Wave Back, Kahel

incrappyedge_ tarafından

65.5K 3.6K 1K

"Gali, you troublesome bitch, stop chasing me." - Kahel Alana Azalera Painless Heartbeat #1 : Wave Back, Kahel Daha Fazla

Wave Back, Kahel
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Epilogue

Prologue

6K 150 24
incrappyedge_ tarafından

Napabahing ako dahil sa nasinghot kong usok na hindi ko inaasahang ibuga ni Hadri sa muka ko. Bigla itong tumayo at tila modelong nagpamewang sa harapan namin ni Ronin.

Ang gago, nakangisi pa sa akin, talagang nang-aasar.

Malamang ay tuwang-tuwa nanaman sa nakabusangot kong muka.

"Let's go out, I'm bored as fuck."

Pumuporma ang kilay niya at handa nang magsalubong, wala na ang maloko niyang ngisi—bipolar ka girl?

Pinagmasdan ko pa ng ilang sandali ang expression niya, it's funny, halata ngang bored na bored, kahit ako naman! Putspa tumal dito sa dorm.

Bago pa ako makapagsalita ay humipat ulit si Hadri sa vape at ibinuga malapit nanaman sa muka ko kaya auto mura tuloy ako with matching paypay sa usok na parang mawawala ito kaagad kahit sobrang kapal nito!

"Hadri parang bobo, kaya ka bagsak sa calculus, e." Iritang binalingan ko ang isa pang kaibigan na tahimik na nagbabasa ng lectures niya, isa 'to sa medyo masipag mag-aral, si Hadri, wala 'yan petiks lang tamang chill, ngayon nga ay tinaasan na ako ng kilay suot ang kan'yang ngisi.

"Pasado ka?"

Napasimangot ako. "Gago Ronin 'wag mo ngang pahiramin ng vape 'yan," dagdag ko pa ngunit hindi ako pinapansin ni Ronin, isa pa 'tong malakas mang-asar, tinuhod ko siya. "Bobo kausap ka diba?"

"Pasado ka nga ang tanong?" singit uli ni Had sabay tawa, papansin talaga, kulang sa pansin siguro 'to.

"Nakakatawa 'yon?" Alam naman naming pareho kaming bumagsak sa calculus noon.

'Yung mga tao ang hilig balikan 'yung nakaraan parang tanga.

Wala kaming pasok tatlo, kaya lang urat na urat na kami ni Hadri rito sa dorm dahil kanina pa kami narito nanonood ng mga vlogs habang ito namang si Ronin ayan, nagbabasa habang umiinom ng light beer, mahilig 'yan magbasa, ang sakit nga sa mata tignan ng babaeng 'yan tuwing nag-aaral pero sanay na kami sa kanila ni Jacinthe.

"Kumusta kayo ni Jules?"

Napaismid ako, matagal na kaming tapos no'n past is not the present so hard pass sa kaniya, hays 'wag ipipilit kung ayaw ko, sapakan nalang.

"Mama mo Jules."

"Wew parang hindi minahal." Pumwesto ito sa ibabaw ng coffee table. "Let's just find another shawty sa kabilang room, diba meron d'yan?" Gamit ang hinlalaki niya ay tinuro niya ang hangin.

Sumama ang muka ko. "Landi mo, oy."

"Gago nagsalita, napakatino mo kasi?"

Rinig ko ang pag-react ni Ronin do'n.

Nakakaasar ang pagtaas ng gilid ng labi ni Had, nakakaasar ang muka niyang may katarayan, ang sarap talagang tadyakan!

"Bahala nga kayo." Bugtong-hiningang tumayo ako upang mag-ayos, balak ko lumabas dahil nabuburyo na akong kasama ang dalawa, tinanong pa ako ni Hadri kung saan ako pupunta ngunit tinaasan ko lang ito ng gitnang daliri.

Sa totoo lang hindi naman talaga ganito ka-boring ang araw namin, patapos na kasi ang final exams ng iba at magbabakasyon na, kami ni Had ay tapos na at inaantay nalang ang grades, itong si Ronin ay may isa pa at si Jacinthe—"If you ever bumped with Jacinthe sabihin mo pumunta na rito!" habol pa ni Had, nagpamulsa ito, nakakairita talaga ang pagmumuka paulit-ulit ko itong sasabihin, masyadong alaga sa muka, sarap bangasan.

"Ba't 'di ikaw."

"Hoy! Tangina mo talaga Gali! Real shit nga kasi!"

Hay nako, alam ko namang imposibleng masalubong ko si Jacin ngayon, kinain na 'yon ng jowa niya, e.

"Manahimik ka nga panay ka mura para kang..." Hindi ko na narinig pa ang huling sinasabi ni Mommy Ronin kay Had dahil tuluyan na akong lumabas, malamang ay mag-iinisan nanaman ang dalawang bwisit na 'yon, asar talo pa naman si Hadri kapag si Ronin na ang nagsalita, wala kasi siyang palag do'n, eh.

Nakapamulsang maglalakad ako nang masalubong sa hallways ang isang schoolmate, 'yung tinutukoy ni Had, maganda ito at matalino, type ko ngunit parang hindi ko gugustuhing landiin kasi parang hindi marunong makipag-fling ang babae, ayoko nga ilagay sarili ko sa alanganin, kahit alanganin 'yung mismong lumalapit sa akin.

Minsan alam mo talaga sa sarili mo kung lapitin ka talaga ng gulo.

"Hi, Gali!" Masiglang bati niya, hmm nabanggit ko bang mabait din siya?

Ngumiti lang ako sa kaniya at bahagyang tumango, maganda talaga, she's not straight at ang usapan ay bisexual ito pero hard pass bruh, sabi ng radar ko, her love is so dangerous yeah yeah so dangerous—okay, hindi ko talent ang kumanta, take note.

"Gali!" Rinig ko nanamang may tumawag sa beautiful fucking name ko, this time kilala ko talaga kung sino, nagkagulatan pa nga kami.

Si Jacinthe, may katamtamang haba ng buhok, mukang masungit na mabait kaya nangingibabaw ang 'president's lister' vibes niya.

Wow, nakasalubong ko nga ito...just like what Hadri said, ang galing ni Had ah? Pwede na palitan si Madam Auring.

Nakangiting lumundag si Jacinthe sa akin at humalik sa pisngi ko pagkatapos ay ginawa namin ang signature hand shake na gawa-gawa ni Had The Great.

"Saan ka punta? Balik dali."

Napairap ako, hindi ako uubra kay Jacin kaya nagpatulak nalang ako nang igiya niya ako paharap sa kung saan ako nanggaling.

Dala pa ni Jacin ang mga libro niya kaya ako ang nagbitbit no'n para sa kaniya, siya lang ang may exam ngayon at puro major. Hay, nakaka-stress maging college!

Napansin kong nakangiti si Jacin sa akin kaya tinaasan ko ito ng kilay.

"Ano? Ganda ko?"

"Pwede na." Kumindat ito. "Magsasaya tayo mamaya."

Tila nagningning yata ang mata ko. Dala niya pala ang magandang balita ng alak ngunit napaungot ako nang may maalala. "Tayo o kayo ng jowa mo?"

Tinawanan niya lang ako. Tagal na naming magkaibigan saulo ko na 'to!

Pero okay lang, napangisi ako.

Matik na kasi na may pupuntahan kaming party, sakto, kailangan kong mag-unwind, masyado na akong nag-effort sa pag-aaral!

Mabuti nalang at malapit na ang bakasyon.

Miss na miss ko na ang Dapit-Hapon! Resort 'yon na may magandang beach, may maliit na souvenir shop kasi ang mama ko sa resort na 'yon kaya roon ako nagbabakasyon para bantayan 'yon.

Doon din kasi ang probinsya ko,  actually kaming dalawa ni Hadri, mga barrio kids, yes naman, proud!

Dahil nga may pupuntahan kami ay kani-kaniya kaming ayos, si Ronin na kaswal lang suot ang denim jacket niya na tinernohan ng puting cropped top sa ilalim, it's her simplicity and presence that screams. Si Jacin na naka racerback top at skirt na hindi manlang umabot ng tuhod! Mahabagin, this girl is flaunting her curves, bless my eyes. At syempre si Hadri mukang mamahalin dahil sa porma niyang expensive classy bitch look, wearing her high-waisted mom jeans, and cropped blouse under her brown cropped blazers. Naka budget talaga ang porma niyan.

