Doppelganger Stories 1

Start from the beginning
                                    

Ako : Oy Pee saan ka galing kanina? Nakasalubong kita sa daan di ka man lang umimik!
Siya : Anong nakasalubong? Nandito lang naman ako kanina pang 7pm, di ako umalis kasi in-a-update ko yung mga games na nilalaro nyo.
Ako : Sure ka? Naka-helmet ka pa nga at may dalang bag!
Siya : Anong helmet? Wala akong dalang motor pinaayos ko pa kasi sira yung brake.
Ako : Hahaha loko-loko ka huwag mo akong takuting g@go ka!
Siya : Di nga ako umalis dito kanina pa! Tanungin mo pa asawa ko.

So yun tinanong ko asawa nya tas oo nga di nga sya umalis kanina pang 7pm. Hindi ako nakapagsalita sa sobrang takot at kaba. Sabi ko sunugin mo yang damit mo at ibaon pero sabi nya hindi sya naniniwala sa mga ganyan.

-Dan1999

Nanggagaya ng Boses
    
Hi mga ka-spookify, first time kong mag-post dito so I hope na ma-post ito ni Admin. So eto na, actually hindi ko 'to personal na experience, kinuwento lang ito sa Ate ko ng college friend niya. Hindi ko alam kung matatawag ba itong doppelganger pero knowing na parehas silang nanggagaya kaya okay na yang term na yan, boses lang po kasi dito.

POV na lang ni Joy (not her real name) ang gagamitin ko. Be (tawagan nila), alam mo namang nangungupahan lang ako dito sa isang boarding house sa may ******* kasi diba taga-probinsya ako. Bale yung boarding house na sinasabi ko ay may dalawang kwarto at wala syang itaas pero may mini attic. Malaki sya para sa dalawang tao lang 3,500 ang upa pero worth-it naman dahil may tubig, kuryente at maayos naman ang pagkakagawa skl pero naka-tiles siya. 6pm kagagaling ko lang ng school, nagpahinga muna ako kaya lang walang magawa kaya cp na lang muna. Sa sobrang focus ko nakalimutan ko na pala ang oras at mag-aalas otso na pala kaya naligo na lang muna ako. Pagtapos na lang ako kakain dahil may tirang ulam at kanin pa naman kanina. Btw, wala yung kasama ko sa bahay dahil umuuwi yun pag Friday tas babalik lang pag Sunday na. Bago ako pumasok sa banyo, chinarge ko muna ang cp ko pero in-off ko, nakasanayan ko na kasi. Habang naliligo, biglang nag-ring ang cp ko nagulat ako kasi hindi naman katulad ng iba yung cp ko na kahit patay na ay tumutunog pag nag-aalarm o may tumatawag. So ako, nevermind muna pinakiramdaman ko lang pero deep inside natatakot na ko lalo na't mag-isa lang ako. Pero be eto na talaga habang nagsa-shower ako biglang may narinig akong parang tunog ng paglalakad. Pinakinggan kong mabuti pero putek, katunog ng yapak ng boardmate ko. Tas mas lalong tumayo yung balahibo ko ng tinawag niya yung name ko gamit yung boses ng boardmate ko. Inisip ko na lang baka yung boardmate ko kaya nag-reply ako ng "Dhen (not her real name), akala ko umuwi ka sa inyo?" Kinukutuban na ako ng mga oras na yon pero hinihintay kong sumagot pero wala be. Kaya ginawa ko nagbihis ako saka dire-diretsong lumabas wala nang tingin-tingin, literal na lumabas. Sinara ko lang yung gate saka tumambay muna sa may tindahan sa may kanto. Pumasok lang ako nung gabi na tas tulog na lang nakalimutan ko na ngang kumain eh.

Ayan lang guys, sana nagandahan kayo at di kayo naguluhan. Tungkol naman kay Ate Joy, ang alam ko umalis na sya dun dahil creepy nga saka may nahanap yata syang mas mura at may kakilala sya. Thank you sana natakot kayo charot.

Luvie0814

Sa Bahay nila Mame at Dade

Hi po silent reader po ako pero gusto ko rin pong i-share ang experience ko noong bata pa ako. Sana po ay mapansin niyo ito.

12 years old ako noong bumisita kami ng tito at lola ko (mother side) sa bahay ng lolo at lola ko (father side) sa G***** pero umalis din sila kasi bibisitahin nila ang tito ko na taga doon din. Naiwan ako sa bahay ng lolo at lola para naman maka-bonding ko sila. Actually, may bahay kami dati doon kaya lang lumipat kami kasi nagkaproblema. May naiwan pa akong mga damit kaya napagdesisyunan kong maligo. So ito na nga medyo malaki ang bahay nila Mame (lola ko) pagdating ko sa bahay nadatnan kong nagpapakain si Mame ng mga manok, umakyat naman ako sa taas para maligo. Hindi kasi ako nakaligo noong umalis ako. Nung nasa taas na ako nakita ko si Dade sa kwarto kaya nag-bless muna ako. After non, pumasok na ako sa CR, ni-lock ko yung pinto saka ko binuksan yung gripo sabay buhos agad at sunod-sunod akong nagbuhos pagkatapos kong maligo bumaba ako nakita ko ulit si Mame. Umakyat ulit ako kasi nakalimutan ko yung pinagbihisan ko. Nung nakuha ko na yung damit ko pagtalikod ko saktong pababa na ako ng hagdan nang biglang sumara yung pinto ni-lock, dinig na dinig ko yung pag-lock pagbukas ng gripo at ang sunod-sunod na buhos napatakbo ako sa baba pero laking gulat ko nung kasama na ni Mame si Dade sa baba. Takot na takot ako non tapos tinanong ko si Mame kung may iba pa bang tao sa bahay sabi niya wala daw. Tapos kinuwento ko sa kanya tas nagpasama ako sa taas. Nung binuksan namin yung CR hindi na siya naka-lock. Hanggang ngayon tanda ko pa rin yon buti na nga lang hindi ko nakita kasi kung nakita ko na may kamukha ako na ginagaya ako malamang patay na ako. Share ko lang din na sa mismong bahay na yon nagbigti po ang tito ko gamit ang wire ng ref at sa bintana lang po siya nagbigti. Marami pang kababalaghan sa bahay na yon. Sana po ay nagustuhan niyo. Kapag nagustuhan niyo po ito ay ise-share ko pa po yung ibang na-experience ko at na-experience din ng mga kamag-anak ko.

-Yangyang

Double Doppelganger

Hi! It's my second time since I shared my experience. Yung last ko noong 2017 pa na pinagsamang mala-MMK at Magpakailanman.

So ayun na nga, na-experiences ko ito last November 2018 and ito talaga yung pinakanatakot ako since I've experienced it to a month that so scary and kasi hindi ko lang sila nakita 'coz they looked at me and smile.

Papunta kasi kami noon ng isa kong friend na si Moana (not her real name) sa isa naming friend sa bahay nila na si Jessie (not her real name too) para sunduin sya para mag-bonding naman kami since sobrang busy namin sa pagiging college students namin and we're in different courses  that we take and she's one of our friends na pa-VIP talaga (love you jessie haha) then yun na nga naglalakad kami papunta sa kanila at masayang nagkukwentuhan nung nahagip ng mga mata ko yung papa at kuya ni Jessie na nasa side car.
For all you know, bff na kami since HS then it happens nung nasa college na kami. So we all know as her friends nya yung mga buhay namin and yun nga, yung kuya nya kasi that time is nagsa-side car boy since they own naman that side car and her father is an SG. Then yun na nga, nung nakita ko sila, silang-sila talaga. Palabas na sila nun nakasalungat samin and habang malayo palang sila namumukhaan ko na sila na papunta na samin then sinabi ko yun kay Moana na mas malinaw pa ang paningin sakin then she nodded then ayun nga yung kuya at papa ni Jessie. So first, si Kuya Jay (not his real name) yung nakita ko which is sya yung nagpapadyak then I called him like "Hi! Kuya Jay! Si Jessie po nasa bahay nyo?" then he looked at me first and nodded w/ smile then to Moana too. And doon ko na nakita si Tito John (not his real name) na nakasakay at may katabi syang kasing edad nya rin na lalaki na hindi ko kilala since madalas ako sa bahay nila Jessie kaysa kay Moana so feeling ko friend yata ni tito yun and I called him too and said "Hi! Tito John, punta lang po kami sa inyo susunduin namin si Jessie." and he nodded and smile to us. Then nung nakalagpas na sila samin, dun ko lang napansin na same silang tatlo na naka-plain white t-shirt and hindi sila nag-uusap nagngingitian lang sila na kinuwento ko kay Moana and pinagtawanan lang namin yun kasi sabi ko baka nagtitipid sila ng laway.

Then yun nga, nasa bahay na kami nila Jessie. And ang bait nya talaga kasi naliligo pa lang sya nun so hinintay pa namin sya. Eh 1 hour pa naman maligo yun sobrang skin concious, so sa 1 hr na yun na hindi namin namalayan sa sobrang talkative at joker ko habang kakwentuhan yung mga kapatid nyang babae at si tita. Bumalik na sya then dun ko lang napansin yung lalaking natutulog sa ilalim ng katre nila. Eh tapos na si Jessie nun mag-ayos at nagmamadali na rin kami kasi anong oras na baka madaling araw na naman kami makauwi sa pagbo-bonding namin kaya nawala sa isip ko sabihin na nakita namin sila kuya Jay at Tito John sa kanila.

Then habang naglalakad na kami dun na ako nagtanong about sa lalaking natutulog sa ilalim ng katre nila. I asked her like "Jessie, sino yung natutulog na lalaki sa ilalim ng katre nyo? Pinsan mo nyo ba yun?" then sinamaan nya ako ng tingin and she replied "Hindi ah. Si Kuya Jay yun!" "Madaling araw na kasi sya nakauwi sa pagsa-side car kaya puyat." Then dun na kami nagtinginan ni Moana at humawak talaga ako sa braso ni Moana sa sobrang kilabot nung sinabi ni Jessie yun. Then she asked why daw and dun ko na kinuwento sa kanya lahat habang naglalakad kami and naiiyak na sya kasi natatakot daw sya baka ano daw mangyari kay Tito John since may duty daw yun nung time na yun. So habang naglalakad kami and malapit dun yung company kung saan nagwo-work si Tito John, kinuwento ko sa kanya eh kilala pa naman nya ko as a joker kaya buti nalang talaga kasama ko nun yung pinakaseryoso saming magkakaibigan na si Moana at naniwala sya then sinabi namin na mag-ingat sya at mag-pray pag-uwi then chinat na din ni Jessie yung mga kapatid nya na huwag munang palabasin si Kuya Jay at mag-pray din sya, silang lahat rather and syempre nag-pray din ako since ako yung unang nakakita ewan ko lang kay Moana nun.

Kaya yun, pag naglalakad ako sa daan nalang ako nakatingin at hindi ko na minamasdan yung mga mukha ng taong nagkakasalubong ko.

PS. sorry parang mas mahaba pa yata itong 2nd share ko hehe pero sana ma-post ito.

Ty, spookify.

Atemongcheater

Scary Stories 5Where stories live. Discover now