HDCYD 6

57 7 0
                                    

Peighton's POV

"HELLO PAKERS! WELCOME BACK TO OUR CHANNEEEEEEL!" maligayang sigaw namin ni Raven sa harap ng camera habang kumakaway pa.

"Nandito tayo sa isang ice cream shop at magdedate kami ni Sir." sabi ko habang nakangiti ng malaki.

"It's a date today dahil guess what pakers, we just hit one hundred k subscribersssss!!!!" masiglang sabi ni Raven habang ipinakita ang box na naglalaman ng 100k subs silver play button plaque na nakuha namin mula sa YouTube.

"Bago tayo umorder ng ice cream at magcelebrate, let us unbox the fruit of our hardwork. Syempre this won't be possible without you pakers dahil kayo ang dahilan kung bakit namin nareach ang 100k subs!" sabi ko pa habang teary eyed dahil super saya ko talaga as in.

"Baka umiyak ka pa dyan mam?" singit ni Raven na may pang-asar na ngising nakapaskil sa labi nya. Akala mo naman hindi ko nakita na super saya nya rin sa naging achievement naming dalawa.

Napanguso ako bago sumagot. "Bakit bawal ba?" tanong ko sa kanya kaya s'ya napahalakhak bago ginulo ang buhok ko.

"May sinabi ba ako?" balik tanong nya. Kita nyo na? Lakas mangbuska! Hmp!

Pabiro ko syang inirapan bago muling tumingin sa camera. "So pakers, gaya ng nakalagay na title ng ating vlog ngayon, we will do the unboxing of the silver play button plaque from YouTube. It is for successfully reaching the 100k subs!" sabi ko habang ni Raven naman ay ipinakita ang box na naglalaman ng nasabing plaque.

"And, right after that, as a thank you, gagawa kami ng reaction video tungkol sa mga comments nyo from the previous vlogs na naiupload namin mula sa aming channel." dagdag ni Raven sa sinasabi ko. 

"So, what are you waiting for?" tanong ko bago lumingon kay Raven upang sabay naming sabihin ang bagong tag line namin.

"VAMUNOS! Pakers, let's gooo!"

Matapos namin sabihin yun ay nagkatawanan kami ni Raven dahil sa lakas ng boses namin. Mabuti na lamang at kami lamang ang nandito at kilala na rin kami ng mga crew na nandito dahil madalas kaming tumambay dito kapag nag-eedit kami ng video o di kaya ay kapag trip lang namin na kumain ng ice cream. 

Pinatay ko na muna ang mga camera bago tumayo at bumaling kay Raven. 

"Anong flavor iyo? " tanong ko sa kanya, pertaining sa gusto nyang flavor ng ice cream dahil balak kong umorder na ng ice cream para mamaya kapag magbabasa na kami ng comment ay maging smooth na ang takbo nito. "Usual lang?"

"Nah, try ko mint-chocolate chip nila ngayon para may bago naman." sabi nya kaya napatango ako. "Ikaw ba, anong iyo?" tanong nya sa akin bago tumayo. 

Nagtatakang napatingala ako sa kanya. "Saan ka pupunta?" tanong ko.

"Ako na oorder, maupo ka nalang dyan." sabi nya sa akin kaya wala akong nagawa kundi ang maupo nalang ulit dahil kapag ganitong nag-insist sya, hindi na dapat kinokontra kase hindi rin naman ako mananalo. Mag uubos lang kami ng oras kapag ganon ang nangyari. 

Napahawak ako sa baba ko at nag-isip ng flavor. "Hmm, Choco Fudge nalang akin." tumango naman sya.

"May gusto ka pang iba?" tanong nya sa akin.

"Wala na. " sagot ko sa kanya. 

"Ikaw lang." pabulong na sabi ko bago ako naupong muli sa upuan ko at tignan ang nakuha naming video kanina. 

Matagal bago sya muling nakapagsalita at tanging simpleng "Ha?" lang ang nasabi nya. Nang tingalain ko sya ay kitang kita ko ang pagkakakunot ng kanyang makapal na kilay. 

How Deep Can You Dig (On-going)Where stories live. Discover now