Mas lalo pang nilakasan ni Agatha at ang kanyang mga kaanib ang kanilang pwersa kaya lalong nahirapan ang mga sang'gre

GURNA:Saan na ngayon ang yabang niyo mga diwata!

PIRENA:Akala niyo na padadaig kami sa kapangyarihan niyo hindi niyo pa rin kami basta-basta matatalo!

ANDORA:Kahit na kayo'y nahihirapan napataas pa rin nang tingin niyo sa inyong mga sarili!

AGATHA:Kung ako pa sa inyo ibigay niyo na ang mga hinihingi kong kapalit.

AMIHAN:Kahit kailan hinding-hindi namin hahayaan na mapunta ang aming mga briylante sa mga kamay mo!

Konting-konti nalang at madadaig na nila ang magkakapatid ngunit dumating ang Bathalumang Cassiopea at tinulungan ang mga Sang'gre hindi na halos makalaban ang panig ni Agatha pagkat sadyang makapangyarihan ang isang Bathaluman.Sa ilang sandali lang ay nadaig dib nila ang panig nila Agatha.

AGATHA:Tanakreshna!pakialamera ka talaga Cassiopea!

CASSIOPEA:Ginawa ko lang kung ano ang nararapat Agatha!Nakiusap ako sa iyo na itigil mo na ang iyong mga masamang gawain ngunit hindi ka nakinig!

AGATHA:Hindi ako makikinig sa isang gaya mo!(Magpakawala sana siya nang kapangyarihan ngunit pinigilan ito ni Cassiopea)

Habang pinigilan nang bathaluman ang kanyang kapangyarihan ay may Enkantasyon itong sinasambit.

CASSIOPEA:Isinusumpa ko na kahit sino sa inyo ang gagamit nang kapangyarihan sa kahit anong oras at pagkakataon ay isa-isang mamamatay ang inyong mga kaanib maliban lang sa mga kakampi nang liwanag at sa bawat planong niyong sakupin niyo ang buong Encantadia at hinding-hindi kayo magtatagumpay!

At nag-ivictus ang Bathaluman kasama ang mga Sang'gre patungo sa Silangang bahagi nang palasyo.

CASSIOPEA'S PROVERBS

Pagdating namin sa Silangang bahagi nang kaharian ay naabutan naman ang ibang mga kasama nang mga sang'gre nag-uusap kung saan sila magsimulang maghanap.

LIRA:Great Grandma Cassiopea! ba't kayo naparito?

CASSIOPEA:Naparito ako upang tulungan sa kayo na hanapin ang mga diwani at rehav.

MIRA:Perfect!batid mo ba kung saan sila itinago?

CASSIOPEA:Oo,kaya halika na kayo habang may oras pa tayo!

Nag-ivictus na kami patungo sa lugar kung saan itinago ang mga Diwani at Rehav napansin namin na parang may nakamasid sa amin.

KAWAL:Mga Vedalje!

Pinalibotan kami nang napakaraming kawal

PIRENA:Wala na akong panahon sa mga ganito!

DANAYA:Ako din at medjo napapagod na din ako!

CASSIOPEA:Mabuti pang pag-isahin na natin ang ating mga kapangyarihan!

ALENA:Sumasang-ayon ako diyan Bathaluman nang saganon ang mapadali ang ating laban.

AMIHAN:At madaling natin itong mauubos.

MIRA:Tutulong na rin kami ni Lira.

LIRA:Gora ako jan bes!

Pinagsanib namin ang kanilang kapangyarihan kaya madaling nauubos ang kawal niyebe na nakabantay sa parteng ito nang palasyo pagkatapos ay nagsimula na kami sa paghahanap doon namin naabutan ang mga Diwani at Rehav sa pinakadulong piitan na may pananggalang ngunit madali ko itong nasira at nabuksan.Nang makalabas na ang mga paslit agad nila inakap ang kanilang mga magulang.

ALANA:Avisala eshma na dumating kayo upang iligtas kami!

PIRENA:Walang anuman anak salamat din kay Emre na ligtas kayong apat.

CASSANDRA:Akala ko hindi ninyo kami mahahanap pagkat nasa pinakadulo ang aming kinaroroonan.

LIRA:Alam mo anak kahit gaano kalayo ang inyong kinroroonan hahanapin at hahapin namin kayo.

DASHA:Salamat po talaga sa inyo,at poltre po sa aming nagawa kung hindi kami tumakas hindi kami nabihag.

AQUIL:Huwag mo nang isipan ang mga bagay na iyan ang importante maiuwi namin kayo nang ligtas.

ADAMUS:Kung hindi kayo dumating,mawawala siguro kami sa katinuan sa kaiisip kung paano kami makatakas..

MEMFES:Sa tingin ko hindi mangyayari ang iyong sinabi anak pagkat matatalino kayo at makakahanap kayo nang paraan upang makatakas.

MIRA:Tama si aldo pagkat mana kayo sa Amin!

CASSIOPEA:Poltre kung putulin ko ang inyong masayang sandali tayo na't magbalik nang Lireo habang tayo'y may oras pa.

Sabay kaming nag-ivictus patungong Lireo.

ENCANTADIA:BAGONG MUNDO BAGONG YUGTO(UNANG LIBRO)Место, где живут истории. Откройте их для себя