ALENA:Na ngayon na nakalabas na ang mga trabahante mag-uusap na tayo tungkol sa mga bagay na ating nahanap sa ating paglalakbay at sa mga susunod na plano.

MIRA:Sige Hara habang nasa resort kami ni Lira ang narinig namin na nag-uusap ang mga tauhan ni David na may balak silang dukutin kahit isa lang daw sa amin para magkapera sila.

LIRA:Hindi lang iyon nang papunta kami sa restobar kami nila Paopao ay hinarangan pa nila kami kaya gumamit na ng kapangyarihan si Mira buti nalang na walang nakakita sa amin noon.

PIRENA:Mabuti nalang talaga na walang nakakita sa inyo kundi malalagay kayo sa alanganing sitwasyon,sa paglalakbay naman namin nila Amihan ay may nailigtas kaming tatlong babae na nabiktima sa panloloko akala nila sa matinong trabaho raw ang kanilang papasukan ngunit ibebenta pala sila sa mga kalalakihan na pumunta doon sa bar.

DANAYA:Bukod sa tatlong babae ay may narinig kaming impormasyon ni Alena na nanggaling mismo sa mga kaibigan ni David na may papasukin daw silang bagong negosyo.

ALENA:Tama si Danaya at ang negosyong iyon ay mandukot sila ng mga bata at kunan nila ito ng mga lamang loob upang ibenta.

AZULAN:Pashnea talaga ang mga taong iyan noh sarap balatan ng buhay! ,sa pabrika naman ng droga ay may mga bata silang pilit na pinagtrabaho doon mukhang dinukot nila ang mga ito mula sa kanilang mga magulang.

MEMFES:Tama si Rama Azulan batid naman natin na ang mga sindikato ay gumagawa ng mga paraan para ikalat ang kanilang ibinibenta bukod sa ilalagay nila sa loob ng isda ang droga may narinig kami na gagamit sila ng mga bata para maghatid ng mga ito sa kanilang mga customer.

LUCAS:Maparaan talaga ang mga mokong na iyan ha, anyway what we found out sa aming pagpunta sa Villagonzalo building ay kagaya na inaasahan may mga armas na galing sa ibang bansa na dumarating may ilang politiko ang dumating doon upang bumili ng armas.

AVA:Sa bahay pasugalan ay narinig namin ni Amelia mula sa mga bantay doon na inutusan raw sila nila Agatha at Ether na patakasin ang lahat ng mga bilanggo sa Muntinlupa para gawin nilang mga alagad.

AMIHAN:Nakakatiyak ako na ilang araw mula ngayon ay may labanan na magaganap dito sa mundo ng mga tao.

CASSIOPEA:Sa nakikita ko ay ito na ang pagpalaganap ng propesiya ang atin nalang ay maghanda sa unang digmaan dito sa mundong kinatatayuan natin.

YBRAHIM:May imumungkahi ako batid naman natin na malaking posibilidad na madadamay ang mga inosente dito maari naman natin na ipasa ang mga videos at mga litratong nakuha natin mula sa ating pag-iimbistiga sa mga awtoridad at e set natin as anonymous.

AQUIL:Sumasangayon ako kay Rama Ybrahim sa ganyang paraan ay maari nitong pigilan kung anuman ang kanilang ibinabalak.

PIRENA:Maganda ang inyong mungkahi Rama at Mashna sa aking palagay ay kailangan na rin natin sunduin ang ilang kawal mulawin para idagdag sa ating hanay.

EMRE:Magpatawag na rin ako ng mga Celestia na makatulong sa atin sa maaring digmaan na magaganap at tutulong sa paglikas ng mga inosente upang tiyakin na hindi sila madadamay.

ALENA:Maganda ang inyong mga mungkahi tungkol sa mga hakbang na ating gagawin sumasang-ayon ako,sino pa sa inyo ang sumasang-ayon?

Lahat naman ay nagtataas ng kanilang mga kamay.

ALENA:Magaling at ang sunod naman nating pag-usapan ay ang tungkol sa burol.

OTIS:Magandang bagay iyan na dapat nating pag-usapan, matanong ko lang ano ba ang mga seremonyang ginawa ng mga tao kapag namatayan?

PAOPAO:Dito po kasi Rama ay kailangan siyam na araw ang burol peo ang iba kahit tatlong araw lang pwede ng ilibing sa sementeryo.

AMELIA:Tama si Paopao at kailangan araw-araw ay may pagkain kayong ihahanda pagkat merong dadalaw na mga kamag-anak at kaibigan.

KEVA:Kung ganon man ay simulan na namin maghanda para bukas pagkat natitiyak ko na may mga dadalaw talaga.

JACINTHA:Tulungan na namin kayo Keva at Otis kayo ang maghahanda ng pagkain mamaya di ba, sa susunod na araw kami naman ni Liam sa susunod na araw.

TARIQUE:Kami namin ni Amelia ang bahala sa ika-apat na araw at kukuha ako ng ilang kawal mula sa aking kaharian nang saganon ay merong bantay sa labas.

OTIS:Maraming salamat talaga sa inyo, ngunit sa ngayon ay bumalik muna tayo sa ating mga tahanan upang makapagpahinga na rin.

Tinapos na nila ang pagpupulong at ilang sandali lang ay dumating na ang ilang katulong nila Otis na may dalang ilang kagamitan sa gusali kung saan gaganapin ang burol para magbantay.

SA FORBES TAHANAN NG MGA DIWATA

Pagdating ng mag-anak ay agad silang dumeretso sa sala upang ipakilala sina Cassandra sa mga bihag na nasagip nila mula sa bar at pabrika ng droga pagkatapos nun ay sinamantala na ni Cassiopea ang pagkakataon na patulugin sila saglit at tanggalin sa kanilang mga ala-ala ang mga naganap na hindi pangkaraniwan para sa mga mortal tapos ay naisipan na nilang magpahinga pagkat malalim na rin ang gabi.

SA SILID NI YBRAHIM AT AMIHAN

AMIHAN'S PROVERBS

Nasa silid na nga kami ng aking asawa ngunit hindi pa kami dinadalaw ng antok kaya naisipan namin magtungo sa balkonahe at pag-usapan ang mga bagay-bagay.

AMIHAN:Alam mo ba Mahal umaasa ako na sana magtagumpay tayo sa ating misyon dito.

YBRAHIM:Ako nga din nang saganon ay makabalik na tayo sa Encantadia tapos dadalaw nalang tayo dito upang bantayan ang negosyo natin.

AMIHAN:At sana sa atin kumampi ang tadhana pagkat batid ko na lalaki ang digmaan kaulad ng naganap sa Encantadia umaasa ako na hindi ito magtatagal ng mahabang panahon.

Inakap ako ng patalikod ng aking asawa pinalibot niya ang aking kamay sa aking bewang at ipanatong ang kanyang ulo sa aking balikat.

YBRAHIM:Manalig lang tayo Mahal pagkat kasama natin si Emre ngayon.
(At hinalikan niya ang aking pisngi)kaya wala tayong dapat ipag-alala.

AMIHAN:Sabagay,magpahinga na tayo kasi maaga pa tayong gigising bukas marami rin tayong gagawin.

YBRAHIM:Oo nga noh..

Kaya pumasok na kami sa silid na magkahawak ang kamay sa hindi inaasahan ay hinila ako ng aking asawa papalapit sa kanya.

AMIHAN:Ashtadi!bakit mo ako hinila na wala man lang pasabi.

YBRAHIM:Hehehe..Hindi kaya ako ang humila sa iyo ang kamay ko kaya.

AMIHAN:Ikaw talaga... (Sabi ko habang pinipisil ang ang kanyang ilong)

Unti-unting niyang nilapit ang kanyang mukha hanggang sa naglapat ang aming mga labi at unti-unting lumalim ang aming paghahalikan tapos hinalikan niya ako sa leeg magsimula ng maglakbay ang kanyang mga kamay sa aking katawan.

Hinubad ko ang kanyang pang-itaas at nagpatuloy sa paghalikan hanggang sa napahiga kami sa kama at pinagpatuloy namin ang aming ginagawa hanggang sa makatulog kami.

ENCANTADIA:BAGONG MUNDO BAGONG YUGTO(UNANG LIBRO)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن