Chapter 1

0 0 0
                                    

Biglang napadilat ang mga mata ko at napansin ko nasa kotse pala ako . Tinignan ko ang dalawa kong kapatid habang ang isa nagmamaneho ng kotse. "Kuya James saan po ba tayo pupunta? Ang layo-layo naman"sabi ko sa kanya.

"Syempre malayo pupunta kasi tayo sa probinsya ,ano ka ba JZ"sabi ni kuya jade–pangalawa sa aming magkakapatid. Binalik ko ang tingin sa labas ng bintana ng kotse. "Ang tagal eh"bulong ko. Napansin ko dumaan na kami sa tulay na gawa sa kahoy, kita ko ang malawak na lawa at mukhang malalim ito.

"JZ,umupo ka nga ng maayos---ah!"bigla nalang may narinig akong maingay mula sa truck at gumewang-gewang ang kotse namin."Kumapit ka JZ!"tuloy hindi na ma kontrol ni kuya james ang manibela dahil sa truck na bumabangga sa aming kotse bigla nalang natulak ang kotse namin papunta sa lawa.

Bata pa ako takot ako sa dagat ---

"JZ! Kumilos ka! Tubig lang yan wag kang matakot!"sigaw ni kuya james na pilit na tinatanggal ang seatbelt niya. Unti-unti lumulubog na ang kotse namin. Nanlaki ang mga mata ko at umabot na hanggang leeg ang tubig. "Kuya!"sigaw ko bago tuluyan ng lumubog ang kotse.

Natatakot ako...

"JZ!"

Pinilit kong buksan ang pinto ng kotse na nabuksan din. Rinig kong sigaw ng mga kuya ko na nawawala. Lumangoy ka JZ, lumangoy ka tandaan mo ang sinabi ng kuya mo. Tumingin ako sa ibabaw ng tubig at may kung ano ang dumaan sa ibabaw ko.
Malapit na akong maubusan ng hininga. Kailangan kong umahon!

Lumangoy ako paibabaw ng tubig para maka hinga at umahon sa tubig na humahangos sa pagod.Nabigla ako ng narinig ko ang ingay ng barko. Tumingin ako sa paligid ko sa surpresa nag iba ang paligid. Teka? Nasan ako?!


Ang daming barko, maraming ilaw sa ibabaw, may building at mga nanininda malapit sa dagat.Paano nangyari na yun? Nasan ako? Sina kuya james at jade! Patay na ba ako? Baka nandito din sila---


"Hindi kapa patay"Napatalon ako sa gulat at lumingon sa likod. May lalake na kulay puti ang buhok at may suot na mahabang itim na hoody hanggang paa at may hawak siyang patalim. Patalim?!

"Babaeng mortal,alam mo ba na nababasa ko ang iinisip mo?"Sabi niya."At alam mo ba na rude ang pagbabasa ng isip?teka?babaeng mortal?"tumango siya at lumapit sa akin."Te-teka...anong gagawin mo?"tanong ko habang umaatras ng konti na lumalapit naman sa akin.

"Wag kang gumalaw. Susubukan ko lang sa iyo ang death bell ko"Sabi niya at inangat ang itim na bell sa akin. Ginalaw niya ito pero walang ingay. "Isa kang grim reaper?"tanong ko. Nilagay niya sa bulsa ang death bell niya. "At isa kang tao sa mundo namin"sabi niya at hinila ang kamay.

"An-anong ginagawa mo?"tanong ko inalis ang kamay ko sa hawak niya."Kung hindi ka pa patay nanganganib ang buhay mo dito"sabi niya na nakapameywang. "Anong ibig mong sabihin?"napakunot noo siya. "Magiging espiritu ka at yun mga nasa barko!"sabay turo sa barko at sundan ko ang tinuro niya. May mga kakaibang maskara na lumabas at unti-unti lumabas ang itim nilang katawan.

"Ba-bakit? Sino ba sila?"nanginginig na tanong ko na umaatras. "Sila? Sila ay mga espiritu na kumakain kapag nakita ka nila"nanlaki ang mga mata ko sa takot ay nilampasan ko ang grim reaper at tumakbo papalayo. "Hoy! Bumalik ka dito!"Sigaw niya. Hindi ko na siya pinansin at tumakbo nalang ako sa kung saan ako mapadpad at madala ng mga paa ko.


Matapos ang pagtatakbo ko huminto ako na humihingal sa pagod.Grabe napakasama naman na grim reaper na yun.Nasan ba sina kuya? Nasaan ba ako? Ang sabi ng grim reaper ay hindi pa ako patay pero hindi man lang ako nakapag tanong kung nasan ako. Napaka matakutin mo naman Jayzel...



"Nasan ba...ako?"hingal ko at tumingin tingin sa paligid. Napansin maraming krus at grave stone ang nandito. "Excuse me,miss bakit ka nandito?"Lumingon ako sa likod at may matangkad na lalake ang nakatayo. May suot ito na orange headphones sa leeg, kulay orange ang jackeg niya with pants at medyo kulay dark orange ang buhok niya.



"A-Ano?"nginitian niya ako at inabot ang kanyang kamay. "Ang pangalan ko pala'y orange, ikaw?"pakilala niya. "Jayzel, jz nalang in short"sabi ko at makipag handshake sa kanya ng lumusot ang kamay ko sa kanya. "Anong...nangyari?"tanong ko at tinignan ang mga kamay ko. Naging transparent na ang kulay ng kamay ko pati buong katawan ko.



"Kumalma kalang, eto"sabi niya at may kinuha siya mula sa bulsa niya. Isang maliit na bilog kulay orange na hawak niya. "Ayoko nga! At ano naman yan?"sabi ko at lumayo sa kanya. "Kailangan mo ito lalo na't tao ka"sabi niya habang papalapit sa akin.

"Isa itong pill, wag kang mag-alala hindi ito lason"sabi niya at hinawakan ng dahan dahan ang kamay ko. Nilagay niya ang orange pill sa kamay ko."Magiging espiritu ka kapag hindi mo ito kakainin"sabi niya. Tinitigan ko orange pill sa kamay ko tsaka tinignan ang lalake na nanonood sa akin.Wala akong magagawa ayokong mamatay dito sa mundo at kailangan ko hanapin ang mga kuya ko.

Dahan-dahan nilagay ko sa bibig ang orange pill tas nilunok.Tinignan ko ang sarili ko na bumalik ang dati kong kulay at hindi na transparent."Hindi ka ligtas sa labas dito, sumama ka sa akin"sabi niya na't hinila ang kamay ko. "Te-teka...bakit mo ako tinutulongan?"tanong ko,huminto siya sa paglalakad. Mula sa likod nakita ko ang ngiti sa kanyang labi.


"Dahil kaibigan kita. Dapat tinutulongan ang kaibigan diba?kaya tara"sabi niya at nagsimula kaming maglakad. "Kaibigan?"bulong ko sa sarili. 'Nasan na kaya sina kuya?nag-aalala na yata sila sa akin ngayon' sabi ko sa isip ko.


'Pakiramdam ko...nangyari na ito'


Chegaste ao fim dos capítulos publicados.

⏰ Última atualização: Nov 26, 2018 ⏰

Adiciona esta história à tua Biblioteca para receberes notificações de novos capítulos!

Spirit DimensionOnde as histórias ganham vida. Descobre agora