Hay! Feeling ko kahit na mawala ang feelings ko para kay Brixel ay hindi na mawawala ang admiration ko for him, he's really one of a kind. Makakahanap pa kaya ako ng katulad niya? Wait, talaga bang katulad niya ang balak mong hanapin, Kianna Michaela? Oh great! Mukhang wala ka naman talaga atang balak na magmove on.

Napahilamos pa ako sa mukha ko dahil hanggang sa ngayon ay si Brixel at si Brixel pa rin ang naiisip ko.

I took a sigh.

Sayang.

Saturday and it's my rest day. Tamad na tamad akong kumilos at gusto ko lang humiga buong araw pero hindi naman pwede dahil kailangan ko rin maggrocery dahil wala na akong kakainin at isa pa ay kailangan kong bumili ng laptop dahil 'yong laptop pa na ginagamit ko ay pinahiram pa sa akin ni Andrea at ngayon ay tuluyan nang namaalam.

I just wear a simple plain white shirt and a ripped jeans then I pair it with a white sneakers. Kinuha ko ang sling bag ko at sumakay na kay Ratel, 'yong Ford Everest ni Brixel.

"Hi Ratel. How are you?" pagkausap ko pa sa kotse na akala mo ay may kakayahang sumagot sa akin.

Medyo traffic kaya inabot ako ng 30 minutes sa bago makarating sa pinakamalapit na mall sa bahay. At oo nga pala, last week ay nakalipat na ako sa bahay na nabili ko kay Chester.

Hindi pa ako naglalunch kaya kumain muna ako sa isang fast food bago pumunta sa cyber zone at huli ko nang pupuntahan ang supermarket para maggrocery.

Papasok ako sa isang gadget shop nang may namataan ako.

Si Yua ba 'yon?

Kakalabas niya lang sa kabilang shop.

I don't know pero nagmadali akong pumasok sa loob ng shop para hindi niya ako makita. Dahan-dahan akong lumingon para tignan siya muli.

Para saan ang pagtingin, Kianna?

Grabe! Ngayong napapalibutan siya ng mga bodyguard ay malalaman mo agad kung gaano siya kataas. She's very sophisticated, elegant. And Brixel is such a lucky man. Hindi mapigilan ng mga nadadaanan ni Yua na lingunin siya. Para siyang kumikinang at imposibleng hindi siya makita. Sa front glass window nitong shop ay nakita ko ang reflection ko.

I'am nothing compared to Brixel's fiancèe.

Balak ko na sanang ialis ang tingin ko kay Yua na nasa katapat na shop nang makita ko kung sino 'yong lunapit sa kanya.

My heart aches.

Parang gago naman! Bakit naman ganito ang tugtog ng shop kung nasaan ako?

And I saw you with her
Didn't think you'd find another
And my world just seemed to crash
Shouldn't have thought that this would last

And maybe that was the biggest mistake of my life
And maybe I haven't moved on since that night

Imbis na bumili ng laptop ay agad akong nagmadaling makalayo roon at magtungo sa restroom.

Sa loob ng cubicle ay hinayaan kong tumulo ang mga luha ko.

Ang sakit pa rin pala? Sobrang sakit pa rin pala? It's been years pero 'yong sakit parang kahapon lang.

Huminga ako nang malalim at inayos ko ang itsura ko tsaka lumabas ng restroom.

Mukhang tama ngang desisyon na hindi na lang ako umalis ng bahay? Kaya siguro tamad na tamad ako ngayong araw. Pero teka! Bakit sobrang liit ng mundo naming tatlo?

Chasing Lifetime (Chasing #5)Where stories live. Discover now