Naabutan namin si Castriel na topless at basa, mukhang kakaahon lang sa pool. May isang babaeng may hawak na shotglass at lemon ang lumapit sa kaniya.

The people around them cheered. Umupo sa isang wooden lounge chair si Castriel at pumunta naman ang babae sa harapan niya. The girl started to pour the liquor on his shoulder. Agad iyong tumulo pababa sa dibdib ng lalaki.

“Body shot for the birthday celebrant!” someone shouted. They cheered again. The girl crouched and started licking the liquor on Castriel’s shoulder down to his chest. Mas nag-ingay ang mga tao at natatawa lang na hinawakan ni Castriel ang bewang ng babae.

Napangiwi ako at nag-iwas ng tingin. Nasaan ang mga kabanda niya?

“My god! The girl is so lucky!” kumento ni Mallory at bahagya pa akong hinampas sa braso.

“Seriously, Mallory?” ang tanging nasabi ko. Humagikgik siya at pinanliitan ako ng mata.

“The girl is really lucky! Imagine giving the lead guitarist of the Ludic Selcouth a body shot?!” Kinunutan ko lang siya ng noo at umiling-iling. 

“Rush also wants a body shot!” I heard the familiar baritone voice of Zath Accardi. Agad akong napabaling sa kanila at nakitang magkaakbay sila ni Rush, para nilang sinasakal ang isa’t-isa.

The girls squealed. Kaniya-kaniya na silang volunteer at panay lang ang halakhak ni Zath. Baliw din talaga ang isang ’yon.

Kinagat ko ang labi habang pinagmamasdan sila. Castriel already stood up while holding the woman beside him. Tinapik niya muna sina Zath at Rush bago pumasok sa loob ng bahay. 

“Urgh! Castriel already left with the girl!” pag-aalburuto ni Mallory at nakatingin pa rin sa dinaanan nina Castriel.

Hindi na namin kasama si Hexon at mukhang nakihalo na sa iba. Sumimsim na lang ulit ako sa red cup na hawak habang nakamata pa rin kina Rush. It seems like they’re still joking with the people because they keep laughing.

“Tara, lapitan natin!” aya ni Mallory, tinutukoy sina Zath. Nang mapansin kong may mag-aabot na naman ng tequila sa isang babae para sa nagbabantang body shot ay wala nang pag-aalinlangan na nagpahila ako kay Mallory.

I suddenly don’t want to witness another body shot.

Napatingin agad sa amin si Zath nang makalapit kami. He automatically smirked and walked towards us. “Alectrona!” he called. Napatigil kami ni Mallory nang salubungin niya kami. Kita ko rin ang paglingon ni Rush sa aming gawi.

“Zath,” I greeted with a smile on my face.

“Nice to see you again! Good thing Hexon brought you two, huh...” aniya at tumingin naman kay Mallory para batiin.

When I looked at Mallory, I saw her judgemental face, eyeing me with suspicion. Right, hindi ko nga pala nabanggit sa kaniya ang unexpected meeting na nangyari sa amin ni Rush at ang pagkakakilala ko kay Zath in person.

I just smiled sheepishly.

“Did you two already eat? Zemira’s on the kitchen. You can eat first,” muling sabi ni Zath at kasabay no’n ang tuluyan na ring paglapit ni Rush.

Our eyes met for at least 10 seconds before I smiled and casually greet him. “Hi, Rush.” Naramdaman ko ang paghigpit ng kapit sa’kin ni Mallory kaya muli akong napatingin sa kaniya, pinanlalakihan niya na ako ng mata.

“Bro, nandito na pala sina Alectrona at Mallory, pinsan ni Hexon. I’m just offering them to eat first,” ani Zath at nakakalokong ngumisi habang pinagmamasdan ako. What’s with that smirk again?

Ludic Selcouth #2: This Song Saved My Life Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt