BAGONG KAKAMPI NI ETHER

Zacznij od początku
                                    

LIRA:Ashti paano niyo po nalaman na kakampi siya nila Ether?

PIRENA:Pagkat sinundan namin siya ni Azulan at doon kami dinala ng aking brilyante pagkatapos nakita namin na kinausap niya si Ether habang kami ay nagtatago sa isang sulok at narinig ang kanilang pinag-usapan.

AZULAN:Pakiramdam ko na kilala mo itong nilalang na tinutukoy namin Lira pagkat may nabangit siya na pekeng pamangkin ka daw niya,at di ba Milagros ang pangalan mo sa mundo ng mga tao?

LIRA:Opo Aldo,si Tiyo Berto ang tinukoy mo di ba?

AZULAN:May narinig kami ni Pirena na may binanggit na pangalang Berto si Ether...

LIRA:Bakit siya napunta dito sa Encantadia?

MIRA:Nakalimutan mo ba bes na may iba pang lagusan dito bukod sa puno ng Asnamon?

LIRA:Hindi ko iyon nakalimutan ngunit paano siya nakapasok?Ang pagkakaalam ko na hindi ka papasukin noon ng nagbabantay kung wala kang dalang taon upang iligaw dito..

PAOPAO:Nasagot mo na ang iyong kasagutan Lira,posibleng may taga dito na nagdala sa kanya,ngunit sino?

MEMFES:Yan ang ating alamin,ngunit bukod diyan ay meron akong katanungan para kay Hara Pirena?

PIRENA:Ano ang iyong katanungan Rehav?

MEMFES:Saan ba ninyo nasundan ang nilalang na tinutukoy ninyo?

PIRENA:Sa Lumang Etheria.

MIRA:Huh?akala ko Yna ay tuluyan nang nasira ang kaharian na iyon.

PIRENA:Iyan din ang akala ko,ngunit ang pagtataka ko ay bakit pa nila babalikan ang luman na kaharian na iyon?

DANAYA:Baka may tinatago silang bagay na mahalaga sa kanila kaya sila nagtungo doon.

AMIHAN:Posible nga iyon,at malay natin doon din nila itinago ang kanilang mga bihag.

ALENA:Iyan ang dapat nating alamin,kaya kailangan bukas na bulak magpadala na tayo ng ilang mga kawal upang batyaw doon.

PAOPAO:Magandang ideya iyan Ate Hara Alena.

ALENA:Avisala Eshma Paopao.

AQUIL:Kumusta na man ang paglalakbay niyo ni Rehav Memfes Hara?

ALENA:Sa pagpunta namin sa lupain ng mga Nymfas nakausap namin ang kanilang pinuno sa si Aya ang sabi niya sa amin ay naghahanap lang ng makakain ang kanilang mga kasama at nagtataka nalang sila hindi pa ito bumalik.

MEMFES:Wala rin silang napansin na ibang nilalang o kawal na nakapasok sa kanilang lupain.

YBRAHIM:Hindi kaya ang nilalang na nakalaban nila Pirena't Azulan ang maaring kumuha sa kanilang mga kasama?

MIRA:Maari Aldo,pagkat nabangit nila Ashti Danaya na nakaharap ng mga Barbaro ang nilalang.

AQUIL:Kung ganon ay kailangan nating mas higpitan ang siguridad ng mga kaharian at mga lupain para masiguro natin ang kaligtasan ng lahat..

ALENA:Tama ka doon Mashna Durye..

Pagkatapos ng kanilang pagpupulong ay nagpasya agad silang bumalik sa kanilang mga kaharian upang masabihan ang kanilang mga Mashna na mas higpitan ang pagbabantay at nagpadala na rin sila ng mga kawal upang bantayan ang iba pang mga lupain.

KINAGABIHAN......

Sa Adamya magpapalipas ng gabi si Alena pagkat nais ni Adamus ay sama-sama silang matutulog mag-anak sa anong pilit ng Hara na ipikit ang kanyang mga mata hindi siya makatulog pagkat hindi niya maiwasang mag-alala para sa kanyang anak at sa buong encantadia kaya bumangon ito at nagpunta sa balkunahe ng kanilang silid upang magpahangin at may naramdaman siyang may paparating at paglingon niya ay si Memfes lang pala na nagdadala ng dalawang kupita na may laman na alak at ang isang bote ay pinapadala niya sa Dama.

ENCANTADIA:BAGONG MUNDO BAGONG YUGTO(UNANG LIBRO)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz