Chapter 56|| Ang Huling Kabanata

Comincia dall'inizio
                                    

Vhong: Teka! Teka!

Napahinto si Billy.

Billy: Ano?

Vhong: Paano ka makakasiguro na matutuloy ang kasal ni Karylle at Vi—

Vice: Anong hindi?! Hindi pala ha.

Agad inagaw ni Vice si Vhong sa mga kamay ni Billy at pinilit na ipahalik kay Eruption. Sumoporta naman sina Jhong at Billy sa bandang likuran ni Eruption, upang hindi ito makapalag. Nagtawanan naman lahat dahil sa kakulitan ng magkakaibigan.

____

Papauwi na ang ViceRylle, kasama ang true baby nila. Ng biglang nag-request si K na siya na lang daw muna ang mag-drive, dahil may pupuntahan pa daw kasi silang lugar at hinihingi niya ang presensya ni Vice, kahit saglit lang daw.

Vice: San ba tayo pupunta, Kurba? (Kinakausap si K, habang kahurutan ang anak sa bandang backseat)

K: Ah, basta, Mahal. You'll see. (Sabay wink)

Natunaw naman si Vice sa ginawa ni K sa kanya at hinayaan na lang itong mag-drive sa lokasyong gusto puntahan nito.

____

Nagulat naman si Vice nong inistop-over ni K ang sasakyan sa harapan ng isang Mental Hospital at pinalabas sila ni Samantha upang mauna ng pumasok sa loob, dahil ipapark pa daw ni K ang sasakyan. Kahit lutang, sumunod naman si Vice sa gusto ng kasintahan at lumabas sa kanyang sasakyan na akay-akay si Samantha.

Vice: Maghihintay kami dito sa entrance my labs ha.

Tumango lang si K at nag-drive patungo sa parking lot. Pag katapos mapark ang sasakyan, naglalakad siya patungo sa entrance ng ospital at sinalubong agad siya ng kanyang mag-ama.

Vice: Ano ang gagawin natin dito? (He's referring to K)

K: Basta, trust me.

Tumango si Vice at hinawakan naman ni K ang kaliwang kamay nito, dahil ang kanang kamay ni Vice ay nakasuporta kay Samantha na buhat-buhat niya kanina pa. Nakatulog na din kasi ito sa mga balikat niya. Sa corridor ng ospital, maraming nakatingin sa kanila. May nagpi-picture at nagbubulungan dahil kahit nawala saglit si Vice, kilang-kilala parin ito ng madla. Remember, siya si Vice Ganda! Pero, todo dedma lang ang magkasintahan sa mga nangyayari at pinagpatuloy ang pag lalakad patungo sa visiting area ng lugar. Kahit gulong-gulo parin si Vice sa mga nangyayari,  sumusunod parin siya kay K. Maya-maya, huminto si Karylle sa harapan ng pintuan sa isang kwarto.

Vice: Dito na ba tayo papasok?

K: *nod* Oo, pero ikaw lang.

Vice: (taas kilay) Ha? Ba't ako lang?

K: You must forgive and forget than to revenge and regret. Akin na si Samantha. Dito na lang kami maghihintay sayo.

Kahit lutang parin, binigay na Vice si Samantha kay K at naglakad patungo sa kwadra, ngunit bihagya siyang napahinto ng tawagin siya ni Karylle.

K: Vice! I love you.

Napangiti naman si Vice at nag-flying kiss sa kanyang kasintahan.

Vice: I love you more.

Pag pasok niya sa kwarto, agad bumungad sa kanyang paningin ang isang babaeng naka-upo sa upuan sa may mesa. Naka-yuko ito at nakasuot ng damit na hospital gown. Biglang na nigas si Vice, dahil kahit naka-yuko ito, kilang-kilala niya kung sino ito. Sa pigura pa lang ng babae, kilalang-kilala na niya ito. Nilalaro pa nito ang bracelet na naka-suot sa kanang kamay niya at laking hinala ni Vice na yun ang bracelet na binigay niya sa first anniversary nila ni Kaye. Hindi parin nag-anga't ng ulo si Kaye dahil nilalaro pa nito ang bracelet na binigay ni Vice sa kanya. Kahit na nginginig, dahil hindi makapaniwala sa nangyayari,  pinilit parin ni Vice na lumapit kay Kaye at umupo sa bandang harapan nito.

ViceRylle; Dark Horse (Under Editing)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora