Nakita ko sa Living si Dad na karga karga ang anak ko habang nilalaro ni Jake, Si Josh naman ay napaismir nalang at umakyat na sa silid nya habang si Jane ay nagtitimpla ng gatas....

Hindi talaga nakikihalubilo si Josh kapag ang anak ko na ang pinagtutuunan ng pansin. Pakiramdam ko tuloy ayaw nya sa pamangkin nya...

"Hon, Tommorow is the 2nd Birthday of Baby Jamilla" Jane said while giving a bottle of milk to baby Jam.

"What's your Plan"  I said

Nawala talaga sa isip ko ang kaarawan ng anak ko dahil sa kaiisip sa babaeng yun..

"Sa Isang hotel natin ganapin" singit na saad ni Dad.

"Saang hotel Dad?" Pagtatanong ni Jane.

Habang si Jake ay umalis dahil sa tawag galing sa phone nya.

"Sa ka bussiness Man ko si Benedict" saad ni Dad na ka agad namang namilog ang mga mata ni Jane.

"BENEDICT? FONTELO?" tanong nya ulit

"Yes, Hmmm you know him?" Dad said

"He was my school mate" balisang tugon ni Jane.. Ang weird na ng mga nangyayari dto sa mansyon...

"Ow! Nice" sabi ulit ni dad at nilisan na ang Living papunta sa silid ni Jamilla sumunod naman si Mom doon kaya naiwan kami ni Jane sa Living...

"Any Problem?" Pagtatanong ko sa kanya.

Ka agad nyang nilagok ang tubig na nasa harapan nya.

"Naisip ko lang kasi Hon kung pwede dito nalang sa Mansyon" Saad nya habang hinawakan ang mga kamay ko.

"Jane, Hindi mo na mababago desisyon ni Dad kilala mo naman yun! Lalo na at ka bussiness nya yung pupuntahan natin" pagpapaliwanag ko sa kanya at pinisil pisil ang mga palad nya na nanlalamig.

"Any Problem of Benedict Hotel?" Pagtatanong ko sa kanya.

Umiling lang ito at nagmadaling tumayo dahilan upang matabig nya ang basong kaharap nagpatak ito at nabasag kaya ka agad itong yumuko at walang pag iingat na hinawakan ang mga basag na piraso ng baso.

"Ouch" rinig kong daing nya nang natusok sya.

"Carefull, Yaya Can You Please Clean This?" Pag uutos ko sa katulong namin at ka agad hinila si Jane sa silid namin.

Nang nasa silid na kami ay ka agad kong hinugasan ang nagdurugo nyang kamay, Pagkatapos ay ginamot ko ito! Nag angat ako ng tingin sa kanya at...

"Danica?" Mahina kong pagtatanong dahil sya ang nakikita kong ginagamot ko.

"Hon?" Pagtataka ni Jane.

"Nothing" usad ko at ka agad tinapos ang ginagawa.

Nahiga ako sa aming kama at pumikit ng mariin kasabay nun ang pagyakap ng mahigpit sakin ni Jane.

Humarap ako dito at hinaplos ang pisngi sabay halik sa noo. Pumikit si jane at pakiwari ko ay inaantok ito kaya hinimas himas ko ang buhok nya. Nang payapa na ang paghinga nya ay nagumpisa na din akong matulog...

Benedict POV

"Danica?" Tawag ko sa kanya habang nasa kwarto nya.

"Bakit dekdek?" Tanong nya pagkabukas ng pinto.

"May kliyente kasi tayo ngayon, kailangan nating agahan para makatulong tayo sa pag dedecorate ng Hotel" mahabang lintanya ko.

"Sige liligo lang ako, Ano ba ang apelyido ng Kliyente mo?" Pagtatanong nya.

"Si Mr.Wilson yung tinutukoy ko sayo na naka bussiness ko sa Thailand" paliwanag ko sa kanya na ka agad napalaglag panga sya.! Alam ko na nasa isip ng babaeng ito.

"Dont worry Danica! Madaming Wilson sa mundo" dugtong ko sa kanya.

Inirapan nya lang ako at mabilis na sinara ang pinto ng kanyang kwarto. Halos mag dadalawang taon na pero hindi ko pa din nakikita ang anak ko.! Gustuhin ko man pumunta kina Jerome pero di ko magawa dahil baka makagulo lang ako sa kanila.

Mga Tatlong oras na din akong nakaupo dito sa Sofa ng Condo namin at jusko katagal kumilos ng babaeng yun daig pa ang pagong..

"Uy Dek" tawag nya sakin pag ka labas nya.

Napalaglag panga naman ako at ni head to foot sya.. Pano ba naman naka hanging jacket sya at naka jeans at shit kita ang pusod nya parang...

"Aray" nagpatigil sa pagpapantasya ko sa kanya nang sapukin nya ako.

"Ano ka ba?! Pinapantasya mo na naman kagandahan ko" biro nya na para sakin ay totoo.

"Tsk diyan ka na nga" pagtatampo ko at ka agad nang naglakad..

Sumunod naman sya sakin at mapayapa kaming nakarating sa Hotel.

Pagkadating namin ay handa na ang bawat set na lamesa at upuan sa bandang una ay ang kakaibang design na Table and Chair na doon uupo ang mga kamag anak ng Celebrant...

Nakita ko naman si Danica na inaayos ang mga tarpaulin ng batang may kaarawan lumapit ako doon at tumulong sa kanya.

"Ang gandang bata no?" Papuri nya sa batang nasa tarpaulin.

Napatango nalang ako sa kanya at kinuha ang ilang tarpaulin na ididikit sa may Stage.

"Siguro kasing laki na din nya anak mo no?" Dugtong pa nya kaya napatingin ako sa gawi nya..

"Danica bilisan mo na lang at baka biglang dumating sila" patawa kong sabi sa kanya habang sya naman ay inirapan lang ako at ikinabit na ang tarpaulin sa may stage.

Danica POV

Isang oras na lang at pupunta na dto ang celebrant at mga bisita nila... Kaya mag reretouch muna ako at magbibihis.

Tama si Dek madaming Wilson sa mundo at imposible na makita ko sya dto.

Isinuot ko ang isang Long Gown na Color Whit na Hindi masyadong kita ang  pusod at cleavage ko.

Pagkatapos at nag high pony ako at nag make up na. Kami kasi ni Dek ang mag e emcee sa stage mamaya dahil kami ang owner ng Hotel na ito.

Palabas  na ako sa dressing Room ng makaramdam ako ng kakaibang kaba.! Pinag kibit balikat ko nalang ito at ka agad na tumungo sa Likuran ng stage kita ko din si Dek na nag iintay sakin...Maririnig din ang ingay ng mga tao dahil sa dami, at sa palagay ko ay mga bigating tao ito.





Maid Of Wilson Brother's (Complete)Where stories live. Discover now