"Jusko bagal mo Ronin para kang isang taon kung maglakad!" Reklamo ni Hadri, natawa ako, kulang nalang kaladkarin ang tamad na tamad na si Ronin, parang ayaw pa nga no'n sumama dahil may readings daw kami pero walang magawa ang loko dahil kinulit-kulit nina Jacin. Readings my ass.

"Bakit? Lalandi ka nanaman ba ro'n Handaya?" Ngumisi si Ronin, natutuwa sa reaction ni Had kapag tinatawag siya sa pangalan niyang iyon, lumalabas na tunay na ugali, chos.

"Handaya ampota, don't call me that! Hindi ako lalandi tonight bro just chillin' diba?" aniya sabay baling sa akin, may pa-wiggle pa ng brows, the fuck dude? Kinakausap nanaman kami gamit ang conyo niyang pananalita, taga manila rin kasi 'yang babaeng 'yan bukod sa pagiging baryo kid represent, marami rin itong kaibigan, her "connections" kung sino-sino ang nakakasalamuha.

Hadri brushed her hair, holding her grin.

This woman is full of confidence, I swear.

Napangisi ako.

"Pupunta talaga tayo? Bakit?" takang tanong ni Ronin kahit na nakatingin na siya kay Jacin, agad na napansin iyon ni Had.

"Aray! Ba't ka nambabatok?"

"Tigil-tigilan mo 'yang pang-re-realtalk mo kay Jacin."

"Wala naman akong sinasabi."

"'Wag mo na simulan."

Ngumiti lang si Jacin sa kanila nang akbayan siya ni Ronin.

Palagi kasing ganito ang set-up nila ng jowa niya, iimbitahin siya ni Jonas sa party tapos doon sila mag-bebe time, jusko po, napaka-protective pa naman namin sa nag-iisang Jacinthe na 'to, paano naman kasi? Napakarupok niyan sa jowa niya.

Pero hindi naman kami nagrereklamo sa tuwing nag-aaya ito.

Okay pa nga kasi libre alak.

Ayaw lang naman naming tatlo ay 'yung inaaway away ni Jonas si Jacin.

Napalingon kami sa lalaking tumawag kay Jacin, eto na nga po, 'yung jowa niyang bugok. Simpleng napakamot lang ako sa batok ko nang magkatinginan kami ni Jonas—kita ko kaagad ang pagkadisgusto niya sa akin, correction, sa aming tatlong kaibigan ni Jacinthe.

Akala mo kung sino, ampanget naman ng ugali.

Hinila niya na si Jacinthe papasok nang hindi kami binabati, red flag talaga amputa. Mag-aaway nanaman sila niyan ni Jacin.

"I'll see you guys later!" Pahabol pa ni Jacin kaya nagsi-kaway kami pabalik. Nagkatinginan nalang kaming tatlong naiwan, sanay na.

"I guess we should just enjoy the night," may ngising sabi ni Hadri habang inaayos ang suot niya, nakipag-handshake ako rito, wala lang nakasanayan naming magkakaibigan kapag nag-a-agree sa isa't-isa.

Napatingin ako kay Ronin.

Bumugtong-hininga ito at nailing at kinuha rin naman ang kamay namin upang makisakay, alam ko namang bet niya rin makipag-party, pabebe pa 'yan.

"Pokpok ka kasi Had kaya pabor 'to sa 'yo." Oh diba, parang napaka among tupa.

"Luh, ikaw hindi?"

"Bulbol."

Pinatunog ko ang dila ko. "Pare-parehas lang tayo rito tanga, tara na."

Sabay-sabay kaming pumasok sa loob, agaw pansin pa ang malakas na pag-'yes baby' ni Hadri habang naglalakad kami kaya napatigil ang iba sa pagdating namin.

Sensitibo ang pang-amoy ko kaya nasinghot ko kaagad ang amoy ng alak sa paligid.

"Hi ladies!" Salubong sa amin ng nag-host sa party na ito, kasama ang mga kaibigan niya, I know him, aeronautical student, halata agad ang pagiging anak mayaman nila. "Welcome to my party and enjoy." Lumawak ang ngiti niya at bahagya pang nag-bow sa harapan namin bago kami abutan ng inumin ng mga kasama niya.

"Cute sana nila kaso takot ako sa matigas na tit—" Naputol ng malakas na tugtog ang sinasabi ni Handaya, kahit hindi natuloy ay natawa pa rin kami ni Ronin, gago talaga 'to.

Hindi na ako nagtaka kung bakit ang daming narito, matinik ang mata ni Had, nakahanap kaagad siya ng tipo niya pero ayaw niyan lapitan!

Tatlo kaming nakapwesto samay billiards kung saan pinapanood naming sumargo ang babaeng kakapanalo lang ng isang round kanina, kahit nakatayo kami ngayon ay walang reklamo si Handaya dahil ang babaeng tipo niya iyong naglalaro ng billiards, 'yung tropa mong napakaarte pero nakakalimutan niyang maarte siya 'pag may natitipuan.

"Lapitan mo na habang umiinom," pamimilit ko kay Had dahil uminom saglit ang babae habang pinapanood tumira ang kalaban niya.

Umiling lang si Had at niyaya na kaming kumuha pa ng maiinom, aba gago bago 'yon, ah? Maniniwala na ba ako na just chillin' lang? Pareho kaming natawa ni Ronin—ito namang isang 'to patawa-tawa lang pa'no kaya 'to madidiligan kung gan'yan siya.

Nang magsimula ay saglit akong umalis upang mag-restroom, saglit lang sana ngunit naligaw pa ako putspa, ang laki ng bahay na 'to.

"Hey, sa'n ka? Papunta nang kwarto 'yan."

Napahinto ako, nagkabungguan kasi kami.

"Ah gano'n ba lods?" Kunot noong tinignan ko ang hallways, napakalaki naman kasing bahay. "So dito?" Turo ko sa malamang ay tamang daan, tumango siya at tumuro rin kung saan ako tumuro kanina.

Liliko na sana ako nang makarinig ako ng ipis.

"What the fuck?" sabi ng ipis—ay shet boses ipis lang pala. "You seriously cheating on me, Dex?!"

Napaatras ako kasi papunta na 'yung babae, hala, cheat agad? Bawal bang nagchichismisan lang gano'n? Not like totoo kasi nagkabungguan lang kami pero kasi grabe 'yung pagka-advance niya gagi, amazing earth.

Umatras na talaga ako, hindi ko alam pero nakasimangot kasi siya malay mo kagatin ako niyan bigla. Natawa ako sa isip ko, don't bite girl, just arf arf.

Kagat-labing nagpamulsa ako, she did a stare down on me.

"What?" tanong ko, english para masaya at para lang maganda ang rebate.

"Hindi ka ba nahihiya? Hindi mo ba alam na may girlfriend—"

"Hindi ko alam," putol ko, tinignan ko ang jowa niya raw, mula ulo at hindi na umabot pa ng paa.

Mas gwapo pa ako rito, eh.

Iling akong umalis doon, wala akong narinig na kahit ano hanggang sa makalayo ako, nakakairita boses niya, eh.

At kung sinuswerte ka nga naman.

May nabunggo ulit ako.

"I'm sorry."

Napaatras ako. Pinulot ko rin ang mga susi niyang nalaglag saka iyon inabot. Napaawang ang labi ko nang makita ito ng maigi, putspa. Cliches are cliches for a reason daw ano? Pero nakaka-starstruck 'yung dating nitong babaeng bumunggo sa akin.

"Ahm, 'yung buhok mo, wait." Inabot ko ang parte ng buhok niyang medyo magulo, pinadaan ko ang daliri ko roon upang ayusin.

"What?"

"Magulo, okay na." Ngumiti ako.

Kumurap ang mapungay na mata nito, tila kuryosong nakatingin sa akin, sigurado akong pinagmamasdan niya ako. "Thank you, okay na?"

"Yep."

After that parehas kaming humakbang upang lagpasan ang isa't-isa ngunit hindi ko mapigilan ang sarili kong mapalingon ulit.

Sa tingin ko siya rin dahil sabay pa kaming lumingon.

Unti-onting napangiti ako habang papasok sa banyo, at kahit pa nang tinatahak ko na ang daan pabalik sa pwesto namin hindi pa rin maalis ang ngiti ko, hindi makapaniwala sa nangyari.

Putspa, dapat hinabol ko nalang hindi na sana ako umihi!

"Sa'n ka galing? Tagal mo! Habol ka!" Si Ronin, naduga nanaman 'to siguro, ang daldal niyan kahit hindi pa lasing basta 'pag may impluwensya ng alak.

Nakailang bote na kami kaya nagsisimula nang maging tipsy ang dalawa kong kaibigan, si Ronin ay namumula na, mabilis din ito matawa kapag tinatamaan kaya panay ang tawa namin habang nag-uusap, sa kalagitnaan ng pagtawa namin ay dumating si Jacinthe, hindi kasama ang jowa, buti naman.

"Hoy, Jacin, anong inom 'yan? Dinaig mo pa nag-tempra na baby."

Pinahabol nila si Jacin, hindi mahilig uminom 'yan kaya madaling matamaan. Bandang huli, may tama kaming lahat.

Habang umiinom ay bigla nalang kaming napahagalpak apat dahil sa pagkukwento ni Ronin nu'ng panahon na nahulog sila ni Hadri sa kanal noong naglalakad kami pauwi pagkatapos kumain ng street foods.

"Tangina," naluluhang sabi ni Hadri kakatawa niya.

Si Ronin ay halos mamatay na at nakahawak sa t'yan niya at hinahampas ang lamesa

"Nangalahati amputcha," nahihirapang sabi ni Jacin hinahabol ang hininga. "Tapos tumawa lang tayo Gal."

Mga bobo, eh. Letche, tawa na ako nang tawa hanggang sa matawa naman kami sa pagtawa ni Jacin, hindi kasi siya makahinto at tuloy-tuloy kung tumawa. Her laugh was the funniest.

Napailing ako. Laughter is the best medicine talaga. Pinagpawisan pa ako.

Pinahinto ko sila nang may mahagip ang mata ko, nakita ang babaeng type ni Had, tumayo nanaman kasi at walang ibang kalaro sa billiards.

"Lapitan mo," kako kay Had.

At dahil may tama na ito ay kaagad itong tumayo.

"Huy, gago ka Gali, samahan natin!" Nataranta si Ronin, hinila ako at ayon nga sumunod kami.

"Ano kayang gagawin no'n?" Nakakalokong ngumisi si Jacinthe.

"Can we play?" Naabutan naming tanong ni Had, tinignan siya ng babae, tumaas ang dulo ng labi nito.

"What's the bet?"

"Your name."

Napa-'ohh' kaming mga kaibigan. Agaw pansin man ay nawalan na yata kami ng pakialam.

Nang magsimula silang maglaro ay namangha ako sa galing ni Had, hindi ko alam na magaling itong magbilyar. Seryoso pa ito kung maglaro kaya nagkatinginan kami nila Jacin. Lumalabas ang pagka-competitive ni Hadri, magandang laro ito.

"OMG go Had!" Pag-cheer ni Jacin nang may mapasok nanaman si Had, itong Jacin na 'to suma-shot pa, at pinapa-shot din kami, putcha lasing talaga si gaga, yari 'to bukas sa hangover, hindi pa naman sanay! At nag-flying kiss pa nga si Had!

Habang pinapanood ang dalawa ay napansin ko ang mga kasama nung babaeng naglalaro ngunit tila na-mighty bond yata kaagad ang mata ko sa magandang nakaupo habang seryosong nanonood sa laban. Siya 'yon, hindi ba?!

Napakurap pa ako at napapunas ng mata, baka kasi dala lang ng alak pero putspa, hindi.

Pinagmasdan ko ito, nakasuot ng puting cropped top, mom jeans at sandals, simpleng-simple lang, nakasabit din sa leeg niya ang gold necklace na may pendant na araw yata, hindi ko maaninag ng maayos, her hand went to slightly brush her hair then her eyes maybe brushing her sleepiness away, inayos niya rin ang suot niya, ang lakas ng presensya nito para sa akin, parang ayaw kong umiwas ng tingin at tipong magpapagiba ako ng mundo ko sa kaniya ngayon din, gano'n.

Oo, siya nga 'yon, siya 'yung babaeng nakabungguan ko kanina.  Kumpirmado.

Naging tutok talaga siya sa panonood, tila interisado talaga ito sa magiging pagkatalo ng kaibigan niya. Ako naman 'yung tutok na tutok sa kaniya, hindi makapaniwala sa nakikita ng mata ko para siyang ginawa ni Lord tapos naisipin Niya na dapat nasa kaniya lahat ng tipo ko sa babae.

Kakatitig ko, hindi ko namalayang natapos ang laro nila Hadri at nakakapagtakang nanalo nga ang kaibigan ko. Panalo rin yata ako, Lord ang bait mo po!

May kumalabit sa akin. "Lapitan natin!" Umakbay si Ronin at kinaladkad ako palapit sa dalawang naglaro, nagkakamayan sila.

It was a good game, I guess.

"I'm.. " Nabitin ang sinasabi ng babae, napatingin ito bigla sa akin kaya nginitian ko ito, syempre. "Gianne." Ah, 'yon pala ang pangalan nitong tipo ni Had, 'yung kaibigan kaya?

Infairness, kakaiba talaga ang mata ni Hadri pagdating sa mga natitipuan, 'yung talagang maganda, may kurba, twenty at ten.

Naramdaman ko ang pagsiko ni Ronin sa akin. "Mukang pangalan mo 'yung gusto kuhanin," bulong niya ngunit hindi ko masyadong napagtuunan ng pansin ang sinabi ni Ronin nang makita ang babaeng kanina ko pa tinitignan, papalapit ito.

"Gianne, I'm going." Napatingin ito kay Ronin, pero gagi pati boses talaga bet ko rin. Namula yata ako!

"Oh! Okay, sasabay ako kay Finesse." Tumango lang ito saka umalis. Nakagat ko ang labi ko. "Ingat ka, Alana!" Pahabol pa ni Gianne sa kaibigan. Alana?

"Alana?" bulong ko kay Ronin.

"Type mo?" Tumaas ang kilay niya. "'Wag ka ro'n."

"Bakit? Kilala mo?" Naalala ko ang tinging binigay nu'ng babae sa kaniya kanina. "Hoy kilala mo? Pakilala mo ako!"

Nakita ko ang pagkibot ng labi niya at tinapik niya rin ang pisngi ko bago siya nagkibit-balikat. "Alanganin ka ro'n."

Ah, straight ba? O ex niya? May ex ba 'to?!

Pagkatapos magpalitan ng number si Gianne at Hadri, kung saan kating-kati akong kunin din ang number ng kaibigan niyang si Alana pero hindi na, sigurado akong magkikita pa kami, bumalik na kami sa upuan namin, nakailang bote pa kami bago napagpasyahang umuwi, hindi na binalikan ng jowa si Jacin kaya ayan umiiyak ang gaga habang umuuwi kami, bugok talaga ang Jonas na 'yon.

Hindi pa namin mapatahan kaya hinayaan nalang namin.

Nang magbakasyon ay kani-kaniya kaming uwi sa probinsya namin, nakisabay ako sa pag-uwi ni Hadri para makatipid na rin, buti nga at bibisitahin niya ang daddy niya, balak niya kasi ay sa manila na dumeretcho pero hindi niya pa rin matiis hindi bisitahin ang daddy niya, at alam ko rin na inaalala niya rin ako ngayon kasi nakasanayan na naming sabay kami umuuwi rito, pasimple pa, concern din naman.

Binaba niya ako sa Dapit-hapon bago siya dumeretcho sa resort nila na hindi kalayuan dito.

"Take care, call me when you need something."

"Ikaw rin tanga, sige na umalis kana nga para hindi ka gabihin pa-maynila." Ginawa namin ang handshake namin bago kami tuluyang naghiwalay.

Langhap ko kaagad ang sariwang hangin ng baryo.

Finally.

Fresh air.

"Gali! Sa wakas!" Bati kaagad ni Ate Rica, nagbabantay sa entrance ng resort.

"Magandang umaga, Ate." Kumaway at ngumiti ako rito.

Magsasalita pa sana ako nang may humintong sasakyan, tumabi ako kaagad, summer kaya expected na maraming turista.

"Ay teka, 'yan na yata 'yung binilin ni Ma'am Marlene na bisitang darating."

Natawa ako ng mahina, pinapaliwanag pa, hindi na nasanay 'yan si ate, feeling niya turista rin ako kahit dito ako lumaki, alam kong punuan sa resort na 'to kahit mahal ang gastusin sa lahat, worth it naman kasing magbakasyon o mag-outing dito, napakaganda ng dagat, ng buhangin, lahat napaka sarap tignan. Kaya ayan kapag may bisita rito, talagang VIP ang trato.

Habang inaantay si Ate Rica ay nilalaro ko ang susi ng shop sa kamay ko. Sa souvenir shop na rin kasi ako natutulog at parang maliit na bahay ko na rin.

Nasa manila ang mama ko, nagtatrabaho, pareho kaming kumakayod para naman kahit papaano ay may mapundar kami, hanggang ngayon ay wala pa rin kasi kaming sariling bahay at lupa.

Itong souvenir shop ng lola ko ang naging bahay namin ni mama noon, mabait si Ma'am Marlene at hindi kami pinapaalis dito.

Nagulat ako nang mamukaan ang babaeng bumaba sa sasakyan. Kinailangan ko pang dumungaw para masigurado.

'Yung babaeng natipuan ko sa party! Hindi ka nga nagbibiro, Lord?! 

"Lika silong ka muna iha! Sandali, lista ko lang muna pangalan mo, ha?"

Nagkatinginan kami nu'ng babae. Ang ganda talaga gagi tapos 'yung amoy pa, amoy...amoy 'di ko ma-afford, sa mamahaling brand yata nabili. 

Kumunot lang ang noo niya nang makita ako tapos ay kinausap na ulit si Ate Rica nagtatanong kung may binebenta bang sunblock malapit dito.

"Mero'n! Mero'n! Dito ka sama ka kay Gali at magbubuksan na 'yan ngayon!"

Napatayo ako ng deretcho, ano raw?

"Po?" kako kaagad, 'di ko kasi nasundan kakatingin ko sa ganda ng babaeng narito.

"May benta kang sunblock diba, inayos ko na mga paninda mo ro'n nung isang araw pa, 'yung natira sa pinadala mo abot ko mamaya."

Ah, nagpasuyo na rin kasi ako i-restock 'yung ibang items sa tindahan, tapos 'yung mga souvenirs naman ay maintenance lang ang kailangan.

Napangiti ako kay Ate Rica. "The best ka talaga ate, salamat." Napa thumbs-up pa ako sabay baling sa babae. "Nando'n lang yung pwesto ko, punta ka nalang kung bibili ka."

Tinignan niya muna ako saglit bago tumango.

Muntik na akong matawa habang sinusundan siya ng tingin. Snobber pala si Ante mo.

Pero hindi 'yan, feel ko, 'pag lasing hindi naman siya snob. Pinansin niya naman ako noong nabunggo ko siya, nag-thank you pa nga, diba?

Excited ako umuwi dito sa Dapit-hapon dahil sa baryo life ko pero parang putspa, excited din akong makita siya rito!

******

Okumaya devam et

Bunları da Beğeneceksin

358K 9.9K 39
Anthea Louise Vergara is a well-known prodigy who obtained a bachelor's degree in Accountancy at Oxford University. She is also The Most Outstanding...
1.1M 34.6K 65
Katarina Rachelle San Juan- three words to describe her: cold, hearted bitch. Bagaman, kilala siyang isang bully at maldita sa kanilang campus, lahat...
38K 2.5K 40
In our world full of desires, countless wishes are made and greediness may occur. It may be done out of selflessness or with ill intent. Do you beli...
206K 10.7K 31
"I didn't know that it was fate all along. Seeing you every day made me remember the pain I buried in the past. However, being this close to you made...