Chapter 25: King of Darkness

Beginne am Anfang
                                    

"I won't tell you. Discover it for yourself. Hindi kayo magtatagumpay laban sa mga kalaban ninyo kung hindi ninyo alam kung paano sila tatalunin. I won't always be there to help you. I'm glad na hindi pa naaayos ang time machine na sinakyan ko papunta sa panahong ito. But I can't waste my three chances," naiiling na sabi niya. He's watching my every move.

Sumimangot ako sa sinabi niya pero unti-unti ring kumunot ang noo ko. Time machine? He traveled through time? Saang panahon kaya siya nagmula? Patuloy lang ako sa pag-atake sa mga paniki.

"Saan ka nagmula? Sino ka ba talaga?" sigaw ko sa kanya. Balak akong kagatin ng isang paniki pero naiwasan ko ito. I hit that bat using my air spear. Napuruhan ito kaya naging itim na usok pero muling nabuo.

"I came from the future like Jeanne. I have to bring her back but she's really a hard-headed stubborn brat. She won't listen to everything I say. Masyado nang nalason ang utak niya," seryosong wika niya.

Magkakilala pala sila ni Jeanne. Mabuti na lang at hindi siya kalaban. Now, I have to face these bats first. I have to find their weak spot. Mamaya ko na siya tatanungin tungkol sa pinagmulan niya. Tungkol sa buong pagkatao niya.

Tinalasan ko ang mga mata at ang pakiramdam ko. I observed the bats. They're all looking at me. Ready to attack again. Is it their wings? Or their body? Eyes? Ears? I can't tell. I started to hit their body but it was still no use. Nabubuo pa rin sila. Next, I targeted their ears, wings and eyes but the outcome was still the same.

What to do? Sabay-sabay silang sumugod kaya inilabas ko ang air eagle ko. I used its wings to attack the bats in all direction. Tumama sa kanila ang matatalas na air feathers na pinakawalan ng air eagle ko. They were all destroyed. Alam ko na babalik silang muli sa dati nilang anyo mamaya. I used that chance to find something. To find their weakness habang hindi pa sila nabubuo.

I looked around. Nakikita ko ang mga itim na usok sa hangin. May napansin ako na isang maliit na itim at makintab na bato na nakalutang sa hangin. Tila kumikinang ito. Naglalabas ito ng isang itim na enerhiya na unti-unting bumubuo sa mga paniki. Pagkatapos mabuo ng ibang paniki, may isa pang nabuo. Nasa paniking ito ang itim na bato. The eyes of that bat have different colors. Isang pula at isang itim.

It must be their weak spot. Siguro nakita ito kanina ni Cyrus dahil nagmamasid lang siya sa mga nangyayari. I targeted the bat with different eye color. I made an air arrow and bow using my air power. I targeted its black eye. I hit it with my air arrow. Nag-ingay ang mga paniki. They're making an irritating sound in the ears. Pinaglaho ko ang air arrow and bow ko. Tinakpan ko ang mga tainga ko. Napangiwi ako sa pagwawala nila. Nakabaon pa rin ang air arrow ko sa itim na bato. Unti-unti itong nagkakalamat.

Kung saan-saan lumilipad ang mga paniki. Ang iba ay wala sa sariling umaatake sa akin. I have to use my air shield to avoid them. Nagtagumpay akong mabasag ang maliit na bato. Naglaho ito sa ere. Unti-unti ring naglaho ang mga paniki. I sighed. I'm glad it's already over.

Tumingin ako kay Cyrus. He smiled. "There you go. You should use your mind in a battle. Huwag basta sugod ng sugod," paalala niya.

"Kagagawan ba ito ni Jeanne?" seryosong tanong ko sa kanya.

"No. A more scary enemy did that. The Dark King. Tiyak na naramdaman niyang unti-unti nang nalilipat sa 'yo ang kapangyarihan niya. Maybe, he just sent his greetings for you. You'll soon become his puppet," seryosong sabi niya.

Nakaramdam ako ng takot at kaba sa sinabi niya. "Paano mo nalaman ang mga bagay na ito?" takang tanong ko sa kanya.

Itinaas niya ang hawak niyang isang lumang libro. Hindi ko akalaing may pagka-bookish ang isang katulad niya. He seems like a playboy. Ano naman ang kinalaman ng librong ito sa mga nangyayari sa 'min?

"What's that?" takang tanong ko.

"A book, of course," pilosopong sagot niya. Gusto ko siyang batukan dahil sa sinabi niya.

"Alam ko. Hindi ako bulag," naiiling na sabi ko. I frowned.

Mahinang tumawa si Cyrus. "This book was from the future. Written by your friend, Frances. Matagal ko na itong nabasa. Nakasulat dito ang lahat ng nangyari sa inyo nang kalabanin ninyo ang Dark Wizards hanggang sa Dark King. Pero walang Jeanne na nakialam sa librong ito. Nakasulat ang tungkol sa Dark King pero hindi ikaw ang nakontrol niya kundi si Clauss. Nakialam si Jeanne kaya unti-unting nagbabago ang mga nakasulat dito. Nawala ang mga nakasulat dito noon. Natira lang ang laban ninyo sa Dark Wizards. Napalitan ang ibang pangyayari ng tungkol sa mga bagay na nangyayari ngayon. Maraming pahina ang naging blanko. Hindi ko na alam kung ano ang susunod na mangyayari. I'm also waiting," paliwanag ni Cyrus.

Naguluhan ako sa sinabi niya. "On the first version of that book, did we win against the Dark King?" interesadong tanong ko sa kanya.

He smiled playfully. "Secret," he answered.

Halatang wala talaga siyang balak sabihin sa 'kin kung ano ang nangyari sa libro. I was really curious but I knew I can't get any information from him.

Naalala ko ang tungkol sa time machine na nabanggit niya. "Paano ka pala makakabalik sa panahon mo kung hindi pa naaayos ang time machine na sinasabi mo?" takang tanong ko.

Bahagya siyang nag-isip. "Tiyak na hindi ako pababayaan ng genius freak kong pinsan. He'll rescue me here for sure. After all he invented that time machine. Tiyak na inaayos na niya 'yon ngayon. Anyway, may paraan pa naman para makabalik ako sa hinaharap kung hindi magawa ang time machine. Kailangan ko lang gamitin ang tatlong tsansa kong makialam sa panahong ito. And I also have Jeanne to take me home," he answered.

Mukhang hindi nga niya pinoproblema ang pagbalik niya sa hinaharap. Bigla kong naalala si Clauss. I have to meet him in the training room. Baka nag-aalala na siya sa 'kin.

"I think I have to go," paalam ko kay Cyrus.

"Sure! Take care of yourself. Tiyak na marami pang mangyayari sa mga susunod na araw," seryosong sabi ni Cyrus. Tumango ako sa kanya. Naglakad ako pabalik sa academy. Naguguluhan ako sa mga sinabi ni Cyrus. Kung hindi nakialam si Jeanne, si Clauss ang mapupunta sa sitwasyon ko. I sighed. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako na nakialam sa 'min si Jeanne. I'm glad hindi nakuha si Clauss ng kadiliman.

Malalagpasan kaya namin ito? Another enemy was waiting to lure us. Isang napakalakas na kalaban na hindi namin alam ang totoong kapangyarihan. Wala na nga kaming magawa kay Jeanne, sa Dark King pa kaya? But I have to stay positive. Hindi dapat lamunin ng negative thoughts ang pag-iisip ko.

-------------------

TO BE CONTINUED...

Wonderland Magical Academy: Escaping DarknessWo Geschichten leben. Entdecke jetzt