiti ako at tumango, mas kumakapit sa kanya habang naglalakad kami.

The nostalgic feeling came back as we walked pass the familiar amenities the university had. Mula sa mga garden, benches at basuran...nadaanan ko pa 'yong pamilyar na imburnal kaya napatawa ako.

"Bakit?" ani Heart kaya naiiling na tinuro ko ang nakikita.

"D'yan sa kanal na 'yan ako nahulog," turo ko. "Tinulak ako ng mga kaklase dati kasi uto-uto ako sa gwapo."

We burst out laughing while reminiscing the moments. I even remembered the times where we chose to eat in the field for lunch no'ng nadaanan namin ni Heart.

"Ah, diyan nagbubunot 'yong lampa kong pinsan ng bulaklak kaya napapagalitan." Turo niya sa garden kaya nailing ako at napangiti, lalo na nang bumungad sa amin ang familiar na gym.

My heart pounded, remembering the times I watched Atlas and his team playing or practicing here. Nando'n lang ako sa bleacher, tahimik na nanunuod at titili ng mahina kapag nakaka-score ang bibi ko.

The memories of my teenage and young love came back like it only happened yesterday. The gym transformed into a ball room. The mirror ball is in the middle, already scattering colorful lights around the large place.

May mga table sa gilid na may halong pink at puting tela, may mga bulaklak din na dagdag sa dekorasyon at sa gitna ay mauy stage na nakalagay ang batch reunion na event ngayon.

I immediately saw familiar faces on the crowd but I really have no friends before kaya hindi ko sila mabati.

"Oh, Amalia?" my eyes widened when I saw the familiar face.

"Nurse Anna?!" I called and we both screamed, napahiwalay pa ako sa kaibigan para mayakap si Nurse. "Nurse, na-miss po kita!"

"Ikaw din, Lia!" she gasped, "Dra. Amalia pala!" she teased kaya napatawa ako at muli siyang niyakap.

Si Nurse o Heart lang ang madalas kong makausap dahil ang mga pamilyar na mukha ng mga kaklase ko noon o kakilala man lang ay titignan lang at kapag ngingiti ako'y wala namang reaksyon kaya 'di na ako nag-attempt.

It's okay, I am happy with my friends now. It's the quality over quantity for me.

Ang mga teacher noon ay nakilala ako, tuwang-tuwa sila sa amin ni Heart kaya nalibang kaming dalawa. Nahiya pa ako nang ipagkalat ni Nurse Anna na nag top one ako sa exam pero na-overwhelm din habang nakikinig sa mga papuri sa akin, napapangiti pa at napapatawa sa mga biro.

"Akalain mo 'yon, ano? Si Atlas na palaro-laro lang madalas sa basketball, top 2?" ani ng mga teacher kaya natawa na ako.

"Ay, Sir...alam mo mas nakakagulat?" ani Heart kaya sabay-sabay kaming napatingin sa kanya. "Ang pinsan kong bob—I mean si Atlas, asawa na 'tong si Lia namin."

I wasn't expecting her saying that to everyone, ang iba'y 'di na nagulat dahil alam na pero ang ibang hindi pa ay nagulantang kaya usap-usapan kami sa buong event. I was whining at Heart who only laughed and hugged me, naglalambing para 'di ako magalit sa kanya.

Ang bibig talaga ng babaeng 'to...walang patawad, ewan ko na talaga.

I was trying to stay lowkey, like before. Kaunting tao lang ang alam na existing ako pero dahil sa komento niya ay nasa akin ang atensyon. Anya and her friends have been eyeing us, miski nga ang batchmates ni Atlas noon ay narito pero hindi naman kami pinapakialaman at pasimpleng pasada lang ng tingin mula ulo hanggang paa kaya hinayaan ko na.

No matter what you do, you really can't please every people around you. Kahit talaga kasi wala kang ginagawa, may iilan pa rin talagang may ayaw siya at hindi mo mababago 'yon kahit anong gawin mo.

So, I should just please myself to make me happy. It's more important than their baseless opinion of me, right?

The event started off with me worrying where the boys are. Parang wala lang naman kay Heart na pakain-kain lang ng buchi at sumasabay sa kanta, ni hindi ata nag-iisip nasaan ang asawa niya.

The host of today's event thanked everyone who made it here tonight and I was just smiling, remembering my adventures and experiences here in CSU as a teenager. I got hurt, I got sad and bullied but this same place is where I found real friendship and love.

When the opening song played, people started to go in the middle to start the dance. Nangiti ako, muling naalala ang ball noon.

I took a glance sideways, caught Josh walking closer to us and I smiled when he did, "mayamaya lang, nand'yan na si Cap, Lia." Aniya kaya tumango ako.

I saw him called his wife's attention kaya napatigil ito sa pag-nguya ng buchi.

"Love, sayaw tayo." He said and grinned at her kaya naiiling na sinubo ni Heart ng buo ang pagkain niya at inabot ang kamay nito.

"Okay, kawawa ka naman. Pagbibigyan na kita." Aniya Heart na kunwari'y napipilitan pa kaya napatawa na ako.

These too...akalain mo ba namang naghaharutan sa likod namin ni Atlas noon. Ni wala akong kaalam-alam.

When they left, some boys went my way to ask for a dance but I kindly said no, sinasabing masakit ang paa ko kaya umalis din sila which is half true.

Madalas na akong naghi-heels dahil sa trabaho pero masakit talaga kapag bago ang sandals at nagkakapaltos dahil hindi pa sanay ang paa.

I sighed sadly, bumaling ako sa paa at inabot iyon para sana tignan pero biglang may lumuhod sa may harapan ko, nauna pang kunin ang paa ko mula sa akin.

"Tss, I told her not to let you wear this kind of sandals." My heart pounded when I realized it was my handsome Atlas kneeling in front while checking my heel.

"Atlas," I called. "Ngayon ka lang?"

"Bakit? Miss na miss mo ba ako, bibi?" nag-angat siya ng tingin bago maamong nagtanong kaya nailing ako at ginulo ang buhok niya.

"Oo na, sige na. Nami-miss na kita, h'wag na iyak." Ngisi ko at naiiling na kinuha niya ang paper bag sa gilid niya at may inilabas doon.

"Bully, nahawa ka na talaga kay Pusong bobo." Aniya, dahilan para mapangisi ako. Pinakita niya ang sneakers na puti kaya nakagat ko ang labi.

"I knew you'll have this so I made sure to bring you these," he gently announced kaya napatango ako, nangingilid na ang luha habang pinagmamasdan siyang palitan ang heels ko ng sneakers.

He's wearing a black turtle neck and dark blue suit and pants. Malinis ang buhok at kaagad akong kinilig nang makitang may stud earring siyang suot sa isang tainga.

"Atlas, nag-time travel ka ba no'ng high school tayo?" tanong ko kaya napabungisngis siya.

"Bakit? Baby face pa rin ba, bibi?" pagbibiro pa niya. Hindi ko na sinagot dahil may point naman siya kaya pinagmasdan ko na lang habang pinapakiramdaman ang puso and when he's done tying my shoelace, he stood and smirked.

Hindi siya sumagot at bumaling kung saan, I saw him nodded and raised his hand at nagulat ako nang tumahimik ang buong gym—kasunod ay ang tunog ng gitara ay pumailanlang sa lugar.

My eyes widened, sa paglingon ko ay umawang ang labi ko nang makita ang pamilyar ni team ni Atlas sa basketball noon. May hawak si Josh na gitara at si Ted ay nasa gilid kasama si Cristina na katulong ng ibang lalaking may hawak na banner.

Team Bibi Forever!

Bigla akong napatawa roon at napatakip sa bibig, lalo na nang lumitaw bigla si Nurse Anna at si Coach doon sa gilid na kasama si Heart na nangingising kumakain pa habang kinikindatan ako.

Well, I will call you darlin' and everything will be okay

'Cause I know that I am yours and you are mine

"Can I have this dance, bibi?" my husband asked and offered his hand to me.

Doesn't matter anyway

In the night, we'll take a walk, it's nothing funny

Just to talk

"Hindi ba, siya 'yong pumiyok dati?" mahinang tanong ko sabay turo sa kumakantang team niya kaya napatawa si Atlas at tumango habang tinutulungan akong tumayo.

"Nag-rehearse na siya, bibi." Aniya kaya napatawa na ako at natigilan lang naman may nagsalita.

"Naks naman, Montezides! Nakuha na rin si crush!" Nag-init ang pisngi ko nang magsalita na si coach doon.

"Ganyan talaga, Coach!" yabang pa ni Montezides, "thank you, fans! Asawa ko na nga pala 'yong crush ko." Turo niya sa akin kaya no'ng nagtilian ay hiyang-hiya akong pinalo si Atlas para manahimik man lang pero wala.

"Hayaan mo na, Lia, at nagbibida rin 'yan noon pa kahit crush ka pa lang niya." Ani Coach, "kunwari magaling pero babalentong bigla kasi nakatingin ka."

"Coach, ang bully! Hindi kaya?!" Atlas' defensive voice said pero nauwi lang sila sa tawanan, lalo nan ang ang mukha ni Coach ay halatang 'di siya naniniwala.

"Yes naman! Go! Go! Go! Bobo!" Heart whistled at nahihiya pa akong sumama kay Atlas na tatawa-tawa sa gitna habang inilalagay ang kamay sa baywang ko.

Put your hand in mine

You know that I want to be with you all the time

You know that I won't stop until I make you mine

You know that I won't stop until I make you mine

Until I make you mine

I put my arms on his shoulder, smiling.

"Surprised?" he asked and I nodded, tiptoeing a bit so I could kiss his cheek.

"Oo, nagulat ako. Salamat, Atlas. Pakiramdam ko tuloy high school tayo ulit." Masuyo kong sabi habang naaalala ang mga nangyari noon—tila nauulit ngayon at nagbabalik ako sa nakaraan.

"Just for you, bibi." Bulong niya at mas niyakap ang katawan ko palapit sa kanya.

We danced to the acoustic version of that song played by his team and it made my heart calm and well...ang saya-saya ko.

Put your hand in mine

You know that I want to be with you all the time

You know that I won't stop until I make you mine

You know that I won't stop until I make you mine

Until I make you mine

"You're beautiful, Mrs. Montezides." I heard him whispered kaya unti-unti'y bumaling ako sa kanya at kinagat ang labi habang nakatitig sa maamo niyang mukha.

He has thick and lustrous lashes. His features are well-defined and strong but those pretty eyes tell otherwise. Sa kabila kasi ng tapang ng deskripsyon sa kanya'y kitang-kita ko ang lambing sa mga itim niyang mata.

"Ikaw din..." I said shyly—almost in a whisper—staring at his gorgeous face, "wala kang kupas, Mr. Montezides."

I wasn't even that shock anymore when he blushed profusely with my comment, napalobo pa niya ang bibig kaya tumaba ang pisngi niya at napatawa ako habang pinuputok iyon.

"Bakit?" I asked.

"May secret akong sasabihin," he said kaya napaisip ako.

"Anong secret, hmm? Kagaya no'ng nahulog ka sa hagdan at na-tae?" I asked and he gave me a sharp look, even pulling me closer to him.

"Akala mo siya, dahil sa melon mo kasi 'yon, bibi. Ikaw din naman may secret, ah? 'Di ba, nahulog ka rin sa kanal?" aniya at halos matampal ko na siya kaya tawang-tawa na naman ang loko habang inaabot ako.

"Oo na, oo na...anong secret bang sasabihin mo?" I asked.

"Hmm, kinikilig ako," aniya kaya natigilan ako, "no'ng dating unang nagsayaw tayo, kinikilig ako—hanggang ngayon kaya no'ng papunta ako rito kakamadali makita ka, nadulas ako sa may entrance." namula siya kaya inabot ko na ang pisngi niya at hinalikan muli.

"Ano pa bang bago?" I asked gently with a smile kaya napahaba na ang nguso niya. I let out a small laugh and tilted my head to watch him closely.

"Hayaan mo, okay lang 'yan." I consoled him, hindi na nagugulat. "Ikaw pa rin naman ang bibi ko."

"Hays, buti na lang..." he touched his chest dramatically, relieved. "Kalimutan mo na lang pala 'yong kwento ko, bibi. Nagha-hallucinate ka lang."

"Okay..." natawa na akong lalo, "oo na, sige. Wala akong narinig. Erase! Erase! Hindi naman lampa ang Atlas ko, hindi ba?" pinaliit ko pa ang boses para lumambing.

"Oo, hindi po..." iling pa niyang nakikigaya sat ono ko kaya nag-ngisian kaming dalawa.

"...medyo lang." Bawi ko pa at huling-huli ko ang paghulog ng panga niya.

"Bibi naman!" he whined kaya pinisil ko na ang pisngi.

"Kapag nag-iinarte ka ng ganyan, kamukha mo kamo si Louv." I told him with a smile.

"S'yempre, proud Daddy here." He even said proudly, nakita ko ang pagbaba ang tingin niya sa may leeg ko kaya bigla akong natigilan at may naalala.

"Atlas, nawawala ang kwintas ko." I told him, "nilagay ko lang sa may table tapos no'ng hinahanap ko wala na." Kinakabahan kong sinabi, "pero promise, hahanapin ko. Gift mo iyon sa akin noon."

He didn't answer me, akala ko'y baka galit nga pero may dinukot siya sa bulsa—kasabay no'n ay ang pag-ingay ng buong gym dahil sa isang napakapamilyar na kanta sa akin.

You and I

We're like fireworks and symphonies exploding in the sky

With you, I'm alive

Like all the missing pieces of my heart, they finally collide

He lifted something in the air and my mouth parted when I saw the familiar world necklace.

So stop time right here in the moonlight

'Cause I don't ever wanna close my eyes

"Atlas..." habang sinasabi ko iyon ay naramdaman ko ang pangingilid ng luha.

Just like before...when we were still young. My heart beats for him this ways and it turned and evolved immensely as time goes by.

"Sorry I had to take it, bibi." He uttered, "I wanted to revive our memories before, sentimental kasi ako, bibi."

Naghalo ang tawa at iyak ko roon, nakagat ko ang labi habang pinagmamasdan siyang inaangat iyon.

Habang tumatagal ay mas minamahal ko si Atlas Louis Montezides.

Without you, I feel broke

Like I'm half of a whole

Without you, I've got no hand to hold

Without you, I feel torn

Like a sail in a storm

"In Greek Myths, what did the Titan Atlas did?" he asked the familiar question ang my heart pounded audibly more as I licked my lower lip.

"Carry the world?" I asked shyly.

Without you, I'm just a sad song

I'm just a sad song

"Mundo ang pendant nito kasi gusto kong palagi mong naaalala na ikaw...ang mundo ko." He said those words like a promise that will never ever break.

Paamba ng mahuhulog ang luha ko nang marahang hinawi niya ang buhok ko at pagkatapos ay muli sa aking isinuot ang kwintas na may pendant na mundo. Ang regalo niya noon sa akin noong eighteen ko.

The cold metal touched my bare skin but my fragile yet brave heart felt so warm.

Slowly, I stared intently into his dark orbs—seeing the most beautiful shade of black I'd ever seen—opening my mouth to say those words.

"Simula una, gitna at huli...ikaw ang mundo ko." Sagot ko at nahuli ko ang paghulog ng luha niya, kasabay nang pagsara ng mata ko sa biglaang tungo niya at halik sa labi ko.

