"Ha, uunahan kita." I told her.

It was actually a good day. We had an early dismissal because of the moving quiz. Last subject na namin ang laboratory schedule sa Anaphy at hanggang 4:30 lang iyon.

"Uy, early naman tayo. Baka pwede nating bisitahin sina Darwin at Juni?" Marriam approached as I fix my things.

"Pwede rin. Nandyan na ba ang sundo mo?"

"Oo, sabay ka? Tell your driver na sunduin ka na lang sa UDM mamaya."

"Sige," I replied curtly even though I don't really have a driver. I have Rhett.

Lumabas kami ng SFU at sumakay sa kanilang kotse na nag-aantay sa labas ng school. We arrived at UDM after ten minutes. Nagtext ako kay Juni na bibisitahin namin siya at si Darwin.

Both of them were actually classmates. Hindi ko nga rin inaasahan na si Juni ay sa UDM magko-kolehiyo at Engineering pa. I was actually shock upon knowing her plans but I always believe in her skills. At kahit nasa kabilang school lang, it felt like I am already a step closer to her. Scholar din siya ng university and she's currently staying at an apartment. Nakakuha ng scholarship mula sa mayor kaya wala na siyang masyadong inaalalahan sa pagpasok sa kolehiyo.

Madali kaming nakapasok sa UDM dahil sa alumni card namin ni Marriam. We're always welcome lalo na kapag gagamit din sa library ng UDM dahil naraming scholarly articles ang nandoon na pwedeng gamitin sa mga research.

I saw Juni inside the Engineering lounge. Kasama niya rin si Darwin at nakaharap sa laptop nito.

"Syd!" Kumaway siya nang makita kaming papalapit ni Marriam. Ang huli ay mukhang excited at mas naunang mayakap si Juni kaysa akin.

I just chuckled before hugging her after she hugged Marriam. Si Marriam ay lumipat kay Darwin at kinulit ito. He was wearing an eye glasses now. Nagmukha tuloy siyang boy genius.

"Marriam, ang kulit!" rinig kong suway niya nang kunin ni Marriam iyong glasses.

Umupo ako katabi ni Juni na gumagawa siguro ng assignment.  Hindi ko alam ang pinagkakaabalahan ni Darwin pero baka presentation iyon ng report.

"Buti't nakadalaw kayo!" Si Juni at tinapos muna ang pagbibilog sa sagor bago isinara ang kaniyang notebook.

"Early dismissal dahil sa moving quiz," sabi ko.

"Dapat lang aba! I almost lost count of how many times I jumped because of that freaking bell."

"Di ka naman kasi siguro nag-aral kaya ka talon ng talon," singit ni Darwin at natatawa. Sinabunutan siya ni Marriam.

"Aray naman!" pagrereklamo niya.

"Nag-aral ako. Syden and I reviewed together." Pagmamalaki niya at humalukipkip pa. Darwin had his arms around her and ruffled her hair. Mas lalong sumama ang timpla ng kaniyang mukha.

"Cute mong mainis. Nagbibiro lang naman ako. Syempre mag-aaral ka na nang mabuti kasi magdo-doktor pa kayo."

I smiled widely. Ang sarap pakinggan na may taong nag-aabanga sayong matupad ang pangarap mo. I know it would still take us years fo fulfill that dream but as long as we keep striving, we'll have that in the end. Nakikita ko naman ang pagsisikap ni Marriam at bilang kaibigan niya, gusto kong sabay naming maabot ang pangarap naming iyon.

To have that MD on the last part of our names, or to be called Doctor before our names, is a pleasant melody to the ears.

Nagtagal pa kami sa engineering lounge nila bago sila nag-aya na kakain kami sa labas. May dalawang oras pa silang vacant bago ang huli nilang klase. Parang hindi na bago sa akin ang marinig ang ganoong schedule dahil ganoon din si Rhett dati. Pero habang umaakyat naman sa years ay paaga nang paaga ang uwi nila. But Rhett had other extra curricular things to do that's why he comes home late.

If I have Nothing (Absinthe Series 5)Kde žijí příběhy. Začni objevovat