“Alam niyo class ang LOVE parang 2ND LAW OF THERMODYNAMICS lang yan, kapag break na break na talaga unless may work kang gagawin.” Sabi ng professor namin sa Physics II habang nakatingin ako kay Lloyd. Infairness, nakuha ni sir ang attensyon ko dito ah. Basta usapang love abtik ang isip ko para magtake notes pero kapag matinong lecture walang nasusulat. Saklap naman. Pero salamat sa gintong butil ng kaalaman na ibinahagi ngayon ni Sir, isasapuso at isasaisip ko toh, para kapag naging kami ng crush ko, di mauuso ang salitang break sa amin at kung mauso man, siguradong may ‘work’ ako o siyang gagawin. Hahaha! Ang landi mo lang gir!. Kung ganito lang sana ang laging lecture sa Physics gaganahan ako makinig habang nakatitig kay Lloyd baka nga maprefect ko pa ang mga exam. Kaso hindi, iba pala ang hagupit ng Physics ang lupit!  Pakiramdam ko nga babagsak na ako sa subject na toh.

Eh kasi naman girl, kung sana pati sa pag-aaral gawin mo rin syang inspirasyon, tularan mo baka sakaling pumasa ka, singit uli ng isip ko. At anong malay mo, baka ang Physics ang maging daan para magka-usap kayo, dagdag pang komento ng isip ko.

“Happy birthday Bey!” masiglang bati sa akin ni Lloyd nung kasama naming siyang nakatambay sa CLC habang nagrereview sa Calculus namin dahil may exam kami maya-maya. Nagulat ako kung paano niya nalaman, pero nung narealize ko na kasama nga pala namin ang mga kaibigan ko malamang sila ang nagsabi.

“Salamat!” nakangiting sagot ko sa kanya. OMG! Parang naka-jackpot naman ako dun ah. Gosh! Binati ako ni Lloyd. Buo na ang araw ko, pwede na akong umuwi. Hahaha. Joke lang. May exam pa nga kami.

Habang nagrereview hindi ko rin maiwasang hindi tumingin sa kanya lalo na kapag nag-eexplain siya kung paano niya naderive ang sagot. Grabeh.  Buti na lang hindi niya ako nahuhuling nakatingin sa kanya at buti na lang hindi rin yun napapansin ng mga kasama ko kundi patay sa kantyaw ang abot ko sa kanila.

Tapos na ang exam sa Calculus, ang ganda ng regalo sa akin ni Sir. Ang tindi ng exam, hindi ko makakalimutan yun. Ewan ko kung pasado ako, pero malamang si Lloyd, pasado yun eh ang talino kaya niya. Nagmamadali siyang lumabas ng room pagtapos ng exam ni halos hindi niya na nga nagawang magpaalam sa mga kaibigan nya.

“Bea, anong plano mo? San tayo?”tanong sa’kin ng mga kaibigan ko.

“Ha? Wala eh. Di ko muna kayo malilibre, next time na lang wala akong pera ngayon.” Sa totoo lang kasi, wala talaga akong balak magcelebrate ng birthday ko. Gusto kong ipagdiwang yun mag-isa. Sabi ko pa nga sa nanay ko, bigyan niya lang ako ng pera ayos na ako. Hahaha. Mas praktikal pa. Di ko pa kasi nabubudget yung binigay na pera sa akin kaya di ko muna ililibre ang mga kaibigan ko. Hahaha.

“Oh? Grabeh. Laro na lang tayo, kahit powerstone lang. Sige na, manlibre ka na lang ng Powerstone.”kahit kailang mga adik talaga tong kaibigan ko.

“Next time na lang nga, uuwi na ako. Salamat sa pagbati niyo. Hahaha.” Sabi ko sa kanila.

“KJ nito. Mamaya ka na muna umuwi. Saglit lang, samahan mo muna yang si Graciella sa CTE Building.” Sabi naman ni Angelica. Birthday ko ako ang uutusan sumama, ayos rin talaga eh. Hahaha.

“Oo nga, samahan mo na Bea. Dali na, lakad na kayo.” Singit pa ng isa kong kaklase.

“Oo na, sige na.” sagot ko.

“Iwanan mo ang bag mo dito ah, para siguradong babalikan mo kami.” Dagdag pang sabi ni Angelica.

“Napakademanding naman. Sige na, bantayan mo yan ah.” Kunwaring nagtaray kong sabi.

At nagsimula na nga kaming lumakad palabas ng building naming para pumunta sa CTE Building, pagdating naman naming sa CTE Building, wala ang mga kaklase naming nung hayskul na sadya naming dun ni Graciella. Umupo lang kami sa lobby at hindi matigil magkwento si Graciella ng kung anu-ano. Parang nililibang niya ako. Ang weird lang.

“Frend, parang wala na yata sila dito eh. Baka umuwi na sila.”sabi k okay Graciella dahil kami na lang yata ang tao sa building na toh.

Tumingin muna siya sa cellphone niya bago niya ako sinagot.

“Oo nga, tingin ko wala na sila. Tara, balik na tayo.” Yaya niya sa akin.

At naglakad na nga kami pabalik sa building namin. Nung malapit na kami sa room, parang walang tao pero may petals ng rose sa dinadaanan namin. Tumingin ako kay Graciella na parang nagtatanong ngunit kibit-balikat lang ang nakuha kong sagot sa kanya. Feeling ko may kakaiba, pero di ko na lang naiwasang mapangiti.

Nung makarating na ako sa loob ng room walang tao at bigla akong nilagyan ng piring sa mata ni Graciella. Hindi na ako nakapalag.  Maya-maya may narinig na lang ako na kantang tumutugtog at tinanggal ko na rin ang piring ko. Nakita ko ang ilan samga  kaibigan kong nasa tapat ng pinto at may hawak-hawak na tig-iisang rosas. Isa-isa silang lumapit sa akin para iabot yun, yung iba nakakatuwa nanggaling muna sa labas at may gulat effect pa nung papasok para iabot ang rose sa akin.

Labingdalwang rosas na ang natatanggap ko, nakakatawa pero umaasa ako na isa sa anim na natitirang mag-aabot sa akin ng rosas ay si Lloyd. Hindi ko ba nabanggit na labingwalong taong gulang na ako ngayong araw na toh?

Labingpito na ang natanggap kong rosas, hindi ko pa alam kung sino ang huling magbibigay ng huli dahil nasa labas pa siya. Pagpasok ng may hawan ng ikalabingwalong rosas ay napangiti ako. Talagang may kwelang moves bago iabot sa akin ang rosas ni Graciella ang huling rosas. Ang kalog talaga ng kaibigan ko.

Pagkatapos nilang binigay ang mga rosas sakto naming pagpasok ng cake at kinantahan nila ako ng Happy Birthday.

“Oops! Wish ka muna bago mo i-blow ang candle.” Halos sabay-sabay nilang sabi.

Pumikit ako at tahimik na sinambit ang aking  muntng hiling at inihipan ang kandila. Nagpalakpakan naman sila. Ang kakalog talaga nila.

"Winish mo ba Bey na sana makapasa tayo sa exam kanina?" Natatawang sabi ni Mikko, isa sa mga kaibigan ko.

"Oo. Hahaha! Guys, tara, sa bahay na lang tayo. Sakto oh, nagtext si Mama, may niluto daw sya." Sabi ko sa kanila. Malabo rin talagang kausap tong nanay ko eh, sabi ng wag ng magluto, siguro kasabwat rin toh ng mga kaibigan ko. Haha.

Gusto ko sana itanong kung nasaan si Lloyd, pero di ko na ginawa. Sapat na siguradong dahilan na hindi naman kasi kami close para sumama siya sa sorpresa na inihanda ng mga kaibigan ko. Pero siguro kung alam lang ng mga kaibigan ko na crush ko si Lloyd, alam ko gagawa sila ng paraan para makasama siya.

Ilang araw na ang lumipas simula nung binati ako ni Lloyd ng “Happy Birthday” pero hindi ko pa siya muling nakikita. Ilang araw na siyang absent sa klase at hindi ko alam kung bakit. Hindi rin naman napag-uusapan ng mga kaklase naming ang pagliban niya sa klase.

Bakit hindi man lang nagpaalam sa akin si Lloyd?

Lumipat na kaya siya ng school?

Nung araw ba ng kaarawan ko ang huli na naming pagkikita?

Hindi man lang kami naging close bago siya umalis.

Lloyd, asan ka na nga ba?

Pakisabi Na Lang...Where stories live. Discover now