Sorry guardian angel. Wag mo ko iwan...

"Apakasama mo David! Sobrang bad mo!" nakanguso kong saad habang tawa ito ng tawa. May driver kasi siyang dinadala.

Nakasimangot ako hanggang sa makarating kami sa puso ng bayan kung saan ang Munisipyo nila at ang naggagandahan at makukulay na fountain. Agad na pinalibutan kami ng security details ni David at ginawan ng daan patungong entablado. Inaalalayan ako ni David sa paglalakad... Wow bongga! May mga kumukuha ng pictures namin o ni Mayor lang pero syemore photobomer ako kaya smile ako lagi. Mahirap na... May nagbigay ng upuan sa amin sa may mesa sa gitna ng stage. Sa may gilid ako ni David.  Babatiin ko sana ang isa pang katabi ko ng magulat ako ng makita kung sino ito. Blanko at malamig ang expression nitong nakatingin sa harapan. Sa kabilang side nya ay naroon ang ngiting ngiting si Ms. Quirubin na napakaelegante ng kasuotan. Hala siya? Buti na lang semi formal lang hinanda kong damit nya!

Nagpatay malisya ako. Binalingan ko si David na busy sa kakangiti at kaway sa mga supporters nya... bago nya ako binalingan. Tumungo ito at inilapit ang mukha sa tenga ko... Binulungan pa nya ako kung okay lang ako. Sinabi ko sa kanya na ayos lang.

"Andyan kasi yung crush mo...na crush ka..." bulong tukso nito sa akin habang may mapaglarong ngiti sa mga labi. Abala na kasi ang lahat sa pakikinig sa local na bandang na nagpeperform kaninang pagdating namin.

Kinurot ko siya sa tagiliran at ang OA kong kaibigan ay nag" Aw" ng medyo malakas kaya napabaling tuloy ang atensyon ng mga nakarinig sa amin. Ngumiwi lamang ako at ngumiti. Nagpanggap na alalang alala ako rito kahit gustung gusto ko na syang pilipitin at isampay!

Plus ramdam na ramdam ko pa ang mabibigay na tingin at tila nakakasugat iyon sa akin ng isa ko pang katabi. Pakiramdam ko tuloy may malaking pagkakasala akong nagawa. Nakakaloka!

Hindi naman nagtagal ay tinawag na si David para sa isang maikling speech. Proyekto pala nya ang Dancing Fountain at ang kalahati ng gastos nito ay sinagot niya para lang magtapos at maging tourist attraction ng bayan. Tama nga naman siya... Mas maraming turista... Mas maraming opportunities para sa mga locals na magkaroon ng pagkakakitaan... Ng matatapos na ang speech ni David ay sumingit ang emcee.

"Mayor... May katanungan nga pala ang mga taong bayan... Mangyari lamang ay pakisagot nyo... Lalo na at karamihan ay ang mga kadalagahan ang nahihiwagaan..." ngumiti naman si David sa emcee.

"Sure, Jean" nakangiting sagot nito. Nakakaproud talaga ang kababata kong ito!

"Single pa rin ba ang status ni Mayor? O ang magandang binibini pong kasama ninyo ngayon ang future First lady ng bayan na ito?" nanlalaki ang mga mata ko ng marinig ang tanong na iyon kay David. Hala siya!

Napatingin ako sa alaga ko ng bigla nyang mariing hinawakan ang kaliwang kamay ko. Tumayo ito kaya napasama ako. Naramdaman ko ang pagsunod ng mga tingin sa amin ng lahat. Hala...hala...

"See, she's my special friend since ages. And may ibang lalaki ang naiibigan syang gawing first lady... Mali... Lady of the house pala. At may iba akong napupusuang gaeing first lady" dinig ko pang birong sagot ni David na ininatili ng madla.

Habang ako naman ay walang nagawa ng sapilitang isakay ng alaga ko sa sasakyan. At walang sabi-sabing pinasibad nito iyon palayo sa lugar na iyon at halos natawag ko ang lahat ng santo hanggang sa ihinto nito ang sasakyan sa basement parking ng hotel na tinutuluyan namin. Akala ko ay bababa na kami ng bigla itong nagsalita ng pasigaw...

"FUCK THAT BASTARD MAYOR! WE'RE DONE WITH THIS FUCKING GAME! AMELIA! YOU ARE FUCKING MINE! YOU WILL NEVER BE SOMEONE'S FIRST LADY! BECAUSE I OWN THE FUCK OF YOU!" at sa gulat ko ay bigla na lang nya akong hinalikan sa mga labi sa mapagparusang paraan...

At napapikit na lamang ako ng marinig ang mga pamilyar na kalampagan at kalabog sa sistema ko... Nabubuang na ata ako...

Sinubukan kong gayahin ang mga ginagawa nya na nagpatigil dito saglit at ramdam ko ang hiya ng gumuhit ang ngiti sa mga labi nito... Pero... Ako mahihiya? Sus! Kaya sinagot ko ang mga sumunod nyang mga halik... Kala nya! Competitive ako!

Mother Superior ... Sorry po ulit... Pero hindi ko po mapigilan e. Ang sarap po nyang humalik... Sorry po...

At ng tuluyan na niyang pinutol ang mga halik niya ay parehong habol na namin ang aming hininga. Nakasandal ang noo nya sa akin at hawak parin niya ang kanang panga ko at ang batok ko.

Ang mga kamay ko ay di ko pala namalayang nakakapit na sa coat niya
... Ihhrr...

"Let's go upstairs, Amelia. And do me a favor. Lock your door... Sweet Jesus... Baka hindi na ako makapagpigil sayo..." bulong nito sa akin na hinid ko maintindihan masyado dahil invested pa ako sa halikan namin.

At sa gustung gusto kong itanong na bagay sa kanya ngayon... Na hindi ko na pinalampas pa...

"Boss... Jowa na ba kita?"

Stavros 8: Let You Goحيث تعيش القصص. اكتشف الآن