{Chapter 27- Second Step}

ابدأ من البداية
                                    

"San ka pupunta?"-takang tanong nila ng tumayo ako.

"D-diyan lang. Bigla kase akong nawalan ng gana."-sambit ko at mabilis silang tinalikuran.

Dumaan pa ako sa likod ng hudas kaso di man lang ako napansin! Busy na busy talaga ano? Tss. Landi!

Deretso lang ang lakad ko papalabas ng cafeteria. Halos lahat ng studyanteng nakakasalubong ko ay gulat na gumigilid. Tss, dapat lang baka sila pa masapak ko. Ewan ko ba kung bakit nagkaganto ako bigla.

"Aray! Aba't gago ka pala----"

Natigilan ako sa pagmumura ko sa taong nakabangga sakin ng makita kung sino yun.

"A-arvie?"-gulat kong tanong.

Nanlaki bigla naman ang mata nito pagkakita sakin. Napatingin ako sa uniform niya. What the fvk?

Putangna. Dito pala talaga nag-aaral ang kumag na to? Kung mamalasin ka nga naman.

"Miss! Teka, dito ka din nag aaral?"-gulat niyo akong tinuro.

Napatingin ako sa paligid bago ko siya hinila sa kung saan. Dinala ko siya sa isang umbrella at dun kami naupong dalawa.

"Pucha. Dito ka nag aaral bata?"-di makapaniwalang tanong ko.

Napakamot naman ito sa batok at saka marahang tumango.

"3rd year. Teka ho, so ibig sabihin magkaklase kayo ni skyler?"-gulat pa niyang sabi.

Humalukipkip ako at saka napabuntong hininga.

"Teka nga bata, bakit hindi mo sinabi sakin na dito ka pala nag aaral?"

"Eh hindi naman po kayo nagtanong sakin."-napapakamot sa ulo niyang sagot.

Abat tangina rin neto ah. Pilosopohin pa ako.

Napapikit ako ng mariin.

"Kung ganun, dahil schoolmates tayo, itikom mo na lang ang bibig mo ha? Walang dapat makakaalam na tinutulungan ka namin kundi isusumbong talaga kita kay Governor Guerrero."-banta ko.

Namutla naman ito bigla dahil sa gulat at takot.

"W-wala naman pong ganyanan, miss. H-hindi ko naman po ipagkakalat ang tungkol sa inyo eh."-takot pa nitong pahayag.

Muntik na nga akong matawa sa reaksyon niya eh. Kung kumilos parang di lalake. Di kaya...

"Bakla ka ba?"-deretso kong tanong.

Nanlaki bigla ang mata niya at agarang umiling.

"H-hindi po! Lalake po ako, sadyang lumaki lang ho akong ganito."-depensa niya.

Lah, sarap pagtripan tong batang to ha. Di ko alam na ganito ang anak ni Governor Guerrero.

"Talaga? Sabihin mo nga, mayron ka naman sigurong liniligawan ano?"-asar ko. Bigla naman itong namula.

"M-meron..."-napapayuko niyang bulong pero sapat na yun para marinig ko.

Meron daw? Pucha, baka lalake liniligawan? Hahaha.

"At sino naman?"-taas kilay ko pang tanong na parang nanay na niya kung umasta.

Ba't ba. Ang sarap pagtripan eh.

"K-kailangan ko ho pa bang s-sabihin sa inyo?"-nahihiya niyang tanong.

"Aba oo. Gusto mo isumbong kita sa tatay m----"

UNEXPECTED INLOVE (COMPLETED)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن