PROLOGUE

35 3 1
                                    



Foreign Series

1. Love in Bangkok
2. Coming Soon
3. Coming Soon



____________






"Can I buy one of that drink." Sabi ng isang american customer, weekend ngayon kaya maraming customer ang nagsisi puntahan dito sa pub.  Maraming mga kabataan at mid-30s, resto and club ang Ravena Pub kaya patok sa mga foreigners and mga pure pinoy.






"Okay Ma'am, please wait." Buti nalang at marunong ako mag English  nang sa gayo'y di ako mahirapang kausapin sya.




Sinabi ko ang order nya sa counter para asikasuhin ito ni Val, isa sya sa mga workmate ko sa Ravena Pub dito sa Manila. Nilinis ko ang table na kakatapos lang pagkainan ng isang grupo ng kababaihan, mga ten o'clock na kaya medyo bilang nalang ang mga customer kumpara kanina, eleven o'clock nagsasara ang pub.





Ang kanina'y puno ng mga iba't ibang klase ng tao, napalitan na ngayon ng paunti-unting paglisan ng mga tao sa pub. Hindi ko alam kung bakit mas gusto ko ang mas onting tao marahil siguro ay pagod nako.





Pinunasan ko ang table ng basang basahan at nilagay sa tray ang mga plato at baso na may mga pagkain pa, nanghihinayang ako sa mga pagkain na hindi nila nauubos palibhasa mayayaman.






Nilagay ko sa dishwashing area ang mga hugasin at tinambak muna doon dahil busy pa si Chook na designated for dishwashing the dishes, multi-tasking na ako kaya after kong linisin ang mga table at inayos ang mga upuan at ako na ang naghugas.





Maagang nag-out ang iba kaya tatlo  nalang kami ni Chook at Val ang natira, nililinis naman ni Chook ang kusina na pinaglulutuan ng Chef habang si Val naman ay nasa comfort room, nag-aayos na rin sya ng gamit dahil aalis na rin.






Nainis ako sa buhok na bumababa sa mukha ko, kada bumaba ito ay iniipit ko naman sa tenga ko. Patuloy lang ako sa paghuhugas hanggang sa matapos ko ang lahat ng kailangang hugasan.






"Bans alis na kami, malinis na ang kusina at natapon ko na rin ang mga basura." Pagpapaalam ni Chook na nagsusuklay pa ng buhok habang si Val ay inaayos ang bag nya, nakapagpalit na rin sila ng damit.





"Sige, ingat kayo." Sabi ko.





Pagkaalis nila ay chineck ko ang kusina kung may dapat pa bang linisin para bukas ay wala ng gaanong gagawin. May mga basura pang hindi natapon ni Chook kaya tinali ko ang trash bag pero biglang may nag ring yung bell, hudyat ito na may tao sa counter na gustong umorder.





"Ah sir, pasensya na po pero sarado na po kami, balik nalang po kayo bukas." Sabi ko pagkalabas ko ng kusina, may lalake kasing pumasok at balak bumili eh kaso sarado na kami.





"Sawadee krub." Sabi nya at pinagdikit ang dalawang palad atsaka yumuko habang sinasabi ang lengwahe na iyon.





"C̄hạn khid ẁā mạn peid pherāa xỳāng nận." Sabi nya at tinuro pa ang sign sa pintuan na nakasulat ang open sign, hindi pa pala napapalitan na close ito kase nagmamadali ang mga kasama ko.

"I thought it's open because of that."






Hindi ko maintindihan ang sinasabi nya pero alam kong hindi sya Pinoy, ibang lahi yata ang lalaking 'to. Hindi ako pamilyar sa language nya pero sa tingin ko ay espanyol yata ang binata na ito. Maputi sya, matangkad, mukang mga nasa 18 years old palang ang batang ito.






"A-ah, I don't understand. Can you speak english?" engles na tanong ko, sana naman ay nakakaindi sya ng english dahil swear mahihirapan talaga akong kausapin sya.






"Khuṇ kảlạng phūd xarị?" Sabi nya na mukang naguguluhan din, nagets kona na hindi sya nakakaintindi ng english, so anong gagawin ko? Hindi ko alam ang gagawin ko para magkaintindihan kami.

