Chapter One

188 5 11
  • इन्हें समर्पित: haimrue
                                    

Crazy Fangirl

Naranasan mo na bang ma-inlove nang sobra sa isang tao na alam mo namang wala kang pag-asa?

Iyong tipong hindi ka susuko kahit alam mong suntok sa buwan na mapansin ka niya.

Iyong kahit malayo kayo sa isa't-isa, patuloy ka pa ring umaasa na isang araw, magkikita rin kayo.

Kahit hindi ka niya kilala, pakiramdam mo ikaw ang dahilan kung bakit siya nakangiti.

Kahit alam mong kahibangan, hindi ka magsasawang isipin siya at kumpleto na ang araw mo masilayan lang siya kahit pa nasa loob siya ng television screen.

I'm sure everyone can relate. Alam kong hindi lang ako ang nahuhumaling sa isang kpop star. But me, I'm not gonna give up on my dreams. One day, mapapansin din ako ni Shawn.

"Ms. Agustin," tawag sa akin ni Mr. Henney. "Would you like to share with the class your stand regarding the issue?"

Wala sa sariling napatingin ako kay Mr. Henney, our old history teacher. I'm sure napansin niyang hindi ako nakikinig.

"W-what issue?" I mumbled. Narinig ko ang bulungan ng mga kaklase ko.

Mr. Henney shook his head at magsasalita sana nang biglang mag-ring ang school bell. Nakahinga ako nang maluwag. Saved by the bell.

"I want you to focus during my class, Hailey," sermon ni Mr. Henney bago umalis.

Nagkibit-balikat lang ako. If his class is interesting, sana hindi lumilipad ang utak ko.

**********

"Wala ka na naman sa sarili mo kanina," sabi sa akin ni Shelly. She's currently my closest friend. She's also Filipina at kakarating niya lang galing Pilipinas. Usually, nag-uusap kami sa tagalog para hindi maintindihan ng mga kaklase namin. We do have friends outside the school pero kami ang madalas na magkasama.

"Ang boring naman kasi ng matandang iyon e," reklamo ko.

"Ang sabihin mo, naglalakbay na naman papuntang Korea ang utak mo," tudyo ni Shelly at bahagya pa akong itinulak.

I laughed and took my phone from my pocket.

"Nakita mo ba iyong bagong interview kay Shawn?" excited kong tanong.

Napailing si Shelly pero excited ding tiningnan ang ipinakita kong article. Like me, die-hard fan din siya ng SNEWM or Sons of New Millenium, the boy group kung saan kabilang si Shawn. And like me, Shawn is her bias.

"He's really deep," kinikilig na komento ni Shelly.

Ngumiti ako kahit hindi ko alam kung paano niya nasabi na deep si Shawn samantalang typical celebrity answers lang naman yung mga sagot niya. Para akong nanay na feeling proud sa tuwing makakarinig ng papuri tungkol kay Shawn.

Isa pa, you can't really rely on international blogs dahil translated lang ang mga article doon mula sa mga korean sites. At kapag na-translate na, usually medyo nagbabago ang meaning. Maybe, smart at deep person talaga siya during interviews or maybe I'm just making excuses.

Shawn doesn't really speak Korean well kahit pa half-korean siya. Laking America kasi siya at Filipina ang mother niya. I heard divorce na rin ang parents niya.

He was scouted in an amusement park nang minsang magbakasyon silang pamilya sa Korea. He was a trainee for two years bago siya nag debut last year.

Trainee pa lang siya, I was already rooting for him. I was just a follower of kpop before pero hindi pa ako ganoon ka-addict. I saw him in one of the music video of a girl group kung saan siya nag-cameo. Hindi pa siya ganoon ka pogi noon but he already caught my eye. I searched his name in google at nalaman ko ang mga bagay tungkol sa kanya. Konti pa lang ang mga info noon unlike now. I was so happy nang mabalitaan kong kasama siya sa bagong ilalabas na group ng Rhombus entertainment.

My Sweet Obsessionजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें