2; The Invitation

Začít od začátku
                                    

"Boring sa condo. Besides," Shayne cut me off.

"Besides ano, ichapwera day ba?" tanong nito kaya napatawa ang apat na babaeng kasama ko. Lakas talaga mang-asar ng babaeng 'to.

I just gave them a pokerface look.

Sabay sabay kaming pumunta sa dancefloor at nagpasiklaban ng paggiling. Halos karamihan ng mga lalaki ay nakukuha namin ang atensyon.

Ganyan nga. Maglaway kayo.

"Wala pa din bang progress sa inyo, Lianne? Six years niyo ng tinatago ang relasyon niyo ng asawa ng kakambal mo!" sigaw ko na ikinalingon ng lima.

Nanlaki ang mata niya at tinakpan ang bibig ko. "Shh! Huwag kang maingay, Marie!"

Natawa ako at medyo lumayo sa kanila. May nahagip kasi ang mata ko sa isang sulok ng bar. Napangisi ako at hinatak si Kim.

"Look," Tinuro ko ang kinaroroonan ng lalaki. "Hindi ba siya 'yung ex mo?" sabi ko.

"Tara lapitan na'tin!" masayang pagyaya ni Tanya at ngumisi sa'kin. Hinila namin si Kim at nagtungo sa pwesto ng lalaki.

"Hi. Ngayon lang kita nakita dito." Unang lumapit si Lianne. Umupo naman ako sa tabi ni Lianne at hinila si Kim sa tabi ng lalaki.

Nagpakilala kami sa lalaki at huli kong pinakilala si Kim. Nagulat pa ang lalaki ng mapatingin sa tabi niya.
"Wait, magkakilala kayo?" I asked Miguel.

"Uh.. ye-yeah."

Napa-oh kami nila Lianne. Ilan saglit pa may apat na lalaki ang lumapit sa table namin. Kaibigan pala nitong si Miguel.

"Hi." Ngumiti ako sa lalaking nakalahad ang kamay sa harapan ko. Singkit siya, mukhang koryano. May itsura pero mas gwapo si Logan sa kaniya.

"I'm Luigi." pakilala niya.

"Marie." sabi ko at tipid na ngumiti nang tanggapin ko ang pakikipagkamay niya.

Kalaunan ay dito na rin kami nakiseat-in kila Miguel tutal boring naman sa table namin. Kwentuhan lang ang nangyari sa amin at pansin namin na nagkakailangan pa sila Kim at Miguel.

"Let's dance?"

Tumango ako kay Luigi. Nang tumayo kaming dalawa nagsisunuran na din sila Lianne sa amin.

"Are you single?" bulong niya sa tenga ko.

Am I?

"Why did you ask?" imbes na tanong ko.

"Wala lang. Baka kasi mamaya may boyfriend ka pala tapos nakita tayong magkasama--"

"Kung meron nga, bakit? Natatakot ka ba na baka abangan ka sa labas?" natatawang tanong ko.

Napakamot lang siya sa batok niya at hinawakan ako sa beywang. Nag-iba na ang music from wild and rock into a sweet music.

"Can I ask your number? I'm a big fan of yours, you know."

Natawa ako. "I'm sorry, magagalit kasi 'yung manager ko." nakangising sabi ko.

Speaking of the devil. Nakita ko siya sa second floor ng bar at umiinom kasama ang barkada niya. Nakatingin siya sa dancefloor-- sa pwesto ko.

Nainis ako ng maalalang pinaasa niya ako kanina kaya mas lumapit ako kay Luigi. Nagulat naman ang lalaki at ngumiti lang sa'kin.

"Palagi kitang napapanood sa mga tv shows. Palagi ka din laman ng mga men's magazine. You're a professional model at your young age."

The Side Chick Woman✓Kde žijí příběhy. Začni objevovat