62: Forgotten

Começar do início
                                    

"I should ask you that, dear sister. I thought you are dead."

Huminga lang ito nang malalim at umiling. "Where is Kiel?"

Lumingon siya sa nakasarang pinto. Nandoon ang magkapatid. Hindi pa lumalabas, mga ilang oras na. Mabuti nga at pumayag pa si Kiel na sumama siya dito. Kailangan pa nito ang dugo niya para masigurong maayos ang transition ni Elle sa pagiging bampira. Pero hanggang doon lang yon. Pagkatapos niyang magbigay ng dugo, hindi na siya hinayaan ni Kiel makalapit pa.

Nandito lang siya para makabalita. Gusto niyang masiguro na maayos ang kalagayan ni Elle. Ang huling sinabi sa kanya ni Kiel ay gumagaling na ang tama ng bala nito sa dibdib.

"Kiel's our king, Pierre." Sabi ni Angelique sa kanya. Hindi na siya nagulat, nasabi na rin naman sa kanya ni Carina ang tungkol doon.

"Well congrats, Angie. So that means your are still the Queen." He said. Sincere naman siya pero mukhang naiinis pa ang kapatid sa nasabi.

"Alam ko ang ginawa mo sa kanila. Kung hindi dahil sa deal nila ni Dad, patay ka na. He made him promise not to kill you."

Kaya pala. Naintidihan na niya kung bakit hindi siya nito tinuluyan kanina. "Huwag kang mag-alala, kailangan ko lang makasigurong ok si Elle."

"Elle?" tanong ni Angelique. Hindi nga pala iyon ang totoong pangalan nito.

"Si Rafaella, Kiel's sister," sagot niya. "I marked her."

Dinig pa niya ang pagsinghap ng kapatid niya. Mabilis itong lumapit at hinila ang kwelyo niya patayo. "Why did you do that, you idiot?! Sa lahat ng babae bakit siya pa ang ginawa mong mate?!" Ramdam na ramdam niya ang galit nito.

Ito na rin niya ang kusang bumitaw kaya napaupo siya pabalik sa couch.

"I can't help it," sagot niya dito. "Hindi ko sinasadya." Hindi talaga. Sinubukan pa niyang pigilan noon pero wala ding nangyari. He tried to convience himself that it was just some foolish attraction, or plain lust. Pero sa huli, nanaig parin ang nararamdaman niya.

"Hindi ka pa ba natuto sa ginawa mo kay Isabelle?!" sigaw pa nito. Huminga ito ng malalim at tumalikod sa kanya. Napasuklay pa ito ng buhok. Nagpipigil ito ng sarili, ramdam niya. "You're hopeless."

Yes he is. Bakit nga ba wala na siyang magawang mabuti? Lahat nalang nang ginagawa niya, nauuwi sa mas malaking gulo.

Maya-maya pa ay nadinig na niya ang pagpihit ng doorknob ng kwarto. Lumabas na si Kiel mula doon.

Mabilis siyang napatayo.

This is it.

"H-how is she?" Kinakabahan niyang tanong. Sana naging maayos ang lahat. Sana naging maayos ang pagiging bampira ni Elle. Hindi niya mapapatawad ang sarili niya pag hindi.

He can't lose her again. Ikamamatay na niya iyon.

Tinitigan siya ni Kiel ng masama. "She'll live," sagot nito. "Wala ka nang silbi dito. Makakaalis ka na."

Di na siya makapagsalita pa. Para siyang nabunutan ng tinik sa dibdib.

Mabubuhay si Elle. Sa ngayon, sapat na iyon sa kanya.

Gusto pa sana niyang makausap ito pero mas mabuti pang pahupain muna niya ang sitwasyon ngayon. Handa naman siyang maghintay.

"Kiel," dinig niyang tawag ni Angelique dito. "We need to talk."

Nakaramdam siya ng tensyon mula sa sinabi ng kapatid niya. Mas mabuti pa siguro talagang umalis muna siya.

Dumiretso na siya sa pinto at lumabas bago sumabog si Angelique. 'We need to talk,' that four words, signal na yon may magaganap na hindi maganda.

And she did. Ilang hakbang palang siyang nalakalayo mula sa pinto ay narinig na niya ang pagbagsak ng mabigat na bagay at ang pagsigaw nito. Kung ano mang pinag-aawayan ng dalawa, ayaw na niyang makialam pa. Kilala niya ang kapatid niya, sa kakaunting bagay lang ay umiinit agad ang ulo.

Naglakad na siya papalabas ng bahay na yon. Maganda at malaki ito. Kumpleto at mamahalin ang mga gamit. Marami ring security na nakapaligid. Alam niyang ligtas ang lugar na ito.

Nakita pa niya ang ilang dating tauhan ng Daddy niya. Mukhang dito na nagtratrabaho ang mga iyon matapos niyang pagbantaan. Wala na siyang dahilan para patayin ang mga ito, buhay naman ang kapatid niya. Isa pa, hindi na naman siya ang Hari nila.

Kung dito ni Kiel ititira ang kapatid niya, mukhang wala na siyang maiireklamo pa. Angelique deserve her happiness. Hindi katulad niya.

Pababa na siya sa malaking spiral staircase ng may mapansin siyang nag-aabang sa kanya sa ibaba noon. Umangat ang tingin nito nang nasa gitna na siyang hakbang.

"Pierre." A familliar figure and a familliar face. Pati ang pagtawag ng pangalan niya pamilyar din.

"Isabelle."

Requiem: RedemptionOnde histórias criam vida. Descubra agora