chapter 7

6 2 0
                                    

PIERCE POV

Kauuwi ko lang sa bahay dahil nga nagtext si mama na sabay sabay daw kaming magdinner,kaya dumiretso na ako,

"Pierce Anak,buti dumating kana,Tara Kain na" alok ni mama

"Sige po ma, magpapalit lang po ako"

sabi ko dito at bumeso Kay mama,matagal ko naring di nakasama si mama dahil sa mga nangyari,matagal narin akong di umuwi dito,pagpunta ko sa kwarto namili lqng ako ng simpleng t-shirt at short,pero bago ko kunin ung short,nakita ko ang  diamond anklet na binigay ni yna sakin,,oo,ako nga si mark austin cabeller,ex boyfriend ni yna,pero ang tunay na pangalan ko ay Pierce delafuerte Anak ng business tycoon na si Percy delafuerte at Sofhia delafuerte,di talaga pera ang habol ko kay yna,dahil may ma's malaking dahilan,

Pagkatapos kong magbihis bumaba na ako

"Pierce anak narinig ko na binisita mo si yna,ano nang nangyari,"
natigil ako sa tanong no mama,

"Ah ayun po ba ano po kasii"
di ko alam kung pano ko sasabihin kay mama

"Anak sige na sabihin mo na,galit parin ba si yna sayo,nasabi mo na ba kung bakit mo ginawa yon?" Tanong ni mama

"Sa tingin ko po galit parin po si yna sakin,nung pumunta po kasi ako dun nagpanggap po sya na di ako kilala,kaya po di ko nasabi sa kanya."

Ayun din ang pinagtataka ko kung bakit kailangan nyang magpangggap na di ako kilala, na di parang di sya nasaktan,Hindi sa ayaw ko syang makitang okay,ang akin lang ayokong makita ung yna na niloloko yung sarili nya.

"Hayaan mo muna sya,hayaang mo munang mawala ung sakit sa dibdib nya"
oo nga ayun muna ang gagawin ko

"Pierce pwede ba kong magtanong?

"Ano po yun ma?"

"Sa loob ng isang taon,minahal mo ba si yna kahit konti lang?"
Tanong ni mama,tinatanong ko rin ang sarili ko kung minahal ko sya,pero maging ako di ko rin alam

"Ma,Hindi po,ang iniisip ko lang noon ay kung pano ko po kaya mababawi,at ang iiniisip ko lang po ngayon ay kung pano ko maibabalik ung dating yna na sinira ko,nagiguilty lang po ako"

"Sige,pero sa tingin ko di mahirap mahalin si yna,ayun nga lang,kahit patas ang mundo,di naman patas a
ng tao,kaya nasasaktan ang mga taong di deserving masaktan  katulad ni yna"

"At dahil po yun sa di patas na taong Tulad ko,kung sana di ko sya ginamit, at nagisip pa ako ng ibang paraan para Mabawi kayo ng walang masasaktan,di sana nya mararanasan to"
pero wala kong nagawa

"Anak,wag mong sisihin ang sarili mo ung impaktang babae ang sisihin mo"

"Sige po ma,tulog na po ako,maaga pa po kong gigising bukas"
paalam ko dito,nang NASA kwarto na ko kinuha ko ang anklet at sinuot iyon,ayon ang lagi kong ginagawa,lagi ko yung pinagmamasdan at sinusuot sa Gabi at hinuhubad ko Naman sa umaga,dahil sa di pako inaantok binuksan ko ang phone ko at para kong sumisilab sa galit ng nakita ko ang nagtext sa cellphone ko,walang iba kung Hindi ang babaeng dahilan ng lahat ng kamalasan sa buhay ko,ang ina ni amethyst si Stephanie stone,

    DI ko alam kung bakit nya ginagawa ang lahat ng to,kung pano nya natitiis na Saktan ang kaisa isa nyang anak

DI ko nalang binasa ung text nya pero may pumukaw sa atensyon ko isa ding text galing sa isang taong minsan ko na ring minahal si nathalia,ang first love ko

On text :
Nathalia:musta na pier (pir) I'm back can we meet?

Napangiti nalang ako sa Nabasa ko

Me: sure,I wanna see you too.

DI ko alam pero ang lakas parin ng tama ko dito Kay nathalie

Nathalia: meet me in Gem's restaurant,see you,goodnight pier.

  Gem's restaurant parang familiar sakin yon,iniisip kong mabuti pero DI ko talaga maalala,
Ilang taon ko ding di nakikita di nathalia,ano na kayang itsura nya ngayon hahahhaha makatulog na nga.


Yna POV

"Amber bat umalis,ung customer natin?" Tanong ko dito

"Ahmm ma'am amethyst,puno na po kasi talaga tayo ehh,tinanong ko rin po sila kung makakapagintay sila ayaw naman po" tiningnan ko kung may bakante pa may nakita akong isa

"Ayun ohh may bakante naman ha"

"Ma'am nakareserve na po yan,nakalimutan lang po lagyan ng sign"

"Ganun ba sige una nako,marami pa kong gagawin"
Bago ko pumasok natigilan ako sa biglang dumating,teka si pierce ba yon,ngayon ba yung araw na titingin
Sya ng food para sa friend nya? Tanungin ko na nga lang,lumapit ako dito

"Pierce-, 

"Pier is that you,I miss you" nagulat ako ng may sumingit na babae na bigla nalang yumakap at humalik sa pisngi nito,bigla nalang kumulo ang ulo ko sa di malamang dahilan

"I miss you too thalia,lalo ka yatang gumanda ah?" Bago pa sumagot ung babae sumingit nako

"Ehemmm" agaw ko sa eksena
Nakita kong nabigla si austin

"Yna ikaw pala?"tanong ni austin

"Amethyst nalang,magtatanong lang sana?"

"Ano bang itatanong mo?"

"Ahmm ngayon mo ba titingnan ung food para sa celebration na gaganapin,ung sa kaibigan mo,ahh sya ba yung kaibigan mo?"
Sasagot na sana sya ng sumabat bigla ang babae

"I don't know kung ano ung tinatanong mo miss pero nagkakamali ka,I'm his girlfriend,got it?" Mataray na sabi nito

"Thalia stop it,ah Hindi ngayon yon,pumunta lang ako dito para makipagkita Kay thalia" si austin

"Ahh ganun ba sige baka makaistorbo ako sa inyo" di ko alam kung bakit kumikirot ung dibdib ko pero nawala agad,aalis na sana ako ng biglang magsalita ung babae

"Miss it's that amethyst" tanong nito

"Ano yon?" Taka kong tanong

"I mean yang suot mo it's that amethyst?"

"Ahh yeah its a gift from my mother" sagot ko dito

"Its beautiful,by the way I'm nathalia torres, and you?"

"I'm Georgyna amethyst stone,nice meeting you"

"Ohh you have that amethyst necklace,and your name is amethyst,and your necklace is stone,just like your surname,your incredible

"I'm sorry but I need to go,I have alot of task today,"paalam ko dito

"Its okay,amethyst,nice meeting you nalang"si nathalia

"Ahmm sige na austin,nathalia,staff ko na bahala sa inyo bye"

di ko na tiningnan si austin para kasing bigla nalang akong nainis sa kanya,nakakabwisit sya,habang nagiisip ako ng kung anu-ano bigla nalang akong tinawag ni amber.




















Turn Me Into Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz