Ngumuso naman si Shaneya tapos sumunod siya kay Troye.

Ilang minuto na rin ang nakakalipas ay hindi pa bumabalik sina Troye. E, ano naman sa'yo, Zira?

I took a deep sigh.

"Tara na, Zira."

Pagyaya ni Queen, ngayon kasi ay itatry naman namin ang horror train.

"Sure ka sasakay ka jan?" tanong ko sa kanya.

Walang pagdududa naman siyang tumango.

"Nanjan naman si Eiron."

Kinikilig pa na sabi niya.

Napailing na lang ako.

Malapit na kami sumakay nang dumating sina Troye pansin ko pa ang pagkakabusangot ni Shaneya habang si Troye ay nasa usual na walang ekspresyon niyang mukha.

Apat na tao sa isang seats ang pwede, bale magkaharapan 'yong apat na sakay doon sa isang seats. Iniwan ako ni Queen at doon siya sumakay kina Eiron. Bale ang kasama niya ay sina Eiron at Troye. Wala akong nagawa kung hindi sumunod sa kanya.

"Akala ko ba magsosolo tayong dalawa?" bulong ko kay Queen na katabi ko, kaharap ko naman si Troye.

"Hello! Okay ka lang? Baka gusto mong mahimatay ako?"

Ngumuso naman ako.

Hindi naman ako matatakutin kaya lang noong bata ako ay may bad experience kami ni Queen sa ganitong horror train, paano bigla ba naman kaming tumigil sa loob tapos ay pilit kaming hinihila noong nananakot.

Umandar ang train at pareho kaming napatili ni Queen. Nakagat ko pa ang ibabang labi ko dahil nakaramdam ako ng hiya nang tumigin sa akin si Troye.

Zira, umayos ka!

Ang bigat ng paghinga ko at nang papasok na ang train sa loob ay pumikit na ako. Hindi ko talaga kayang dumilat at tignan ang loob. Si Queen ay tili na nang tili. Naramdaman ko ang paghawak ni Troye sa kamay ko, panandalian kong nakalimutan kung nasaan ako. At nang nasa kalagitnaan na ay may naramdaman akong malamig sa batok ko at nagtitili ako tsaka bumaba sa kinuupuan ko at sumalampak sa sahig nitong train.

Halos takasan ako ng hininga nang mapansin ko na maliwanag na at heto ako nakasubsob sa may binti ni Troye.

"My God, Zira!"

Sambit pa ni Queen.Mariin pa akong napapikit tsaka dahan dahan na umayos ng pwesto.

"Shut up!"

Pinandilatan ko ng mga mata ang nakangising si Troye.

Mahina naman siyang tumawa.

Bwiset! Nakakahiya!

Sobrang nag-iinit ang mukha ko at paniguradong mala-kamatis na ang kulay nito. Pagkababa namin sa horror train ay naglakad ako palayo dahil sa hiya na nararamdaman ko, hindi ko alam kung saan ako pupunta basta gusto ko lang lumayo kay Troye. Hindi pa man ako nakakalayo ay naramdaman ko na may umakbay sa akin. Sa musk scent palang na amoy ay alam kong si Troye na iyon.

Inescapable Dream (Inescapable #1)Where stories live. Discover now