Hunter Online

De Penguin20

1.8M 181K 114K

Online Game# 2: MILAN X DION Mais

Hunter Online
Prologue
Chapter 1: The Popular Game
Chapter 2: Unexpected Talent
Chapter 3: Welcome to the Game!
Chapter 4: First Quest
Chapter 5: New Record
Chapter 6: The Kings Arrival
Chapter 7: Richard's Request
Chapter 8: Game Plan
Chapter 9: Ogre Raid
Chapter 10: Eyes on Her
Chapter 11: What the Cat?!
Chapter 12: No Peeking
Chapter 13: Scout her
Chapter 14: The Girl with Potential
Chapter 15: The Three Faction
Chapter 16: Still a No
Chapter 17: Booth Camp
Chapter 18: Observe the Pro
Chapter 19: Facetime
Chapter 20: The Executioner
Chapter 21: This is E-Sport
Chapter 22: My Decision
Chapter 23: Official Member
Chapter 24: Terms and Policies
Chapter 25: Pressure is On
Chapter 26: First Live
Chapter 27: Battle Lineups
Chapter 28: Sacrifices
Chapter 29: Meeting the Dragon
Chapter 30: Professional Match
Chapter 31: Match Result
Chapter 32: Striker Class
Chapter 33: Preparation
Chapter 34: Summer Cup Players
Chapter 35: Getting Comfortable
Chapter 36: Announcement
Chapter 37: Interview
Chapter 38: Start of Tournament
Summer Cup Match Schedule
Chapter 39: Battle Cry Vs. Sparks Again
Chapter 40: Mini Celebration
Chapter 41: Battle Cry VS. Laxus Familia
Chapter 42: Bond of Three Sides
Chapter 43: Battle Cry VS. Rising Hunters
Chapter 44: Battle Cry VS. Optimal Ace
Chapter 45: Teams who Overcome
Chapter 46: Battle Cry VS ALTERNATE
Chapter 47: Smile and Tears.
Chapter 48: Sorry
Chapter 49: Departures
Chapter 50: Sweet Goodbye
Chapter 51: Selection
Chapter 52: Part ways
Chapter 53: Homely
Chapter 54: Plan for Event
Chapter 55: Temple of Cuatal
Chapter 56: Connection
Chapter 57: Platonic
Chapter 58: Chimera
Chapter 59: Typhoon
Chapter 60: Stream for a Cause
Special: Stream for A Cause
Chapter 61: Start of Class
Chapter 62: Charity Event
Chapter 63: Invitation
Chapter 64: Orient Crown
Chapter 65: Chocolates
Chapter 66: Captain
Chapter 67: Beer and Talk
Chapter 68: Scouting Ways
Chapter 69: Recruitment
Chapter 70: Night Drive
Chapter 71: Monster Rookie
Chapter 72: Rookie Tournament
Chapter 73: Comfort Person
Chapter 74: Online Class
Chapter 75: Knightmare
Chapter 76: Reconciliation
Chapter 77: Admit and Realize
Chapter 78: Crossing the Line
Chapter 79: Be Bold, Gold!
Chapter 80: Orient Crown VS. Laxus Familia
Chapter 81: Feel the pressure
Chapter 82: Birthday Gift
Chapter 83: The Promise
Chapter 84: Being Comfortable
Chapter 85: Zero Chance
Chapter 86: Interview
Chapter 87: Home
Chapter 88: Hectic Schedule
Chapter 89: Holy Trinity
Chapter 90: Orient Crown VS. Dark Sonata
Chapter 91: Date Night
Chapter 92: Asset of the Team
Chapter 94: Error and Luck
Chapter 95: More Intact
Chapter 96: Love Language
Chapter 97: Sparkle
Chapter 98: Public Opinion
Chapter 99: Girl Friends
Chapter 100: Rhythm of Game
Chapter 101: Home
Chapter 102: Tainted Image
Chapter 103: Practice Game
Chapter 104: Game Adjustment
Chapter 105: Orient Crown Vs. Devil Lions
Chapter 106: Breakup
Chapter 107: Unexpected News
Chapter 108: Plan and Escape
Chapter 109: Preparation for the Match
Chapter 110: Royals Against Wolves I
Chapter 111: Royals Against Wolves II
Chapter 112: Victorious Moment
Chapter 113: Meeting the Wolves
Chapter 114: Busy Day
Chapter 115: Start of Break
Chapter 116: Her Birthday I
Chapter 117: Her Birthday II
Chapter 118: Her Birthday III
Chapter 119: Back to Normal Life
Chapter 120: Hunter Online World
Chapter 121: Connection
Chapter 122: Under the Night Sky
Chapter 123: Back to Boothcamp
Chapter 124: Mall show
Chapter 125: Double Date
Chapter 126: Double Date II
Chapter 127: Start of the Tournament
Chapter 128: Dream Stage
Chapter 129: Before the Rain
Chapter 130: Key holder
Chapter 131: Orient Crown VS. ALTERNATE I
Chapter 132: Orient Crown VS. ALTERNATE II
Chapter 133: The Next Opponent
Chapter 134: Our Card
Chapter 135: Trouble and Savior
Chapter 136: Orient Crown VS. Daredevils
Chapter 137: Orient Crown VS. Daredevils II
Chapter 138: The Culprit
Chapter 139: Room Inspection
Chapter 140: Ungrateful Son
Chapter 141: Orient Crown VS. Rising Hunter
Chapter 142: The Trouble and Issues
Chapter 143: One Community
Chapter 144: Semi-finalist
Chapter 145: The Plan
Chapter 146: Orient Crown VS. Daredevils III
Chapter 147 Orient Crown VS. Daredevils IV
Chapter 148: Orient Crown VS. Daredevils V
Chapter 149: Fruit of Hardwork
Chapter 150: Before the War
Chapter 151: Orient Crown VS. Phantom Knights
Chapter 152: Encouraging Words
Chapter 153: Royals VS. Dragon I
Chapter 154: Royals Vs Dragon II
Chapter 155: Royals Vs. Dragon III
Chapter 156: Royals Vs. Dragon IV
Chapter 157: Celebration
Chapter 158: Going Home
Chapter 159: Surprise
Chapter 160: Offended?
Chapter 161: Update and Invitation
Chapter 162: Consider the Proposal
Chapter 163: Boss Raid Planning
Chapter 164: Medussa's Lair
Chapter 165: Christmas Vacation
Chapter 166: Baguio Trip
Chapter 167: Baguio Trip II
Chapter 168: Baguio Trip III
Chapter 169: Meeting her
Chapter 170: Girl from Past
Chapter 171: Yugto Pilipinas
Chapter 172: The Team and Coaches
Chapter 173: New Boothcamp
Chapter 174: Import Players
Chapter 175: Battle of the Best
Chapter 176: Clash of Best Players
Chapter 177: Change Role
Chapter 178: Appointed Captain
Chapter 179: Boss Dungeon Planning
Chapter 180: Underpass of Lost Hope
Chapter 181: The Brothers and Offer
Chapter 182: Pressure of New Role
Chapter 183: Gunslinger
Chapter 184: Another Rumor
Chapter 185: Team Vacation
Chapter 186: Cause of Confession
Chapter 187: The Issue and Outcome
Chapter 188: Embracing Solemn
Chapter 189: Solid as Diamond
Chapter 190: Against the Pioneer
Chapter 191: Yugto Pilipinas Vs. AllStar PH I
Chapter 192: Yugto Pilipinas Vs. AllStar PH II
Chapter 193: Catastrophizing
Chapter 194: Withdrawal of the Dragon
Chapter 195: Offer for Dion
Chapter 196: Reconnect with Friend
Chapter 197: The Missing Piece
Hunter Online Book 1 (Book version)
Chapter 198: The Opening
Chapter 199: The First Plan

Chapter 93: Little Crown

10.9K 1.1K 353
De Penguin20

I am tapping my pen on table nonstop dahil hindi ako makaisip ng bagong plano na magsu-suit sa susunod naming laro. Mawawala si Callie ng ilang araw kung kaya't magiging crucial sa part namin ang bagay na iyon.

Kahit pa sabihin nating saksakan ng yabang si Callie, frankly speaking, siya ang asset ng Orient Crown. Lahat ng plano kong nabuo ay kasama si Callie kung kaya't nahihirapan kaming dalawa ngayon ni Larkin sa pagbuo ng bagong plano.

As much as we can, we don't want to break our winstreak, ayaw namin masira ang winstreak namin dahil maganda naman na ang takbo ng mga laro namin. 

"Bakit hindi tayo mag-assassin core sa pagkakataong ito? Magaling din naman si Boy Pipe at ibang klase rin naman siya lumaro," suggestion ni Oppa habang nandito kaming dalawa sa meeting room.

I wrote Genesis name on a piece of paper and tapped my pen once again. Mabilis akong nag-isip ng puwedeng ipang-counter ng ibang grupo kapag si Genesis ang naging core namin sa susunod naming laban. "May tiwala naman ako kay Genesis pero gusto ko rin pagkatiwalaan si Kaizer. Nagte-training din siya as a core member of Orient Crown, ayoko namang masayang 'yong ginawa niya sa practice."

Itinataas-baba ni Larkin ang swivel chair niya which is ang sakit sa mata tingnan pero kahit ganiyan 'yang si Oppa ay alam ko namang nakikinig siya sa mga sinasabi ko. "Milan, qualifiers 'tong pinag-uusapan natin, ipapaalala ko lang sa 'yo. Lagi mong isipin na doon tayo sa plano na kung saan mau-utilize natin ang lineup at mas malaki ang tiyansa nating manalo."

"I know pero isipin mo, sino sa mga Orient Crown members ang napag-aralan na ng kalaban ang galaw? I mean, nagri-research tayo sa kung sino at ang galaw ng mga makakalaban natin. I am pretty sure ay ganoon din ang ginagawa nila. Marami-rami nang laban ang nagawa si Genesis na siya ang nag-core, maraming references ang kalaban natin sa kung paano ito maka-counter." paliwanag ko at mukhang nakuha ni Oppa ang pinupunto ko.

"Kaizer is one of the new recruit members of Orient Crown, hindi pa nila alam kung ano nga ba ang kayang ipakita ni Kaizer sa game. We should trust him."

Larkin chuckled at ipinatong ang kaniyang paa sa table. "Baliw pinagkakatiwalaan ko kayong lahat. Ang akin lang, baka mabigatan si Kaizer sa responsibilidad. Hindi naman siya basta-basta lalaro sa susunod na match, eh. Siya ang core member, siya ang puso ng buong team sa susunod na laban. Baka mawala siya bigla sa laro dahil sa kaba." Oppa stated at naintindihan ko namang ang gusto niyang i-point.

The good thing about Orient Crown, ang daming fresh talent. Ang dami naming bagong manlalaro na kayang ihain sa professional league. But the bad side, karamihan sa kanila ay kinakabahan ng sobra kapag nasa match sila lalo na't malalaking team din ang nakakalaban nila.

"Sabihan ko na lang din si Callie na kausapin niya si Kaizer thru call. They have the same position kung kaya't makakatulong si Callie. Huwag ninyo na lang din iparamdam kay Kaizer na mabigat ang part niya sa susunod na mga laro." Paliwanag ko at isinara ang aking notebook.

Saglit na nag-unat si Oppa at bahagya akong natawa. "Tangina, sa lagay na 'to ay parang imposible na akong makahanap ng jowa." Idinukdok ni Larkin ang ulo niya sa lamesa.

Natawa ako kay Larkin but at the same time ay nadama ko rin siya. Akala kasi ng lahat ay kapag professional player ka, lalaro ka lang nang lalaro. Hindi ko naman din masisisi ang ibang tao dahil iyon ang nakikita nila sa mga screen. Pero sa likod ng bawat match... Oh God, patong-patong ang mga kailangan naming gawin at aralin para lang masigurado ang aming pagkapanalo.

"Tinder is waving." biro ko pa.

"Naka-install na, matagal na. Desperado na akong magkaroon ng bebe." sabay kaming lumabas ni Larkin ng meeting room at nadatnan namin ang ibang players na nasa sala na nanonood ng match ng Raging Bull.

"Anong oras na, ah, ba't gising pa kayo?" tanong ko sa kanila. I mean, good thing naman na pinag-aaralan nila ang play style ng Raging Bull pero mahalaga rin sa mga players ang kundisyon nila. Trust me, mahirap maglaro ng sobrang puyat dahil ang sakit sa mata at hindi ka makapag-iisip ng maayos.

"Malakas kalaban, Captain, eh." sagot sa akin ni Noah. 

Well, hindi ko naman din sila masisisi dahil naglaro rin last Summer Cup ang Raging Bull. Ibig sabihin lamang nito ay may experience na sila sa malalaking tournament. 

"Anong plano para sa laban bukas?" tanong ni Robi habang nililinis niya ang laptop niya.

"Kaizer will be our core," mukhang nagulat si Kaizer sa sinabi ko at malakas naman siyang tinukso ng iba naming ka-team. "Sabihan ko na lang din si Callie mamaya na tawagan ka para mai-guide ka din. Huwag kang kabahan, baliw, isipin mo lang na isang practice match ang bawat laban natin. No pressure." I tried to calm him down pero mukhang hindi effective.

Lumaro naman na si Kaizer sa ibang tournament na sinalihan namin pero naiintindihan ko naman kung bakit siya kinakabahan. Season four tournament ang pinag-uusapan natin dito. Ang manalo sa tournament na 'to ang pinaka-goal ng mga professional players. If you will win this tournament, makikilala ka sa buong gaming community at hihirangin ka bilang isa sa pinakamalalakas na player sa buong Pilipinas.

"Captain, sure ka diyan?" Kaizer asked.

I chuckled at umupo sa tabi ni Dion. "Oo, ako at si Larkin ang nagdesisyon noon. Tandaan mo, Kaizer, hindi ka namin ilalagay sa isang match para ipahiya ka. Ipinasok ka namin kasi may tiwala kami sa 'yo. Be confident lang." Tiningnan ko isa-isa ang mga members kong nandito pa sa sala. "After ng match na pinanonood ninyo ay matulog na kayo, ha, especially sa mga lalaro bukas. Huwag ninyong pagurin ang sarili ninyo. Dapat ay nasa kundisyon kayo bukas."

"Yes, Captain." they answered in unison.

"Vitamins ninyo inumin ninyo bago kayo matulog." Huling paalala ko.

"Dion, payag ka no'n, pa-fall si Milan?" Liu chuckled.

"Tanga, concern siya sa buong team. Malisyoso ka lang." Sagot ni Dion na ikinatawa ng lahat at bumaling ang tingin sa akin ni Dion. "Ikaw naman din, may sinasabi ka pang inumin ninyo vitamins ninyo." Ginaya niya pa ang boses ko.

"Epal mo, pinapaalala ko lang sa kanila." Bumalik na ang lahat sa kaniya-kaniya nilang ginagawa habang kami ni Dion ay nagpatuloy sa pag-uusap. 

Kung wala si Dion dito sa boothcamp, feeling ko ay mababaliw ako sa dami kong inaasikaso at ginagawa. I mean, masaya naman maging captain but behind those word kasi... ang bigat din. Pero kapag kasama or kausap ko si Dion, may certain degree of comfortness. Like, pinapagaan niya ang lahat.

But of course, hindi ko sasabihin sa kaniya 'yon! Maghapon na naman akong tutuksuhin niyan kapag may maganda akong sinabi tungkol sa kaniya, eh. Sabi ko nga sa inyo, lahat ng members ng Orient Crown ay nahawaan na ni Callie.

Dion is playing Candy Crush on his phone at nakinood ako sa kaniya. Si Dion 'yong kilala kong professional player na stress reliever niya ang mga tito/tita games. He even played Plants VS. Zombies last time sa laptop niya.

Hinahayaan ko na lang din naman siya at pinapanood siya kapag naglalaro siya (Okay fine, nakaka-enjoy panoorin ang mga Tito/Tita games). Kaniya-kaniyang way lang din naman kami para maka-cope up sa stress at makapagpahinga. In my case, si Dion ang pahinga ko. Habang naglalaro siya ay kumakain din siya.

"Ano 'yang kinakain mo?" tanong ko.

Saglit na bumaling ang tingin sa akin ni Dion. "Hulaan ko sunod na sasabihin mo," 

"Pahingi." sabay pa naming sabi at natawa kaming dalawa. "Chika mo, ngayon lang ulit ako sa 'yo nanghingi."

Iniabot ni Dion ang kinakain niyang isang balot ng Potato Chips. "Huy favorite flavor ko 'to."

"Talaga ba?" Dion chuckled at saglit na napatigil sa paglalaro.

"Bakit ka tumatawa?" Kunot-noo kong tanong sa kaniya.

"Sa 'yo 'yan, eh. Nakuha ko sa kuwarto mo." Namilog ang mata ko at malakas na tumawa si Dion. God! Noong nakaraan kasi ay bumili ako ng isang plastic na tsitsirya, well, I am not a matsitsirya type of person at binili ko talaga 'yon para sa team (sa kung sino ang gusto kumuha).

Pero! Ibang usapan 'yong potato chips dahil nakabukod siya ng lalagyan! Especially, this onw dahil favorite flavor ko pa naman 'to. "Alam mo ang epal mo. Persona non grata ka na sa kuwarto ko starting today."

Kumuha siya ng Potato chips at sinubuan ako. "Oh ayan, dami mo pang sinasabi. Palitan ko na lang 'yan kapag nalabas tayo. Wala kang gagawin na school stuff ninyo ngayon?" tanong niya.

"Well, nagse-send naman si Shannah ng mga lectures sa akin at hindi pa daw ganoong ka-busy sa College of Science ngayon lalo na't kakatapos lang ng exam." paliwanag ko kay Dion at naalala ko na naman ang nangyaring exam na halos kasabay ng tournament. God, ilang luha din ang naubos ko that week. "Mas gusto mo ba kapag marami akong ginagawa? Buwisit na 'to." Natatawa kong tanong kay Dion.

"Ang sarap mo kayang panoorin kapag ang dami mong ginagawa." He answered at ibinaba na niya ang phone niya matapos ma-clear ang isang level. "Hindi ko naman sinasabing ayoko na binibigyan mo ako ng atensiyon pero kapag marami kang ginagawa, my eyes are glued to you. Nakakakilig ka tingnan."

My brows frowned at napailing ako. "Ang pangit mo maging masaya. Naiiyak na nga ako sa dami kong ginagawa araw-araw tapos form of kilig mo pa siya? Anong klaseng jowa ka?" tanong ko habang kumakain ng Potato chips.

Nag-indian sit si Dion sa sofa at humarap sa akin. "Oh sige nga, ikaw, when do you find me attractive?"

"Kapag napipikon ka."

"Weh? Seryoso ba?"

"Chika lang. Isipin ko..." Saglit kong iginala ang paningin ko sa paligid. "Kapag naglalaro ka ng games. Nakaka-attract ka kapag sobrang seryoso at dedicated sa bagay na ginagawa mo." Bihira lang ako makakilala ng mga taong sobrang passionate sa mga bagay na gusto nilang gawin kaya ang lakas ng dating ni Dion sa part na iyon.

"Malapit na ako mag-level 150 sa Candy Crush. Ganiyan ako ka-passionate na gamer." He wiggled his brows at malakas akong natawa.

"Ang tito mo sa part na 'yan."

"Wow, tito agad? Kapag nagke-candy crush ay tito level na agad? Siraulo ka, ah." Kinurot ni Dion ang magkabila kong pisngi at ini-stretch niya pa ito.

Mabilis kong tinapik ang kamay niya. "Ang sakit kaya!" Reklamo ko. Hindi ko gets kung bakit may ibang couple na source of kilig nila 'yong pagkurot sa pisngi. Promise, ang sakit niya. "Pero bakit kasi Candy Crush ang nilalaro mo ngayon?"

"Para ma-exercise po ang utak ko," Dion answered. "Ayokong maglaro ng mga adventure RPG na mga laro kasi baka mawala ako sa focus sa Hunter Online. Okay lang maadik ako sa mga Tito games para mabilis akong makakabalik sa zone ko as a professional player." He answered at kumain noong Potato chips.

After that, nagbatuhan na kami ni Dion ng ideas para sa susunod na laban namin. We are giving each other ng mga what if's scenarios tapos dapat ay mabilis kaming makakaisip ng way para matakasan or matalo ang kalaban. Bonding na rin naming dalawa ito at nae-exercise pa ang utak namin sa mga planong puwede naming magawa sa game.

Matapos ang pinanonood nilang match ay mabilis ko na silang pinapasok sa kani-kanilang room dahil halos mag-alas dose na rin ng hating gabi. Hindi puwedeng mapuyat utong mga players na ito lalo na't maaga ang laban namin mamaya. Anong oras na rin kung kaya't sure ako na nasa La Union na ngayon si Callie.

Nakakatawa nga dahil mas gusto talaga ni Callie na mag-stay dito at ayaw niyang pabayaan ang team pero  hindi na siya nakapalag noong si Coach at si Sir na ang nagsalita. Salary deduction ang punishment kapag hindi siya sumunod kung jaya't dali-daling nag-empake si Callie ng kaniyang gamit.

Hindi ko rin naman din masisi sila Coach, kasal 'yong ng ate ni Callie. It is a once in a lifetime experience at mas magandang masaksihan iyon ni Callie. Kahit ako, kapag ikakasal si Kuya Brooklyn kay Ate Princess ay gusto ko ay nandoon ako, eh.

Bago ako matulog ay iniligpit ko ang mga kalat nila sa sala noong makita ko si Coach Russel mula sa labas ng bintana at nakaupo malapit sa pool. Nagve-vape si Coach habang may pinanonood sa kaniyang iPad.

Kinolekta ko ang mga basura at itinapon sa trashcan sa labas. "Hindi ka pa po matutulog, Coach?" tanong ko at bumaling ang tingin sa akin ni Coach. Umihip siya sa vape niya for one last time at ipinatong sa mini table.

"Nanonood ako ng match noong mga team na maaari ninyong makatapat sa mga susunod na game." Ipinakita sa akin ni Coach ang kaniyang iPad habang nagpe-play ang isang match.

"Iba talaga kapag champion noong season one." Pabiro kong sabi at napailing si Coach. Kagaya nga nang sabi namin, hindi nalalayo ang edad nila Coach sa amin at ni Sir Theo kung kaya't nakakausap namin sila informally. Although, kapag practice namin, siyempre kailangan kaming sumunod sa kanila since superior sila sa amin.

"Naaalala ko kasi sa inyo 'yong mga panahong nagsanay kami para manalo sa Season one tournament. Ganyan lang din ang edad namin noon," Coach Russel smiled as he reminisce his past gaming experience. "Punong-puno ng passion. Nasa point din kami na focus kami sa goal namin, which is makuha ang trophy."

Umupo ako sa katabing upuan ni Coach at nakinig sa kaniyang sinasabi. "Siguro ay magaling din ang nagtuturo sa inyo that time kung kaya kayo nanalo, Coach."

"Hindi." Coach Russel chuckled. "That was the season one tournament. Hindi pa ganoon kaingay ang Hunter Online sa gaming community at iilan pa lamang din ang naglalaro. Bagong laro lang ang Hunter Online noon kung kaya't pati si Coach Harry ay nangangapa din sa kung paano kami makagagawa ng mga epektibong strategies."

"E 'di paano ninyo nauwi ang kampionato that time, Sir?" Isa ito sa mga traits ng gustong-gusto ko sa sarili ko (wow, sariling buhat). Gusto ko nakaririnig ng mga success stories ng ibang tao sa iba't ibang field. Nakaka-motivate kayang gawin ang isang bagay kapag nakaririnig ka ng kuwento na magpapalakas ulit ng alab ng determination and will mo.

"Katulad nang ginagawa ninyo nila Callie at Larkin. Brainstorming lagi, araw-araw. Pero kayo, mabibilis ninyong napi-figure out 'yong dapat ninyong gawin dahil mature kayong tatlo pagdating sa gaming at 'yong plano ninyo ay para sa team talaga. Kami? Dumating kami sa point na magsusuntukan kami para lang masunod ang gusto ninyong plano." Namilog ang mata ko sa gulat at bahagyang natawa si Coach. "Tanungin mo pa si Theo. Well, that's part of our process siguro. Sabik kami sa recognition. Uhaw kami sa atensiyon. I mean, we are season one players. We all have this pride na dapat akong ma-highlight sa laro dahil ako ang pinakamalakas. We have that thing."

"Pero alam mo, kahit madalas kaming magkasakitan. Sa lahat ng ESports player back then, sila lang ang pinaka pinagkakatiwalaan ko. Kahit madalas kaming mag-angasan, we still ended up saving each other asses kapag nasa game na. Iyon lang din ang palagi kong pinapayo sa inyo, kapag alam ninyong may sasalo sa inyo, huwag kayong matakot gumawa ng risk play."

Napatango-tango ako sa sinasabi ni Coach. "If you reached that certain degree of trust and teamwork. Basta alam ninyo rin ang galaw ng bawat isa. Hindi malayo na manalo kayo sa Season four tournament. Siyempre hindi ko rin naman kayo pababayaan. Nandito kami ni Theo para suportahan kayo. We will help you guys to achieve your dreams." Napangiti ako sa sinabi ni Coach.

"Thank you, Coach, those kids... Ang dami na nilang isinakripisyo para rito. Marami sa kanila ay ilang beses nang napagsabihan ng mga magulang nila. Mayroong huminto sa pag-aaral, mayroong umalis ng kanilang mga probinsya dahil tiwala sila na may mararating sila rito. They want to prove to the whole world na ang ESports ay hindi lang para sa mga taong walang pangarap. They want to prove that may mararating sila sa paglalaro. They will become the champion of Hunter Online."

Umihip muli si Coach Russel sa kaniyang vape. "Huwag mo na lang din sasabihin sa kuya mo."

Bahagya akong natawa sa sinabi ni Coach dahil kasama sa rule ni Kuya Brooklyn ang bawal mag-vape malapit sa akin.

"Alam ninyo, the moment that you guys became a professional player; mga champion na kayo. You already have this little crown already na maipagmamayabang. Aminin na natin, maraming gamer sa mundo pero iilang tao lang ang nakakapasok sa professional league. And that is something big already. The moment na lumalaro kayo sa malalaking tournament at napanonood ng libo-libong tao sa Pilipinas... Champion na kayo noon." Coach assured me at napangiti ako. Ito 'yong mga words of wisdom na hindi ko naman hiniling pero kailangan ko pala.

"Sige na po Coach, mukhang marami-rami pa po kayong match na panonoorin. Matutulog na ako." Paalam ko at tumayo.

Kung marami na kaming ginagawa nila Larkin. Trust me, mas marami pang ginagawa si Coach kaysa sa amin. Hindi lang naman tagabantay si Coach kapag nagpa-practice kami kung hindi si Coach din ang nag-aaral ng mga galaw ng ibang players na makakalaban. Marami ring idea at plano si Coach na nakahain para sa Orient Crown na hinihintay lang namin na mailabas.

***

KINAUMAGAHAN, nagising ako sa napakaraming text message ni Callie at kulang na lang ay i-block ko ang number niya sa inis. He constantly asking me for an update.

"Hello," instead na i-chat siya ay tinawagan ko na lang din ang bagyong Callie.

"Miss mo naman agad boses ko," he chuckled and I ended the call.

Maya-maya ay tumatawag na ulit si Callie. "Awit, hindi marunong tumanggap ng joke amputa. Kumusta kayo diyan sa boothcamp?"

"Nagre-ready na kami sa laban mamaya. Nakausap mo ba si Kaizer?"

"Oo, mukhang kinakabahan ang mokong. Guide him well. Let Kaizer be the core pero huwag kayong mag-rely masyado sa kaniya. Kapag naramdaman mong umaangat na ang pressure at nawawala na sa laro 'yong bata... Change of plan ka na agad." Paalala niya sa akin at kahit nasa La Union na siya ay team pa rin ang unang iniisip niya pagkagising niya.

Sa Hunter Online na nga lang yata umiikot ang mundo nitong si Callie, eh.

Sabay-sabay kaming nag-agahan at bandang alas-nueve noong naghanda na kami para sa laban namin. This will be our first match na wala si Callie. We will prove to our enemy na hindi lang si Callie ang asset ng buong Orient Crown. I want to prove to them na lahat kami ay magaling at kahit wala si Callie ay mananalo kami.

Continue lendo

Você também vai gostar

School War Online De Reynald

Ficção Científica

5.2M 266K 73
Online Game# 1: DANI X RAYDIN
13.8K 742 19
Kupas na ang kulay ng watawat. Inaagnas na sistema ng bansa. Ang mga tao ay mamatay-matay sa paghahanap-buhay. Sa panahong hindi na dayuhan ang tunay...
15.6K 2.9K 185
Sometimes When I'm Lonely I Pretend I'm A Carrot is a little book about carrots, loneliness, religion, political stance, love, and affirmations.
1.3K 276 44
Freesia Mandeville has a habit of writing and doodling anywhere in Collins High School. May it be on the walls, chairs, and even on the comfort room'...