SCORPIO

8 0 0
                                    


Nakokonsensya ako sa nangyari. In the first place, ako ang nagbigay kay Orn ng babaeng yun. Pag nakikita ko syang malungkot, di ako makapaniwala sa sarili kong meron pala akong konsensya sa katawan.

Tinititigan ko lang sya habang nakatingin sya sa kawalan. Pero mukhang mas ayos na sya ngayon kesa nung mga nakaraang buwan. Nakatapos na ako ng misyon, mukhang mahabang panahon syang maghihintay.

Nagpakamatay si Em habang hindi pa natatapos ang kahilingan niya. Tamang hintay muna Orn.

"Parang... ayos na din na nararamdaman ko ito. At least ... ramdam kong nabubuhay ako at may hinihintay. May dahilan para mabuhay." Rinig kong bulong niya.

At least he is looking forward to see someone. In a sad way.

Naglakad na ako palayo mula sa kwarto niya. Magiging ayos lang sya.

"Baba ka na?" Tch... ang babaeng to.

"Sana... bored na ako ehh." Nakatingin lang sya sakin na para bang may nakikita syang mangyayari sakin. Hmm ... sabagay ganto naman talaga tumingin si Cancer lalo na pag may nakikita sya.

"Hmm ano kaya ang susunod mong misyon?" Ano nga kaya?

Kung tutuusin, yung ibang zodiac Gods ang nakakakita ng mga nagawa mo, sila ang nakakaalala pero parang may sumpa na hindi pwedeng magbigay ng detalye. Nakakainis.

Kinawayan ko na lang sya saka naglaho sa harap niya. Hindi ko trip makipagkwentuhan sa kanya.

Napadpad ako sa isang bar. Bat naman dito ako napunta? Pero ayos na din, pero mukhang high class naman tong bar na'to, sino mangangailangan sakin sa lugar na'to?

Naka-suot ako ng Gray na tuxedo at ganun pa din naman ang hitsura ng buhok ko. Bat nga pala tuxedo kung bar to?

Wait... bar ba talaga to?

"Ladies and gentlemen..." wait what? Hindi nga to bar, pero party din... pero para mas malinaw, kung nasaan man ako ngayon ay mukhang bar sa paningin dahil nga lumitaw ako sa bar stool pero lahat ng nandito, naka tux and dress.

Kung paano ako napunta dito? Hindi ko din alam, automatic na napupunta ako sa lugar kung saan may nangangailangan sakin. Mapili lang talaga ako kaya nilalayasan ko yung lugar katulad ng gagawin ko ngayon.

Nakapamulsa akong lumabas ng party venue. Boring...

"Anyways let's continue the party for a while now while we are waiting." Mukhang may problema sila at kung ano man yun, wala akong pakealam.

"SANDALI!!!"

"STOP RIGHT THERE MILDRED!!!" nang lumingon ako isang babae ang tumatakbo papunta sa direksyon ko. She's wearing a white long dress, bare footed and her hair is messy. Mukhang dumaan sya sa malalang ... uh... di ko din matukoy kung ano. Naririnig ko mula dito ang hingal niya, gaano na ba kalayo ang tinatakbo niya?

Nang malapit na sya sakin saka pa sya natapilok at mukhang nanghina kaya wala akong choice kundi ang saluhin sya.

"Tsk! Bitawan mo ko." Agad nyang nabawi ang lakas nya saka ako tinulak.

Ang lakas naman ng loob ng babaeng to. Matapilok ka ulit sana.

"ARAY!" Nang lingunin ko sya... nakadapa na sya sa semento. Tsk... pasensya na, medyo sadya.

"Mildred!!!" Hinahabol sya ng babaeng medyo may edad na at isang lalakeng mukhang normal sa paningin ko.

Babangon na sana sya pero naabutan siya ng lalake at hinawakan sya sa braso.

"Ano ba! Bitawan mo nga ako!" Nakita kong sinapak niya sa mukha yung humawak sa kanya saka tinadyakan sa tiyan para makawala sya sa pagkakahawak ng lalake. Natawa ako sa ginawa niya. Naka-dress pa sya sa lagay na yan. "Don't you dare touch me with your filthy hand!"

ZODIAC: SCORPIO [COMPLETED]Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu