Isang beses na pansinin mo ang nakikita mong trato sayo ng mga katrabaho mo ay habang buhay ka na nilang pagiinitan.

Kaya kahit kitang-kita niya na ginagawa lamang siyang option sa BMagz ay hindi na lamang siya kumikibo at mas iniisip ang trabaho.

Bumuntong hininga si Joana at malungkot siyang tiningnan.

"Paano tayo maghahanap ng partner mo. Okay na ba ang kapatid mo?"

Suminghot siya at umiling. "May lagnat pa rin siya. Hindi ko na muna pinapapasok sa school dahil baka maka-hawa, bibili ako ng gamot mamaya." nakagat niya ang ibabang labi dahil sa pag-aalala sa kapatid. "Joana, baka wala akong mapa-kain sa kapatid ko."

"Wag mong isipin yan. May isang linggo ka para maghanap ng kapareha mo at sa isang linggo na yon maghanap ka muna ng ibang trabaho," wika nito napakamot pa sa ulo. "Wala ka bang ipon Em? Five years ka na sa BMagz di ka naka-ipon?"

"Nagpapa-aral ako, umuupa, nagbabayad ng bills, pinapakain ko ang kapatid ko, magkokolehi-"

"Oo na! Ang sakit sa ulo. Inisa-isa mo pa."

Hindi na siya kumibo at nanahimik na lamang. Mahirap sa kanya ang mag-ipon lalo pa at pinag-aaral niya ang kapatid hindi rin niya pinababayaan sa pagkain ito dahil mahina ang resistensiya ni Emanuel. Ibinibili pa niya ng gamot ang kapatid para magsilbing vitamins nito. Ilang beses na rin siyang naipatawag sa eskwelahan ng kapatid dahil lagi itong nahihimatay.

"Uuwi ka na ba?" tanong sa kanya ni Joana maya-maya.

"Oo pero magbabany-"

"Tinanggal ka daw?"

Sabay silang nag-angat ni Joana ng ulo sa nagsalita. Nakahalukipkip na sila Leila ang nakita nila nakataas pa ang kilay nito at mataman siyang sinusuri.

Agad siyang umiwas ng tingin dito at napatingin kay Joana hindi naman siya kinakausap ni Leila o walang kahit na sinong kinakausap ito sa BMagz kaya bago sa kanya na lapitan siya nito at magtanong.

"O-oo Leila one week daw siyang suspended di ba, Em?" salo sa kanya ni Joana na may ngiting pilit.

Mas lalo naman na tumaas ang kilay ni Leila dahil sa sinabi nito. Lumapit pa lalo sa kanila ito at tumabi sa kanya ng upo.

"Iba ang one week suspended sa one week na palugit para maghanap ng partner," wika nito. "I heard the news."

Yumuko at nagsimulang mangilid muli ang mga luha sa kanyang mata. May kaya naman sila noon mayroon silang bakery shop na negosyo. Ang nanay at tatay niya ang nagpapa-takbo niyon noon.

Magkakaroon na sana sila ng pangatlong bakery shop ng ma-aksidente naman ang mga magulang. Galing ang mga ito noon sa bakasyon sa baguio lulan ng kabibili lamang ng mga ito na sasakyan bilang unang pundar ay ang dalawa lamang ang nag-bakasyon gawa rin na hindi maari sa malamig na lugar ang kapatid niya dahil sakitin ay nagpaiwan siya upang bantayan ito.

Nang mangyari ang aksidente ay gumuho ang mundo niya at walang patid ang sakit na nararamdaman sa pagkawala ng magulang, masakit man sa loob ay i-pinagbili niya ang dalawang bakery shop ng mga ito at ang isang itatayo pa lamang ay binawi ng may-ari ang lupang pwesto sana ng pagtatayuan.

Wala siyang pambayad. Wala siyang kahit na anong ideya sa dapat na gawin. Nang mabili ang unang bakery na negosyo nila ay iyon ang ginastos niya sa libing ng mga ito at ng ang pangalawang bakery naman ang nabili sa binarat na halaga ay iyon ang ibinayad niya sa bumawi ng puwesto sa dapat sanang pangatlong bakery na itatayo ng magulang noon.

Kargo na niya ang kapatid at sila na lamang dalawa ang magkasama may ilan silang kamag-anak ngunit may kanya-kanya pamilya at hindi naman na sila maiintindi pa.

✔#1 Claimed by William FontalejoOnde histórias criam vida. Descubra agora