War Has Begun (War Series #1)

بواسطة overthinkingpen

397K 17.3K 5K

PUBLISHED UNDER KPUBPH Copies are available via Tiktok Shop and Lazada. Please visit KPubPH on their Facebook... المزيد

War Has Begun
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
End
War Has Begun
ANNOUNCEMENT: Book Publishing
Pre-Order for Published Book

Chapter 5

9.3K 393 94
بواسطة overthinkingpen

#war1wp

Chapter 5

Trash

If I was asked if I liked Jadon, the answer would be a definite yes.

Sa Torrero University, no'ng senior high school kami, marami nang sikat na mga estudyante dahil sa guwapo, mayaman, at sikat. Isa na ang magkakaibigang Jadon, Hiel, Adonijah, at Asiel doon, isama pa ang dalawa nilang kaibigang babae na sina Hanani at Ida Mishal.

They are from St. Agatha University, one of the famous schools in the country. Higher year sila sa amin ng isang taon. Kahit na magkaka-iba ng strand ang magkakaibigan, nanatili pa ring buo ang grupo nila at madalas pa rin kung magsama-sama sa iba't ibang events o 'di kaya ay travels.

They became famous because of Ida Mishal who has established a strong online presence on social media. They didn't mean to get famous, but when people saw how attractive and perfect their group was, people started idolizing them. Bawat galaw nila, gustong subaybayan ng mga tao.

T'saka lang naghiwalay ang magkakaibigan ng university nang pumasok sila ng college. 

I've known Jadon even before he knew me. Kung isa lang silang sikat na boy band, I'd say that my bias was Jadon Marcus Melgarijo.

Kung bakit ko s'ya nagustuhan, hindi ko matukoy ang pinakadahilan kung bakit dahil maraming bagay tungkol sa kan'ya ang nakapukaw sa atensyon ko. I liked him because he looks so neat and polished. Parating maayos ang buhok at hindi nagugulo. Parating simple kung manamit pero sa tindig pa lang, tingin, at mga ngisi na nakikita ko sa mga pictures at videos mula sa mga kaibigan n'ya, halata nang mayaman kahit na hindi nagyayabang.

He has this rich-vibe that I found really attractive. Hindi dahil sa mayaman s'ya pero dahil sa hindi n'ya 'yon ipinagmamalaki sa lahat. 

He looks cocky especially when he's smirking but with the times that I've watched Ida Mishal's videos of him, I've noticed that he isn't really bragging about the things he has. Ang mga kaklase ko, sa tuwing may bagong phone o 'di kaya ay nakakapunta sa mga mamahaling lugar, they would always post pictures and brag it on social media.

But Jadon and his friends aren't like that.

If I was asked if what I felt about him was serious, the answer would be no. I think that I just had a small crush on him. Oo, s'ya ang inaabangan ko sa mga videos ni Ida Mishal online, pero kung iisipin ko kung may pag-asa bang maging kami, I'd say that it's impossible.

Sikat si Jadon Marcus Melgarijo. Mayaman. Ang daming magagandang babae na sikat din at nasa parehong estado ng buhay n'ya ang nagpapahayag na crush nila si Jadon. I don't think I'd be able to reach someone like that.

Not until I visited St. Agatha University during its foundation week when I was still in Grade 11. 

Napalibot ang tingin ko sa kabuuan ng St. Agatha University. Like what people usually say, this university is very sophisticated and elegant. Neutrals ang kulay ng mga buildings, mostly white, giving a clean look for the whole university.

Mula pa no'ng pumasok kami hanggang sa nasa loob na ng university, hindi ko pa rin mapigilan ang nararamdaman kong parang hindi ako nababagay sa lugar na 'to. Dahil sa puting kulay ng mga buildings at kahoy na mga pintuan, open fields, at ang simple pero eleganteng uniforms ng mga estudyanteng nag-aaral do'n, halatang prestihiyoso at puro mayayaman ang nag-aaral sa unibersidad. 

"Aiah!" Tawag ni Kamille sa akin nang tumigil ako sa paglalakad para ilibot ang tingin ko sa paligid. I looked at her and I caught her frowning at me, nauuna sa paglalakad at tinatawag ako dahil nagawa ko pang magmabagal ng paglalakad. "Come on! Baka mawala ka pa," tawa n'ya.

Umirap ako at lumapit, nakangisi sa kan'ya. Soot namin ang uniform ng Torrero University nang pumunta rito dahil excited kaming bumisita sa mga universities at dito agad dumiretso pagkatapos ng klase.

"Totoo nga ang sabi nila. Maganda rito, parang maaarte ang mga estudyante," nakangiwi kong sabi, nagbibiro ng panlalait sa mga nandoon. "The students here look privileged. Parang mga batang spoiled parati. If I studied here, I'd probably puke every day because of disgust," I blabbered, not really thinking about what I was saying.

Bukod sa mahal na tuition, mukhang mayayaman din ang mga nag-aaral dito. Ang dami kong nakitang mga babaeng naka-branded na bag at parang artista ang mga ayos. Nakakulot pa ang buhok ng ilan. There's nothing really wrong with that. I was just really joking. Siguro medyo nakakaramdam din ako ng kaunting inggit dahil sobrang privileged ng iba. They can do the things I want to do without worrying about other things.

Agad akong minura ni Kamille at pinatahimik.

"'Wag ka ngang magsalita nang gan'yan!" Saway sa akin ni Kamille, hindi nagustuhan ang biro ko. "Puro taga-SAU ang nandito, baka gusto mong bumalik bukas sa Torrero na bugbog-sarado."

Napa-irap ako. Totoo naman eh. Pang-mayaman talaga ang St. Agatha University. Ganoon din naman ang Torrero University pero marami ang scholars sa amin kaya halu-halo na ang social classes. Dito, parang isinumpa ako kung isa 'kong mahirap.

Nagpatuloy ang pangangaral sa akin ni Kamille. Foundation day kasi ng St. Agatha University kaya open gate sila ngayon. Malayang nakakalibot at nakakapasok ang mga taga-labas para maki-celebrate.

Nagkalat na ang mga booths sa paligid. Tulad ng sinabi ni Kamille, nagkalat din ang mga estudyante ng SAU pero madalas din akong makakita ng mga taga-Torrero at taga-ibang universities.

"I don't really care," I said, shrugging.

Napa-iling si Kamille. "'Wag mo akong masyadong lalapitan. Baka kapag may nakarinig nga sa'yo at awayin ka, madawit pa ako," sabi n'ya bago ako nilayuan.

Napatawa ako at dahil hindi nakatingin sa dinadaanan, hindi ko na napansin na mayroon pala akong nabangga.

Nagsinghapan ang mga taong nakapaligid at mayro'n pang ilan na napatili. Naramdaman ko ang pagtapon ng kung anong mainit sa binti ko at agad akong napapikit. Dinig na dinig ko rin ang pagpatak ng likido ng mainit na inumin sa sementadong sahig ng grounds at ang pagtalsik ng ilan noon sa binti ko sa bawat patak.

I cursed under my breath and looked at my skirt. I saw the coffee slowly staining it.

"Ano ba 'yan?" Galit na sabi ko nang ma-realize kong natapunan ng inuming dala-dala ng nakabangga ko ang damit ko.

I looked at who it was at agad akong natigilan. Pinapagpagan ng lalaki ang kan'yang polong suot-suot. Malinis na naka-ayos ang buhok n'ya pero nalaglag ang ilang hibla nang yumuko s'ya para punasan ang sariling polo na maraming nabuhos na inumin. Hawak-hawak n'ya sa kanang kamay ang kapeng tingin ko ay binili pa mula sa isang sikat na cafe sa tapat ng SAU.

Gusto ko pa sanang magreklamo at pagalitan s'ya pero parang may bumara nang kung ano sa lalamunan ko.

Agad akong napamura sa isipan ko. 

This is Jadon Marcus freaking Melgarijo! I'm sure of it! Because I've been crushing on him for quite a while now!

When he raised his head and looked at me, halos mawalan ng hangin ang baga ko dahil sa ganda ng mga mata n'ya. His eyes remind me of the color dark blue kahit na sumisigaw ng kulay dark brown ang mga mata n'ya. Dark yet classic and elegant. Pakiramdam ko, may diyamanteng lumitaw sa harapan ko. That's how expensive he feels like!

Sa may mestizong balat at maayos na buhok, parang isang malaking pagkakamali talagang nabuhusan ng kape ang damit n'ya. I feel like I've committed a crime!

I gasped and looked at his polo. Tumutulo pa ang kape mula sa polo n'ya! Agad akong namula.

"Miss," Jadon said, looking straight into my eyes. 

I looked at his eyes and realized that he doesn't look mad. Pero kahit na gano'n, hindi ko mapigilang makaramdam ng kaba. 

I've watched some of his friend's videos of him. He's quiet yet playful at times. Elegante parati kung tumingin, kumilos, at magsalita.

He's not like the guys I mostly meet; 'yong mga lalaking malaki ang ibinubuhos na effort para magmukhang cool sa mata ng ibang mga tao. Jadon Marcus has smoothly and effortlessly shown his boyish and chill vibe.  

"Wala ka bang mata?"

My jaw dropped. 

What did he freaking say?

Parang may isang picture frame ang nabasag sa harapan ko nang marinig ko ang tanong n'ya. Napatulala ako kay Jadon dahil hindi ako makapaniwala sa itinanong n'ya sa'kin na para bang ang mga salitang 'yon, hindi ko inakalang lalabas sa mga labi n'ya.

"What?" Hindi makapaniwalang tanong ko.

Jadon stared at me, nothing but innocence is written all over his face. He isn't mad, amused, or playful. He's just staring at me like what he said was just understandable.

"I asked you if you don't have eyes."

He even had the audacity to really repeat what he just said!

"Sir," I said, gritting my teeth. "Ikaw ang bumangga sa akin."

When his eyes finally showed emotion, I felt my rage rising up because of it. He looked at me with insult written in his eyes. He smirked and looked at me from head to toe.

"Torrero pala," anito at may halong insulto sa boses.

What does he mean by that?

"What?" Bayolenteng tanong ko.

"No wonder I heard someone speak trash about St. Agatha," he mumbled but enough for me to hear. His eyes turned dark for a split second and his smirk showed up again. 

"Bastos ka, ah!" I told Jadon at nagsimula nang pumalibot ang nakiki-usyoso sa amin. Narinig ko ang mga bulungan at ilang mga pito sa kung saan, tila naaaliw na sa nangyayari. "Bawiin mo ang sinabi mo," I commanded.

Jadon stared at me with his disgusted face. 

"It's true, though," he smirked. "Why are you getting mad if it isn't true?"

"You prick—"

"Aiah!" I heard someone call.

Napatingin ako sa kung sino 'yon at nakita ko si Adam, nakasuot din ng uniform ng St. Agatha University. He went to me and put me behind him, shielding me from Jadon Melgarijo.

Ang walang-hiyang Jadon na ito! Oo, guwapo s'ya! Oo, crush ko s'ya pero noon 'yon no'ng hindi ko pa alam ang ugali n'yang—walang modo!

"Jadon, what happened?" Tanong ni Adam kay Jadon.

"Bring your woman back to her den, Adam," I heard Jadon say. "Nagkakalat ng baho rito."

"You, dumbf—"

"Aiah!" Humigpit ang hawak ni Adam sa akin at natahimik ako dahil doon. "Jadon, what did she do to you?"

Hindi makapaniwalang binalingan ko si Adam.

"What?! Bakit parang ako pa ang nagsimula?!" Galit na tanong ko at muling hinigpitan ni Adam ang hawak sa akin para patahimikin ako. "Don't touch me!" Piglas ko sa kan'ya.

"Don't bring her here again. If she's here because she wants to talk trash, you better take her away. She doesn't belong here," anito at agad akong natigilan.

Did he hear us a while ago?

Natahimik ako at masamang tiningnan si Jadon, hindi mapigilang mas magalit dahil sa natapakang pagkatao. Narinig ko ang bulungan ng mga estudyante. May ilan nang kumukuha ng litrato at agad akong nairita. Nagtago ulit ako sa likuran ni Adam.

"Aiah, apologize," sabi ni Adam at agad akong napatingin sa kan'ya nang nakakunot ang noo.

I admit that I was wrong! Alright! Pero talaga bang kailangan magsalita ni Jadon nang gano'n sa'kin? And if that's the reason why he's mad, sinadya n'ya bang banggain ako at buhusan ng kape?

"Why would I?" I exclaimed, my pride taking the best of me. Nakita ko ang pagsapo ni Kamille sa noo n'ya at ang pag-iling dahil sa disappointment. "He basically insulted Torrero and even called me trash! Sinadya n'ya ring buhusan ako ng kape! You're even the son of SAU's chairwoman, but you're like this!" I told Jadon and he stared at me.

I can read his expressions well. He thinks I'm foolish. And it made me feel lower because I know he kind of has a point.

"Aiah!" Galit nang sigaw ni Adam kaya natahimik ako.

Namuo ang luha sa mga mata ko pero hinding-hindi ako iiyak sa harap nila. 

"Bumagsak ka sana sa exams!" Galit na sigaw ko sa kan'ya bago umirap at umalis doon, not really minding if I sounded immature.

Umiinit ang mga pisngi ko dahil sa galit at sa pagkapahiya. What the freaking hell, Aiah? Is it really that hard for you to bow down and apologize?

But a part of my egoistic mind is telling me that I could've apologized if Jadon hasn't said harsh words too. Alam ko nang mali ang sarili ko pero ipinipilit pa rin ng utak kong ako ang nasa tama.

If he hasn't been rude, I could've treated him better!

If he didn't purposely pour his drink on me as an act of immaturity, I could've apologized smoothly!

"Hindi sana masarap ang ulam mo mamaya," galit na bulong ko habang lumalabas na sa St. Agatha University, punong-puno pa rin ng galit at pagkapahiya.

My mind can't stop cursing him because of my bruised ego. I'm even starting to believe that he isn't the Jadon I admired from his friend's videos and pictures. He's too far from the guy I thought he would be. And I swore I would never like him again. Now that I know how he is, I wouldn't like him. 

Galit kong nilisan ang St. Agatha University no'ng araw na 'yon at ipinangakong hinding-hindi na ulit ako tatapak doon kung maaari. Hangga't nando'n si Jadon, hinding-hindi makikita ang pagmumukha ko sa university nila.

I swear. Over my dead body.

واصل القراءة

ستعجبك أيضاً

209K 2.9K 24
[ PUBLISHED UNDER LIFEBOOKS | Wattys 2019 Romance Winner ] THIS STORY IS INCOMPLETE. THE PUBLISHED BOOK IS AVAILABLE IN BOOKSTORES NATIONWIDE. For P...
254K 12.3K 44
War Series #2: Hiel Sebastian Lara Cervantes Pretty, kind, and friendly, Rinnah Selene Jimenez is always loved by the people around her. In the proce...
7.4K 1.2K 17
Tuwing Biyernes ay may nakukuhang sulat si Anna sa labas ng kanilang bahay mula sa isang taong nagngangalang Rafael. But in her seventeen years of ex...
326K 14.1K 40
Bad Girls Series #2: Zenica Alameda Madalas na hindi natin napapansin ang mga bagay na nakapaligid sa atin dahil nakatutok ang atensyon natin sa iban...