O1O.

93 4 3
                                    


satanya.

napakagat ako sa ibaba kong labi habang nililibot ang buong paligid gamit ang aking paningin.

nakakainis. bakit parang magkakamukha lahat ng hallway at classroom dito?

napasulyap ako sa aking phone.

no.

i am not asking for help, lalo na kung si jeongwoo lang naman pala ang hihingan ko ng tulong.

and speaking of the devil.

nauna siyang nag chat.

nakakainis. magtatanong na nga lang kung nasaan ako nakuha pang mang-asar.

yes, i am definitely lost!

inis kong ibinalik sa aking bag ang phone ko at nagpatuloy sa paglalakad. hindi na ako nag-abalang sabihin kung nasaan ako dahil mataas ang pride ko.

i don't need help.

i'm a strong independent woman.

habang naglalakad palakas nang palakas ang kabog ng aking puso dahil sa kaba.

napatingin ako sa suot kong wrist watch.

7:35 AM.

late na ako.

"hoy," napatigil ako sa paglalakad at nilingon ang pinagmulan ng boses na 'yon, "nandito ka lang pala."

naglakad siya palapit sa akin saka pinitik ang aking noo.

sinamaan ko siya ng tingin.

"anong ginagawa mo dito?"

"hinanap kita malamang."

"bakit mo ako hinanap?! ngayon pareho na tayong late." inis na sabi ko.

ayos kung ako lang 'yong late pero kapag nalaman ng mommy niya na na-late siya dahil sa 'kin paniguradong lagot ako!

"kumalma ka nga dyan, late na pumapasok 'yong teacher natin kaya wala kang dapat ipag-alala. tara na."

hinawakan niya ang kamay ko saka ako hinila. kahit gusto kong tanggalin ang kamay niyang nakahawak sa kamay ko ay hindi ko magawa dahil mas malakas siya kaysa sa 'kin.

"hoy, saan tayo pupunta?"

"sa cafeteria, nagugutom ako."

"eh bakit mo ako isasama?! late na ako-- late na tayo! baka dumating na 'yong teacher!"

"kabisado ko schedule no'n," sabi niya sabay lingon sa akin at ngumiti, "just trust me."

➖💎➖

kindly check out my other stories:
TOY {yoon jaehyuk}
TORN {park jihoon}

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 11, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

TROUBLEMAKER {p.jeongwoo}Where stories live. Discover now