"Balita ko umiiyak ka daw kahapon dahil hindi ka nakapag enroll sa inyong eskwelahan?" masuyong tanong sa akin ng aking ama habang abala ako sa pag hahanda ng pagkain para sa dalawa kong aso.

"Opo, pero tapos na po iyon. Sa susunod na linggo ay maaari pa din ho namang mag enroll. Iyon ang sabi samin ng guro namin!" masigla kong tugon sa kaniya ngunit hindi ko pa rin siya nililingon doon.

Nanatili akong nakatayo habang abala sa pag hahanda ng breakfast ng dalawa kong alaga. Nag handa narin ako ng gatas dahil magandang ipainom ito kapag umaga at healthy din ito. Kahapon ang enrollment namin, 2nd year college na ako. Business Ad ang kinuha ko dahil gusto ko pag laki ko ay magkaron ako ng isang successful na business. Hindi ko naman ito kukunin kung wala itong kinalaman sa business. Ang sabi namin ni Ms. Jane ay hindi maaaring mag enroll hanggat hindi pa kompleto ang pambayad para doon. Kulang na lamang ako ng 500 kahapon ngunit ayaw padin itong tanggapin ni Ms. Jane na siyang nakatoka sa cashier.

Ang mga kaibigan kong sina Alliyah at Ralph ay enrolled na. Hindi na nila ako nahintay dahil atat na atat na daw silang pumasok. Ang katuwiran ni Ralph ay madami daw chicks sa unang pasukan. Natawa naman kami dahil doon sa sinabi niyang iyon dahil alam naming hindi pa siya allowed magkaroon ng kasintahan kahit 19 na siya. Ang rason ng kaniyang mga kapatid na babae ay baka daw makabuntis ito. Poor him. Si Alliyah naman ay malalagot sa kaniyang ina kapag hindi pa siya agad nag enroll. Natakot siguro ang Ina nitong magamit ang pera pang enroll sa pag sashopping na naman nitong si Alliyah. Hay nako! Mall lover ka, mars?

Matapos mapakain sina Loui at Jaish ay pumasok na agad ako sa aming bahay. Ang tindi ng sikat ng araw parang mabubutas ang balat ko. Isa pa man din sa inaalagaan ko ay ang aking mukha. Naniniwala kasi akong walang katulad o kahawig man lang ang facial features na meron ako kaya dapat alagaan ng 101%. Ilang araw na lang ay magpapasukan na naman, kung noon ay namumutawi sa akin ang kaba sa first day of school ngayon ay ganado na ako at excited! Gusto ko ng makita ang mga bago at dati kong kaklase! Nananabik akong makipag usap at tanungin kung kumusta na ba sila? Ilang buwan din kaming hindi nagka kita kita at nagka usap usap kaya tiyak na miss na miss ko na sila.

I am currently studying in Solar University here in Lalagalo. It is surrounded by city lights that shines throughout the city! I grew up here so probably I would love to die here too! I love to watch the different colors of lights from afar, it is more like a dancing stars for me that light up the darkness phase in my life. I am living with my two dogs which I considered as my family too! Also, I am living with the judgements of others. It feeds me to become super maarte and mataray to them! Ugh!! Kidding! And yes, My parents and my brother, together with me in one roof sharing one rice cooker and gasul! I am living the life I want to! Sana ikaw din.

Nakasilip lamang ako sa nakabukas kong bintana at pinag mamasdan ang kagandahan ng buwan. I find peace whenever I look at the moon, it makes me feel that I am not alone in my room. Just like the city lights it gives me comfort too. Sarap sa feeling pag masdan ang buwan!

Nang mag sawa ay kinuha ko ang aking cellphone at tinawagan ang aking kuya na ngayon ay nasa La Rita. Hindi naman gaano kalayo ang probinsiyang ito sa Lalagalo pero kung tatantyahin ay kakailanganin mong sumakay ng isang van at isang jeep pagkatapos noon ay isang tricycle naman upang makarating sa dorm ni kuya. Mas pinili niyang doon manirahan ng siya ay makatapos ng pag aaral. Ang rason? Maging ako ay hindi ko alam. Sana lang ay hindi niya sinasayang ang buhay niya doon dahil malilintikan siya kay Ama kapag nagkataon!

Naririnig ko ang malalim niyang pag hinga ng sagutin niya ang aking tawag. Hindi maalis sakin ang pag aalala, matagal tagal na din ng siya'y umuwi rito.

"Hello, Kuya!" sambit ko ng manatiling nananahimik siya sa kabilang linya. "Are you ayos lang ba?" tanong ko pa na naging rason para siya ay tumawa. May mali ba sa sinabi ko?

 INFINITE POSSIBILITIES Where stories live. Discover now