CHAPTER 1

152 21 3
                                    

MON'S POV

"Sandali!!!..."Hinihingal na ani ni Joan habang napapapahawak pa ito sa kanyang mga tuhod."pagod nako magpahinga muna tayo sandali..."Usal nito at naupo sa malaking ugat ng kahoy.

"Sige, dalawang minuto para sa pahinga at tutuloy na tayo sa ating lalakarin..."Ani ni Leel.

Wala sa sariling linapag ko ang aking bag pack sa dahonan at sumandal sa malaking kahoy na nasa gilid ko.

"Alam niyo mga teh! Kinukutuban nako eh!" dinig kong usal ni CJ habang yakap-yakap amg sarili at pagkuwa'y lumilinga-linga sa paligid.

"Tch! Gutom lang yan!..."Biro ni Raven.

Hindi nako sumiksik sa usapan nila ibinaling ko na lang ang aking atensyon sa mapang hawak-hawak ko.

Malapit na kaming makarating sa pupuntahan namin....

"Hoy!"Nagulat ako ng bigla kong marinig yun. Agad akong nag-angat ng tingin at nakita ko si CJ.

"Bat ang tahimik mo teh? Broken ka noh?!"Biro nito.

"Oh!!"Tapon ko sakanya ng mapa.

"Ano toh?"

"Mapa..."

"Hindi yun ang ibig kong sabihin ano!"Maarteng usisa nito at iiling-iling na tiningnan ito."Malapit na pala tayo oh!.."

"Mmm..."Tipid na pagsang-ayon ko.

Pagkatapos ng dalawang minutong pagpapahinga ay nahsipagtayuan na kami at tumuloy na sa paglalakad...

Ilang oras narin kaming naglalakad ng matanaw namin ang isang malaking bakal na gate. Agad kaming nagtungo roon. Sigurado akong ito na ang daan papasok.

"Bakit walang guard?!" Biglang usisa ni CJ.

Inuga-uga ko ang gate at baka sakaling may makarinig at papasukin kami. Wala na kaseng ibang daan at ito na ang pinakadulo. Ilang minuto pa kaming naghintay roon at maya-maya pa ay natanaw ko ang isang matandang lalaking papalapit sa kinaroroonan namin. Dali-dali nilang inayos ang kanilang mga sarili at ibinaling ang atensyon sa matandang papalapit samin.

"Magandang araw ho..."Bati namin sa matanda ngunit hindi man lang ito sumagot at mabilis na hinugot ang susi sa kanyang bulsa at binuksan ang Gate.

"Pasok kayo..."Seryosong usisa nito.

Kung maririnig mo nakakatakot ang boses ng matandang ito...isama mo pa yung masamang tingin niya samin...

Unti-unti kaming humakbang papasok...

"Teka...nasan si CJ?"sabat ni Leel.

Liningon ko ang nasa likod ko at nakita kong nasa labas parin siya ng Gate.

'Ano iniisip nito?!

"Hoy! Halika na rito!"Si Joan.

"Nakacivilian kase ako!"maarteng usisa nito.

"Tanga! Ang dami mong arte! Bahala ka dyan!" Sabi ni joan.

"Nandyan na!"Natatakot na sabi ni CJ at pakembot itong naghabol samin.

Nang tuluyan na kaming makapasok ay ganun na lamang ang pagkamangha ko ng makita ang nasa harapan ko binasa ko ang nakasulat roon...

WELCOME TO DEVIL UNIVERSITY

"Wow!!! Ang bongga nito..."Masayang sabi ni Joan.

"Anong bongga ka dyan! Nakakatakot nga eh!"Si CJ.

Devil UniversityWhere stories live. Discover now