I sighed. "It's okay. Travis knows. I'll check it now."

"Okay, then!"

Pinatay na niya ang tawag. Ako naman ay binuksan ang cellular data ng phone ko at in-open ang Instagram application. Ni-search ko pa ang username ni Gian dahil in-unfollow nga nitong si Travis sa lahat ng accounts ko.

Nakita ko ang latest post niya, 'yung picture namin sa coffee shop na p-in-icture-an niya. I read the caption.

@benitezgian: My greatest regret in life is letting you slip off my fingers and now I can't have you anymore. But I am happy of what you are, where you are, and who you are with now. :)

"What's that?"

Ipinakita ko kay Travis ang picture, at nakita ko pa ang pag-irap niya.

"Huwag ka na ngang magalit d'yan at okay na nga." I chuckled.

Binasa ko ang comments mula sa kaibigan ni Gian.

@georgiepogi: look at yo friend @tori. juicy chismis

@tori: that's what u get

@georgiepogi: pare, kawawa naman si ikaw. kawawa naman kaibigan natin @mav3rick

@mav3rick: bobo kase buti nga sa 'yo

@benitezgian: @tori @mav3rick @georgiepogi salamat na lang sa lahat

@mav3rick: @benitezgian walang anuman, anong akala mo ico-comfort ka namin ikaw din naman may kasalanan

@benitezgian: @mav3rick tangina mo pakyu @tori pakikausap nga ang kaibigan mong to

@georgiepogi: @benitezgian @mav3rick @tori o p s

And the long comment thread ended there. I'm glad that Gian has friends like them.

"Pinagtutulungan din siya ng friends niya," Travis laughed. "Well, ghosting is really bad. You did that to me before, baby. And I hated you for that."

Tumingin ako sa kan'ya. "I don't regret it, though. It's the right thing to do."

He scoffed. "Whatever. What's important is you're mine now."

I chuckled. Ibinalik ko na sa bulsa ang cellphone ko at patuloy na nakipag-usap sa kan'ya, hanggang sa nag-drive na siya paalis para daw kumain kami ng dinner. Before 11:00 PM ay naiuwi na niya ako sa amin.

***

Travis' last weekend in Zambales came.

Maagang-maaga akong nagising dahil hindi rin naman ako nakatulog nang maayos sa pag-iisip dahil sa nalalapit nang pag-uwi ni Travis sa Manila.

Ipinatong ko ang braso sa mga mata kong nakapikit at tahimik na hinayaang bumuhos ang luha doon.

We must part ways first... I think this is the right decision. Masiyadong mabilis ang lahat para sa akin. Parang... hindi pa rin ako makapaniwala.

Nang maikalma na ang sarili ay bumangon na ako at gumayak na.

Umagang-umaga pa lang din ay nasa bahay na si Travis at sinusundo ako para sa pamamasyal naming dalawa sa Anawagin. Nagpaalam siya sa parents ko na mago-overnight stay kami sa Anawagin at ibabalik din ako kaagad pagkatapos.

He's really a good man. Mahalaga sa kan'ya ang approval ng pamilya ko, at napakalaking bagay noon sa akin.

Nagsuot ako ng kumportableng blouse at short, tsaka rubber shoes. Nagdala na rin ako ng extra clothes at sandals if ever na maisipan niyang mag-swimming. Bahala na.

Unlabeled [Baguio Series #1]Where stories live. Discover now