It was surreal, it was magical. Words aren't enough to express the happiness I am feeling right now. I couldn't even imagine how my once fragile heart became this brave to finally say she made it.

"Tama na ang laplapan, picture-picture naman diyan!" isang pamilyar na boses ay napatawa na ako sa kabila ng halik.

Doon na kami napahiwalay ni Atlas, narinig ko pa ang mahinang reklamo niya na tila nabibitin kaya kaagad kong inangat ang kamay ko at unti-unti, tinanggal ko ang luha sa kanyang pisngi at ngumiti.

"Mahal na mahal kita, mundo ko." Bulong ko.

"Ikaw lang din...ang bibi ko. Ikaw lang...at ang melon mo ang magpapayanig ng mundo ko." He even teased kaya nauwi kami sa tawanang dalawa pagkatapos ay mahigpit na nagyakap.

"Tingin nga ng yanig?" I teased, not even expecting him to do it because he's shy but I was wrong.

Gently, he pushed me. Nang medyo magkalayo na kami'y bigla siyang niyang inangat ang kamay, biglang nangisay at pinakitaan ako ng yanig dance niya.

I laughed loudly, nagitla pa ang asawa ko nang matantong pinapanuod kami ng mga tao kaya biglaang naibaba ang kamay.

He suddenly looked like a lost kid, namula ang pisngi at mas napahalakhak ng biglaan na akong hinarap at inatake ng yakap.

"Fuck, bibi." He cursed breathlessly against my ear, embarrassment is visible.

"Okay lang 'yan," nangingising bulong ko at hinawakan ang likod niya. "Kahit anong kahihiyan mo, ikaw pa rin ang bibi ko."

He groaned but then it turned to a whine and he sighed, burying his face more on my neck as he gasped for air.

"Kay bibi Lia nga lang yayanig, nakita pa ng iba. Sa 'yo lang dapat 'yon." Inarte pa niya kaya natatawang itinulak ko siya.

He suddenly looked confused so I looked around and when I saw no one is looking--I raised my hand like what he was always doing and did the Yanig dance.

"S-sa 'yo lang din yayanig." I proclaimed.

His jaw dropped dramatically. Naibagsak ko ang kamay at unti-unting nag-init ang pisngi sa kahihiyan, kasabay ng malakas niyang tawa at hila sa akin para magpaulan ng halik sa mukha ko.

"Picture!" Coach exclaimed while showing us his camera, dahilan para mapasulyap kami sa kanya.

Humiwalay ako bago humawak ako sa baywang ni Atlas. Our friends ran towards us.

Inakbayan ako ng asawa ko. Si Heart ay kaagad na kumapit sa akin, sa kanyang tabi ay si Josh. Sa gilid naman ni Atlas ay si Ted na kasama si Cristina at si Nurse Anna ay kumaway sa akin habang tumatabi sa asawang may hawak na camera.

"Okay, smile!" Coach exclaimed.

"To team Lipat Bahay Gang?" Heart exclaimed.

"To Lipat Bahay Gang!" We all screamed, accompanied by laughters and a genuine smile to the camera.

Continuă lectura

O să-ți placă și

1.2M 54.1K 69
(COMPLETED) After enrolling on her new school, Rue thought that her life would be peaceful unlike with her old school. She loves figthing back then b...
899K 36.7K 53
ELYU SERIES #1 In the sleepy town of San Juan, La Union, the waves are unrelenting. Sereia Montanez leads a quiet life with no desire to rule the wav...
12.4K 163 23
Zariyah Krystelle Mariano, Is In love with his dad's personal driver. She confess her feelings to him but, Giovanni Salazar's rejected her. Date Star...
77.6K 5K 14
Rocket Grimalde is the not-so-known playboy of Eastern Hills International School. Sa kabila ng reputasyon nito bilang dakilang palikero, the school...