Lo-wel-lahh

210 5 1
                                    

Napakagat-labi si Lowella nang makita sa relong pambisig na pasado alas sais na ng gabi. Nag-OT kasi siya saglit para tapusin ang daily output report ng mga copyeditors na hina-handle niya sa isang BPO company na pinagtatrabahuhan. Bilang supervisor, iyon ang isa sa mga tungkulin niya.

Ngali-ngali siyang pumara ng taxi pagkalabas ng office building. Kailangan niyang bumili ng birthday cake sa paboritong shop ng sampung taong pamangkin. Dapat kanina pa niya ito ginawa pero kahit breaktime niya ay hindi niya nagawang i-enjoy para lang matapos ang backlogs. Nagkasakit kasi siya nitong nagdaang mga araw at ang sumalo sana sa trabaho niya ay hindi naman nagawa nang maayos. O sadyang hindi lang inayos ng babaeng mukhang kunehong inggit sa kanya dahil siya ang gusto ng boss nila. Well, story of her life.

Bago sumakay ng taxi ang naka-heels, skirt, and blouse na dalaga ay napalingon siya sa likuran. Para kasing may sumusunod sa kanya. Ilang araw na niya itong napapansin pero binalewala na lang niya dahil wala naman siyang nakikitang kakaiba. Kung hindi mga kasamahan niya sa trabaho ay estranghero lang na napapasulyap sa kanya. Nothing serious. But there was that gnawing feeling she had deep in her subconscious that something was definitely not right.

Lumingon sa magandang beinte y singko anyos na dalaga ang driver pagkasara ng pinto sa backseat. Bigla siyang natigilan nang makita ang nakangising nilalang na maitim ang mukha, may dalawang nagliliyab na sungay, at may mapuputi ngunit matatalas na ngipin habang ang mga mata nito ay literal na nag-aapoy.

She froze in fear, and she could hear nothing but her heart brutally kicking her rib cage. Parang tumakas ang lahat ng dugo sa katawan niya at namutla siya. Nang kumurap naman siya ay isang ordinaryong mukha ng mamang taxi driver ang bumungad sa kanya. Napasulyap ito sa bakanteng parte ng upuan. Nakikita nito ang isang guwapong nilalang.

"Saan kayo, miss?"

"S-sa pinakamalapit n-na mall ho," nauutal na aniya. Napalunok pa siya at napalingon sa tabi niya habang tumatakbo na ang sasakyan.

"May date kayo, miss?" Tumingin sa kanya sa rear view mirror ang driver.

"A-ah, bibili lang ho ng cake para sa pamangkin ko para sa maliit na dinner party niya mamaya. Late na nga ho ako, eh," sagot niyang may pilit na ngiti.

Kinakabahan pa rin siya nang hindi mawari. Napansin kasi niyang hindi lang siya ang sinusulyapan ng driver. Wala naman siyang kasama. Lingid sa kanya ay sinisinghot ng demonyo ang leeg at dibdib niya.

Pagkaabot niya ng bayad nang huminto ang taxi ay nagsalita ulit ang driver.

"Miss, bakit hindi mo kinikibo ang kasama mo? May LQ kayo?"

Bigla na namang sumipa ang puso niya dahil sa sinabi nito. Maang siyang nakatitig sa driver.

"Ho?"

"Ah, sorry, miss." Nagmuwestra na itong puwede na siyang umalis.

Humugot na lang siya ng malalim na hininga bago pumasok sa mall. Sinalubong siya kaagad ng malamig na aircon. Dumiretso na siya sa cake and pastry shop na sadya at bumili ng cake. Pinilit niyang iwaksi mula sa isip ang sinabi ng mamang driver. Tinakot lang yata siya nito. Baka trip lang ng walang hiya.

Inayos niya sa pagkakahawak ang cake at pumihit nang bumangga siya sa isang lalaki. Nalaglag tuloy ang kahon ng cake.

"Oops, sorry!"

Narinig niya pa ang pamilyar na malalim na boses. Napaangat siya ng tingin nang nakaawang ang mga labi.

"Ignacio?"

Pinasadahan niya ng tingin ang trenta anyos na ex-boyfriend. Simpleng naka-jeans, V-neck T-shirt at sneakers ito. His well-toned muscles were clearly on display. 'Di sadyang napatingin siya sa paligid at hayun na nga. The women were ogling him, like they were ready to devour him.

When the Devil Stalks You (One Shot for Nobelista)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz