KAHIT MASAKIT NA
dedikasyon para kay Eldon Jay Pineda
Pinagtataksilan na ang sarili
Ikaw ay patuloy kong pinipili
Sa mga kilos mo’y napapatili
Magpahanggang ngayo’y nanatili
Nasaksihan ko na ang pagtataksil
Sa akin ay muntikan nang kumitil
Nararamdamang ako ay inutil
Nagpapatuloy, hindi ka mapigil
Puso ay hindi kayang kalabanin
Hinahayaang ako’y paluhain
Basura mo man ako ay tratuhin
Ako’y bulag, hindi na lang titingin
Kahit sa pighati ma’y tinatangay
Sa iyo’y iibig pa rin nang tunay
Lumipas ang oras, ako’y nasanay
Ikaw ang hininga, ang aking buhay