"What are you saying?"





Kinuha ko ang cellphone ko at sinearch ang google translate, eto nalang ang tanging paraan na naisip ko para maintindihan nya ang sinasabi ko at maintindihan ko ang sinasabi nya.






"Sir sarado na po kami." Nilapit ko ang speaker ng cellphone ko at nagsalita ng nais kong ipa-translate. Nilagay ko sa espanyol ang language, Filipino to Spanish ang translation. Sana tama ang hula ko na espanyol ang salita nya.







After ma-translate ng google ay nilakasan ko naman ang volume ng phone ko tsaka pinarinig sa kanya. Pagkatapos nyang marinig ay binigyan nya lang ako ng confusing na itsura, hindi yata espanyol 'to? Hindi ako pamilyar sa mga salita ng ibang bansa, Filipino at kaunting English lang ang alam kong salitang salitain.







"C̄hạn pĕn khn thịy." He said.

"I am thai."






"I'm thai." Pag-uulit nya sa salitang english, bigla akong naloka dahil kahit papaano marunong naman pala syang mag-english. Pinalitan ko ang google translate sa filipino to thai.







"Sarado na po kami sir." Nilapit ko ang bibig ko sa speaker habang sinasabi iyan, sana lang ay tama ang translation dito.







"Reā pid læ̂w." Google translated it.

"We are closed."







"Son, let's go back to the hotel." Biglang may pumasok na babaeng mistisa sa store at sinabi iyan, eto siguro ang mama nya at halata naman, straight ang buhok nito n hanggang dibdib ang haba at katamtaman lang ang tangkad. Disente din ang pananamit nito.







"Rx s̄ạk khrū̀ na mæ̀." Tss.

"Wait a moment, mom."






"Ah good evening ma'am but our store is already close, I'm sorry." Lumipat ang tingin ko sa babaeng kakapasok lang na ito ang Mama ng binatang ito na taga Thailand pala, akala ko espanyol.






May sinabi naman ang babae na 'to sa binata, sa tingin ko ay inexplain nya rito na sarado na kami. Buti nalang at nakakaindi ng english, ang hirap pala talaga makipag-usap sa mga foreigners.





"Miss, Pwede bang umorder kami kahit isa lang? For my son." Mas lalo akong naguluhan nung mag-tagalog ang babae. Mukang mababaliw na ako ng maaga kakausap sa dalawang 'to!





Hindi na ako nakatanggi, inasikaso ko ang order nila. Ang Mama nya ang nakikipag-usap sa akin, para mas madali. Drinks lang naman ang inorder nila kaya hindi na mahirap pang gawin, ang mahirap lang ay lilinisin ulit ang kalat.






"Here's your order Ma'am and Sir, thanks for coming." Nagbayad sila at umalis na sila, nilinis ko ang kalat. Binilang ko ang sales namin dahil ipapasa ko ito bukas sa office.






Nang magawa ko ang dapat gawin, nagbihis ako at inayos ang gamit ko.






Paalis na sana ako nang mapansin ko na may nakalagay sa isang table, lumapit ako at tinignan. Wallet ito! Binuklat ko at tinignan kung kanino ito, tama ang hinala ko na naiwan ito ng mag-ina kanina.






Nakalagay ang picture ng binata, may nakalagay na identification card at may credit card tsaka pera. Kinabahan ako nang hindi alam ang dahilan, kinakabahan ako kapag may naiiwan na ganito lalo na't may nakalagay na credit card at pera.





Nilagay ko sa loob ng bag ko ang wallet tsaka nagpasyang isarado na ang store, iisip nalang ako ng paraan kung paano ko 'to ibabalik sa binata na yon.














___________________________________________________________

://

Du hast das Ende der veröffentlichten Teile erreicht.

⏰ Letzte Aktualisierung: Nov 20, 2021 ⏰

Füge diese Geschichte zu deiner Bibliothek hinzu, um über neue Kapitel informiert zu werden!

Love in Bangkok (Foreign Series #1)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt