CHAPTER 4 ~ Never Fall ~

Beginne am Anfang
                                    

Binuksan ko yung isang Yakee gum at inabot ko yon sa tapo ng kumain na si Craige. Tinignan niya yung inaabot ko at parang ayaw niyang kainin. Pagkaraan ay kinuha niya na din yon.

Sinubo niya yon.

...

...

Inosenteng ngumiti ako ng magkandalukot yung muka niya ng natikan niya yung lasa non. Kahit ako nung una kong kain ng Yakee halos maiyak na ako sa asim.

"What the f@ck-"

"Sarap?"-me

"You..."

napatili akong bigla siyang lumapit sakin. Akala ko kung ano ng gagawin niya kaya nagulat ako ng bigla niya akong kiniliti. Tawa ako ng tawa at pilit na nagpupumiglas ako.

"Craige, damn it! stop!"

tumigil naman siya. Hinihingal na napasandal ako sa counter. Hindi siya nakangiti pero nakikita ko na kumikinang yung mga mata niya. Nakasimangot na lumayo ako.

"Makaalis na nga. Nalinis ko na yung pool mo kaya aalis na ako at pupunta sa planeta ng matitinong tao."-me

"Hindi ka pa tapos."

"Wag mong sabihin na ipalilinis mo ulit yung pool mo at lulunurin na talaga kita Boss, Sir, Among tunay."

"No..may ipapagawa ako sayo."

Bumuntong-hininga ako. Tumingin ako sa orasan. Kailangan ko ng umuwi dahil gagawa pa ako ng merienda nila adonis. Kung bakit naman kasi ngayon pa napagtripan ni Craige na paandarin ang pagiging tunay na alien niya.

Masama ang tingin na pinukol sa kaniya.

The Camp: He's A Secret Agent and I'm His Slave (Book 3)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt