Chapter 3: Torn

Start bij het begin
                                    

Ikaw ang may dahilan bakit ako ganito. Anong karapatan mong kuwestiyunin ako sa ganitong bagay? Tsk.



Nagbihis na siya at naghanda na para sa practice match nila ngayon. Nakaexcuse siya ngayon sa buong klase at pinayagan naman nila 'yon. Alam naman ng nga teacher na madaling humabol sa lesson si Gino kaya hindi sila nangangamba.



"Saan ka na naman pupunta?" heto na naman ang ama niyang sagabal sa lahat.



"Match." maikling sagot niya. Matagal pa nga iyon. Inabot ng isang minutong katahimikan muna. Nakaupo kasi siya sa sofa nila habang hinihintay si Eugene.



"Ilang beses ko bang sasabihin na hindi ko gusto ang pinasukan mong sports?!" nakapikit ito pero halata ang pagpipigil sa boses. Nailing na lang si Gino. Whatever you say.



"I didn't asked for your approval." umalis na siya sa bahay nila. Hindi rin naman niya makita ang kapatid at ina. Panigurado ay hinatid na sa eskwela.



Paglabas sa gate ay nakasalubong niya na si Eugene na nasa kanto pa lamang papunta sa kanila. Nang makita siya ni Eugene at tumakbo na ito ng mabilis papunta sa kabilang direksyon. Alam na niya 'yon.



Napangisi siya at tumakbo na rin papunta ron.



"Kailan ba kayo titigil sa pagpapaunahan makarating dito?" 'di man nila lingunin ay alam nilang si Taki 'yon. Member ng Volleyball Team nila.



Hingal na hingal pa ang dalawa at mga walanghiyang umupo na lang sa sahig. Palagi nilang ginagawa 'yon tuwing nagkakasalubong papuntang court o 'di kaya'y pag sinundo ni Eugene si Gino sakanila.



Binuksan na ni Taki ang pintuan papasok sa court nila. Si Taki kasi ang key holder nila dahil mas malapit ang bahay.



Nagbihis na sila nang pang practice nila at muling inaral ang tama at saktong toss.


Siya ang Setter sa grupo.


Ang Setter ay ang nagto-toss o nagpapasa ng bola papunta sa direksyon kung saan natakbo ang Spiker.



Si Eugene naman ang Wing Spiker at Middle Blocker sa grupo.



Ang Spiker ay ang madalas umi-score sa grupo.



Kaya sila ang laging magkasama, pagpasok, pag-uwi, sa practice at partner tuwing match.



Si Taki naman ay isang Wing Spiker at Blocker.



Ang Blocker ay ang humaharang malapit sa net kapag ang Spiker sa kabilang grupo ay titira.



May practice match sila ngayon sa Nesuma High School. Dito naman gaganapin sa court nila ang match kaya less hassle. Ang sabi ng coach ng Nesuma ay sila na ang mag-aadjust dahil noong nakaraang practice ang Tobirio ang pumunta sa ibang school para sa match.


"Oy hinay-hinay sa pagbira, Eugene. Mawawalan ka ng stamina mamaya n'yan." si Aki. Ang Libero ng team.



"Ayos lang!" masiglang sagot ni Eugene.


Tuloy-tuloy sila sa pag practice hanggang sa naitama na nila ang pagtoss.



Ilang minuto lang ay dumating na ang iba pa nilang kagrupo. Nag-ayos na sila para sa practice match nila. Oras lang ang itinagal dumating na rin ang kabilang grupo. Ang Nesuma High School.



Hapon na ng matapos sila sa laro. Ang Tobirio ang nanalo at inabot sila ng hanggang tatlong sets.


Nag wrapped up na sila bago nagsiuwian. Bukas ay may practice sila sa hapon hanggang alas siyete ng gabi. Iyon lagi ang oras ng practice nila tuwing weekdays. At umaga hanggang hapon naman tuwing weekend.


Ngayon sila mas nagpupursiging magpractice at gumawa ng mga atake dahil nalalapit na ang match nila laban sa Seirin High School. Sobra ang halaga ng laban nila rito dahil dito nila malalaman kung makakasama sila sa Spring Tournament sa Manila.



Ang team ng Tobirio ay nagsisimula na ulit magpasikat matapos ang tatlong taon na pagkawala ng vb team nito.



Ang Tobio vb team kasi noong nakalipas na tatlong taon ay nagkaroon ng problema sa players. Ang mga nirecruit at sumali ay hindi pasado sa taste ng coach nila. Kahit ganoon ay isinali pa rin niya ito sa team. Masasabing nakakapaglaro nga ito ng volleyball pero hindi kagalingan tulad nang inaasahan ng kanilang coach na si Reiko Azumane. Ang dating Ace sa Tobirio Volleyball Team. Ang coach naman ni Reiko ay ang sikat na coach na si William Azumane, ang tatay niya.



Sikat dati ang team ng Tobirio pero dahil sa huling mga miyembro nito, ipinasara nila ang grupo. Pinaalis ang mga miyembro at hindi na muli pang nagrecruit.



Matapos ang tatlong taon may mga estudyante ng Tobirio High School ang pinilit si Flent Guzman, isang Mapeh teacher, na muling buksan ang volleyball team ng Tobirio. Dahil walang magawa si Flent ay napilitan siyang buksan ito. Noon ay kakaunti lang ang kasali, ilan doon ang mga pumilit sakanyang buksan ito. Kakikitaan naman kasi ng potensyal ang mga batang 'yon.



Sila ay si Sergio Pantanilla, isang Outside hitter. Tristan De Carpio, isang Wing Spiker. At Rhio Johnson, isang Middle Blocker.


Sila ang tatlong batang nagpumilit kay Flent na muling buksan ang team at magrecruit. Ang tatlong 'yon ay magkakasama mula noong sila'y mga bata at iniidolo ang grupo ng Tobirio noon. Kaya ipinangako nila na sa oras na tutungtong sila ng highschool, magiging player sila ng Tobirio Volleyball team.


Kasama silang tatlo sa mga napaalis na miyembro ng Volleyball team tatlong taon na ang nakakalipas. Ngunit dahil sa kakulangan ng potensyal ay naipasara ito. Kaya noong tumungtong sila ng Grade 12 ay nakiusap silang buksan ito.



Silang tatlo ang mga naghanap at nagrecruit ng mga bago at may potensyal na miyembro ng kanilang team.



At heto, mayroon na silang labing-dalawang miyembro. Malalakas, matatapang, magagaling at may mga potensyal. May mga sari-sariling anyo ng pakikipaglaro sa volleyball.



Habang naglalakad sila pauwi, si Eugene at Aki ay nagdadaldalan. Habang siya ay tahimik lang pero minsan ay nakikisabat din.


Nag-uusap sila tungkol sa magiging laban nila sa Seirin High School.



"Papakitaan ko sila ng special attack ko!" si Eugene. Kating-kati na kasi itong ipakita ang fast attack niya. "Hoy, Gino, ayusin mo 'yung pagtoss kapag nandun na tayo ha!" galit na baling sakaniya ni Eugene.



Tinignan naman niya ito ng masama, "Napakabagal mo naman kasi. Fast ba ang matatawag dun?"



"Aba! Ilang daang katao rin kaya ang ginugulat ko sa attack ko na 'yon hoy!"



"Tsk."


Bigla namang naalala ni Gino ang napag-usapan nila ng pamilya niya dalawang linggo na ang nakararaan..


Ipapanalo ko ang match namin. Gustuhin niyo man o hindi.  Mananalo kami.

Switched SoulsWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu