"Mit¾"

"Jen, Jen ang pangalan ko kaya iyon ang itawag mo sa akin." Nakangiti kong pigil sa sasabihin niya.

"Mitch ang gusto kong itawag sayo. Pangalan mo din naman iyon di ba? Kaya bakit ayaw mong tawagin kitang Mitch?"

"Hindi kasi ako sanay. Hehe. Kaya kung pwede sana Jen na lang din ang itawag mo sa akin." Nakita kong may dumaan na lungkot sa mga mata niya. Hindi ko na lang iyon pinansin. "Nasan nga pala sila? Teka, hahanapin ko lang at may itatanong din ako sa kanila eh." Tumalikod na ako sa kaniya. Pero hindi pa ako tuluyang nakakapasok sa kwarto namin ng magsalita siya na nakapag-pahinto sa akin.

"I want to be special." Rinig kong sabi niya. "I want to be special to you. Kahit na sa pagtawag lang sa pangalan mo maiba ako." Nakatayo lang ako at hindi siya nililingon.

"Mitch you know I like you." Hindi ko inaasahan na aamin siya. Ang akala ko ay mauunahan ko sila, siya, na sabihing hindi ko siya gusto. Nawalan ako ng sasabihin. Parang naputol ang dila ko at nawalan ng salitang bibigkasin.

"Mitch don't you hear me? I said I like you." Naramdaman kong may tumulo mula sa mga mata ko. Umiiyak na naman ako. Pinunasan ko ang mga luha ko at humugot ng isang malalim na hininga. Hinarap ko siya.

"I'm sorry pero hindi kita gusto eh." Lakas loob kong sabi. Nakita kong gumuhit ang sakit sa mga mata niya ng makita ko ang mukha niya. Pilit ko siyang nginitian at tumalikod na.

Kasabay ng paghakbang ko ay ang pagpatak ulit ng mga luha ko. Kasabay ng pagpatak ng mga luha ko ay naramdaman ko ang pagkawasak ng puso ko. Sa bawat paghakbang ko ay natanto ko na ang dahilan kung bakit ako nasasaktan ngayon.

Natanto ko na kung bakit masakit para sa akin ang pagsabi sa kaniya na hindi ko siya gusto kasi ang totoo... gusto ko siya.

Gusto ko si Matt.

Kaya nasasaktan ako dahil alam kong nasaktan siya sa mga sinabi ko. Pero ayokong masira sila. Ayokong masira ang pagkakaibigan nila. Matagal na silang magkakaibigan samantalang ako wala pa akong isang taon na kaibigan nila problema na kaagad ang dinala ko.

Ilang lang araw mula nang nagkakilala kami napaglinis na kaagad sila ng CR dahil sa akin tapos ngayon naman nag-aaway sila Shi at Matt ng dahil din sa akin. Madalas pa na sila ang namomroblema sa ipambabayad ko kapag gumagala kami. Puro problema lang dala ko sa kanila kaya mas mabuti na ito. Mas mabuting mawala na ako sa landas nilang magkakaibigan. Kung hindi ako dumating sa buhay nila ay hindi sila magkakaganito.

Umiiyak akong lumabas ng kwarto nang hindi siya nililingon. Paglabas ko ay hindi ko inaasahan kung sino ang aabutan ko doon. Nakasandal si Shi sa pader malapit sa pintuan ng kwarto namin. Nakahalukipkip siyang lumingon sa akin.

Hindi na ako nag-abala na punasan pa ang mga luha ko dahil nakita na rin naman niya iyon panigurado. Tumingin lang siya sa akin. Umalis siya sa pagkakasandal sa pader at tinanggal ang pagkakahalukipkip ng mga braso niya. Hinarap niya ako.

"Why are you crying?" tanong niya pero hindi ko nakikitaan ng pag-aalala ang mukha niya. Kaswal niya lang na itinanong sa akin iyon.

"Ahmm..... Ano kasi." Pinunasan ko ang mga luha ko pero tuloy pa rin sila sa pagtulo. Kahit anong punas ko hindi sila tumitigil. Natawa na lang ako habang patuloy pa rin sa pagpunas ng mga luha ko gamit ang dalawang kamay.

"Ano kasi eh.... ka¾" napahinto ako sa sasabihin ko ng bigla niya akong hilahin para yakapin. Tumama ako sa dibdib niya. Rumehistro ang gulat sa mukha ko dahil sa ginawa niya.

Naramdaman kong hinimas niya ang ulo ko habang yakap niya ako. Sa ginawa niya ay lalo lang akong naiyak. Bakit kapag nasa ganito akong sitwasyon lagi na lang siya ang nakakakita sa akin? Bakit kapag ganitong wasak na wasak at walang matakbuhan ay bigla na lang siyang dumadating at icocomfort ako?

Umiyak lang ako ng umiyak sa dibdib niya. Gaya ng dati ay doon ko iniluha ang lahat ng sama ng loob at problemang dala-dala ko. Ilang minute rin kaming magkayakap bago ako tuluyang tumahan sa pag-iyak. Umalis ako sa pagkakayakap niya. Nakita kong nabasa ko na naman iyong damit niya.

"Pasensya na nabasa ko na naman iyang damit mo ng mga luha ko." hingi ko ng paumanhin. Mabuti na lang at nandito lang kami sa harap ng kwarto naming kaya hindi na kami mahihirapang humanap ng pamalit niya.

"It's okay." Nakangiti niyang sabi sa akin. "So, tell me. What happened?" iniangat ko ang aking tingin mula sa nabasa kong damit niya papunta sa mukha niya. Ang seryoso ng mukha niya. Hindi ko pwedeng sabihin ang totoong nangyari.

"Wala lang iyon. Naalala ko lang kasi si JM. Nandito kasi siya sa Maynila. Nami-miss ko na siya kaso hindi ko naman alam kung saan ko siya pupuntahan dito sa Maynila kaya nalungkot ako." Umiyak pa ako kunyari para mas mapaniwala ko siya. Totoo namang namimiss ko na talaga si JM pero hindi talaga iyon ang dahilan kung bakit ako umiiyak.

"Ganoon ba? Wag ka ng umiyak." Inilagay niya ang kanang kamay niya sa ulo at saka ginulo ang buhok ko. "Kung gusto ipapahanap ko siya. Pwede natin siyang puntahan." Hindi ko inaasahan ang alok niya.

"Pero, paano ang practice natin? Hindi iyon naman talaga ang ipinunta natin dito? Wag na lang. Okay lang ako." Nakangiti kong sabi. Ayokong maging dahilan na naman ng panibagong problema. Baka mamaya niyan ay kung ano na naman ang isipin ni Annalyn.

"No. It's fine. Actually talaga we have 2 days para mag-relax muna bago simulang magpractice ulit. Naisip ko kasi na we need to unwind before the competition. Hindi maganda na puro na lang tayo practice. Mas maganda na nasa right mind tayo at hindi masyadong pagod. So, that way maiiwasan nating magkamali at mas malaki ang posibilidad na manalo kapag ganoon." Nakatingin lang ako sa nakangiti niya mukha ng sinasabi niya iyon. Ayoko talagang magdulot na naman ng problema eh.

Alam kong magiging mahirap na sa parte pa lang na ipapahanap niya si JM kasi wala naman akong alam na kahit isang impormasyon sa kung nasaan siya ngayon dito sa Maynila. Basta ang alam ko ay nandito siya tapos. Wala rin kasi akong cellphone kaya wala kaming komunikasyong magkapatid. Isa rin iyon sa dahilan kung bakit ayaw ko rin sana siyang umalis papunta dito sa Maynila pero wala naman akong magagawa dahil sila Mama na ang nagdesisyon.

"Wag na talaga. Okay lang ako. Dadalaw din naman siya sa amin sa Christmas break kaya makikita ko na siya. Kaya okay lang talaga ako." Nginitian ko siya ng todo-todo para ipakitang okay lang talaga ako.

Hindi siya sumagot sa halip ay kinuha niya ang cellphone sa bulsa at may tinawagan. Inilagay niya ang cellphone sa tenga.

"Hello... Yes, I want you to find a person... Just somewhere here in Manila... He's name is.." tumingin siya sa akin.

"Naku wag na okay lang talaga ako." Pagpupumilit ko.

"What's his name?" tanong niya.

"Shi okay lang talaga. Wag ka ng mag-abala."

"Kahit kailan hindi ka naging abala sa akin." Tinitigan niya ako. Napalunok naman ako ng wala sa oras. Ang seryoso niya kasi nang sabihin ang mga iyon. "So, tell me his name," wala na akong nagawa at ibinigay ang pangalan ni JM.

"Jerome Mendeleev Cruz." Nakayuko kong sabi. Kahit ayaw ko ay mukhang hindi ko na talaga siya mapipigilan sa gusto niya.

"His name is Jerome Mendeleev Cruz. His 12 years old... Kakalipat lang niya dito sa Manila noong start ng school year... Yes.... Thank you... Just call me when you find him... Yes... Okay, bye." Nakatingin lang ako sa sahig dahil na rin sa hiya.

"I think mga less than 2 hours ay may info na sila. Don't worry, makikita mo na ulit si JM. Kaya wag ka ng malungkot. Ang pinaka ayoko pa naman ay nakikita kang malungkot." Huminto siya kaya tumingin ako sa kaniya. Tinabanan niya ang baba niya na parang nag-iisip. "Well, that's how I fell for you." yumuko siya at itinapat ang mukha niya sa akin.

KABUNGGUANG BALIKAT(KAIBIGAN)Where stories live. Discover now