Pasalamat siya, mabait ang magulang ko.

"Pasalamat ka at kaibigan kita." bulong ko.

"Salamat!" sagot niya na animo'y narinig anv sinabi ko. Napailing nalang ako habang sumusunod sa lakad niya.

Ganito nalang yata ang mangyayari sa buong bakasyon ko. Pakikisamahan ang baliw na ito. Makakasalubong ang kuya niya sa kung saan.

"Kuya, nood tayo ng movie. Kasama ko si Diyetisse." sigaw ba naman ng bruha.

Pagdating ko sa bahay nila ay nakita ko na mabilis na nag-aayos sa bahay si Dither. Nginitian niya ako na hindi ko naman sinuklian.

'Wala ako sa mood.' isip-isip ko.

'Choosy ka pa Diyetisse? May gwapo na sa harap mo no!' saas ng demonyitang konsensya ko.

Hindi na ako umimik at tumabi nalang sa upuan ni Tine. Sa totoo lang ay wala sana akong balak umalis ng bahay tapos ngayon nandito na akong bigla.

"Ano ba ang gusto niyong panoorin?" tanong ni Dither sabay pakita ng mga nakahilerang CD.

"Maganda sana kung horror." sabi ni Tine habang namimili na, "Any suggestion Diyetisse?"

"Okay na ako sa kahit ano. Ikaw na ang pumili." sagot ko naman.

"Okay!"

Hindi na din ako nakialam sa pamimili niya. Siya naman ang naggusto nito eh.

"Ito nalang panoorin natin, Titanic." sabi ni Tine. "Ayos lang ba ito sa iyo Diyetisse?" tanong niya.

Tumango lang ako. Ilang beses ko na iyan napanood pero hindi naman nakakasawa kaya ayos na din iyan.

Nagkalikot nalang ako sa aking cellphone habang intro palang ng movie.

Jaydee:

Busy ka ba ngayon? Hindi na kita nakakausap e!

Ako:

Hindi naman ako busy. Bakit?

Jaydee is calling...

"Ahm. Hi Jaydee." pambati ko. Bigla kasi siyang tumawag.

Napatingin sa akin ang dalawa kong kasama.

Sinenyasan ko si Tine na huwag maingay.

"Diyetisse, ano yan? Si Jaydee na naman ba? Sabihin mo nga na nagmo movie marathon tayo. Istorbo siya masyado." pakunwaring sigaw ni Tine. Halatang nagpaparinig.

Tinarakan ko siya ng aking mata.

'Tumahimik ka nga diyan'

"Ah, Jaydee. Bakit ka nga pala napatawag? Okay na naman ako sa text lang." tanong ko.

"Mangungumusta lang sana Diyetisse. Tsaka baka balak mo na mag-enrol na. Sasamahan sana kita." sabi nito ng biglang may humablot ng cellphone ko.

"Sino ka ba huh? Hindi niya kailangan ng kasama kasi may kasama na siya at ako iyon." biglang sabi ni Dither. Nang-aasar ba siya?

Anong sinasabi nito?

"Akin na nga yang cellphone ko." sabi ko nang inilag niya ang cellphone, "Ibigay mo na iyan."

"Sino ka din ba?" narinig kong tanong ni Jaydee, "At bakit nasa iyo ang cellphone ni Diyetisse?"

"Boyfriend niya, bakit? May angal ka? Bakit kaba tumatawag sa kaniya?" biglang sabi ng lalaking ito.

"Akin na sabi iyan eh." pang-aagaw ko pa din.

Hindi ba ko tutulungan ni Tine?

Tiningnan ko ang kaibigan ko at wala lang siyang ginagawa kundi ang manood sa nangyayari.

Pinatay na ni Dither ang tawag. Akala ko ay ibibigay na pero may kinalikot pa din siya.

Inaagaw ko pa din at dahil sa tangkad niya ay hindi ko maabot. Nakita ko nalang na dinilete niya ang number ni Jaydee.

"Anong ginagawa mo? Ibalik mo na nga yan sakin." inis ko nang sabi.

Ibinigay niya naman pero wala nang kahit anong bakas ng number ni Jaydee.

"Nakakainis ka, alam mo ba iyon?" irita kong sabi sabay baling kay Tine. "Next time nalang Tine. Uuwi na ako." sabay talikod sa kanila.

Hindi ko rin alam kung bakit bigla akong nainis. Siguro dahil ayoko lang na may isiping iba si Jaydee sa akin.

Inopen ko agad ang Facebook ko upang ipaliwanag ang nangyari. Hanggang sa nakita ko na nagsend ng friend request sa akin si Dither.

Dither Andres sent you a friend request...

'A-accept ko ba?'

I clicked the confirm button. Then, started to message Jaydee.

Ako:

Pasensya na JD. Lahat ng sinabi niya ay hindi totoo. Kaibigan ko lang iyon at salamat sa pangungumusta mo. Okay lang naman ako.

Online siya.

Jaydee:

Ganon ba? Okay lang iyon. Hindi mo naman kailangan magpaliwanag. Nangumusta lang naman ako. Yun lang yon.

Ako:

Okay!:-)

Ouch! Akala ko naman  may other reason. Bigla nalang pati siyang nag-out. Kainis naman.

Makatulog nalang kaya?

Ang dami talagang alam ng lalaking iyon. Kahapon, umamin na crush ako. Ngayon naman, biglang nagsabi na boyfriend ko siya. At kay Jaydee pa talaga sinabi?

The Amaranth Where stories live. Discover now