Chapter | Six

Começar do início
                                    

        Binitawan ni Aldrin ang remote sa may center table atsaka tumayo at nagpunta ng kusina at tinulungan si Lavinia sa pagtitimpla ng juice at paglalagay ng palaman sa mga tinapay. Ako naman ay tahimik na naupo sa may solong sofa kaharap si Smoke at Peige. Nang makabalik na ang dalawa mula sa kusina ay nag-umpisa nang magsalita si Peige.

        "May point ka Emerson," panguna niyang salita. "Wala na ngang dahilan pa para hindi kayo magkita ni Sabrina dahil wala nang mangyayaring mas lalala pa sa unti-unting pagkawasak ng sangkatauhan."

Ang salita ni Peige ay kalahating winasak ang puso ko at kalahati ding pinaligaya ito. Katotohanan ay sumampal sa mukha ko na ako nga ang dahilan ng kaguluhan ng mga mundo pati na ang pagkawala ng kanilang mga kakayahan. Anong klase nga ba akong nilalang? Bakit ba nagawa ko ang mga bagay na nagawa ko? I'm a monster.

        "Ang problema na lang natin ngayon," ani Aldrin, "ay kung papaano natin magagawan ng solusyon ito." Ang boses niya ay puno ng pag-asa na nagpagaan ng loob ko kahit papaano.

        "At si Ergott," singit ni Lavinia, "kung papaano natin siya mapapanagot sa lahat ng ito, total ay siya naman ang lahat ng may kagagawan ng mga nangyayari."

Nagyuko ako dahil ang kunsensiya ay nagsumiksik sa dibdib ko. Pinabayaan ko lang silang mag-usap-usap tungkol sa paksang ito. Alam kong hindi nila ako tatanungin ukol dito dahil alam nila kung gaano ako nasasaktan at nagsisisi sa nagawa kong kasalanan. 

        "So what do you think Emerson?" pukaw sa'kin ni Peige.

Nag-angat ako ng ulo at itinuro ko ang sarili ko, hindi makapaniwalang hinihingi nila ang opinyon ko kahit hinid naman malinaw para sa'kin ang kanilang pinag-uusapan dahil inokupa ng kunsensiya ang buong kaisipan ko.

        "Oo," ani Lavinia, "what do you think about it?"

        "T-tungkol saan?" maang kong tanong dahil wala talaga akong ideya.

        "What if kung patayin na lang natin si Ergott? Would that help?" Si Peige ang nagtatanong at hindi ko alam kung papaano ako reresponde dahil ang mga ganitong bagay ay hindi naman nila itinatanong sa'kin dati, noong may mga espesyal pa silang mga kakayahan.

Nagkibit-balikat ako at hinanap ang mga mata ni Peige, "I don't know. Baka maging dahilan naman iyon ng mas matindi pang kaguluhan?"

Panandalian kaming natahimik bago nagsalita si Lavinia.

        "Paghihiganti ang dahilan kung bakit ito ginagawa ni Ergott hindi ba?" isa-isa niya kaming pinaraanan ng tingin atsaka nagpatuloy, "e ano nga bang mangyayari kapag natapos nang magunaw ang lahat? Anong makukuha ni Ergott sa paghihiganti niya?"

        Ang tanong ay panandaliang nag-iwan ng katahimikan. Kanya-kanya naming inisip kung ano nga ba ang tunay na pakay ni Ergott sa paghihiganti niya sa pamilya niya sa Langit? Why would angels cast him out of heaven for a simple reason? Ang rason na nakita niya ang future? Ano nga ba ang future na nakita niya? Minasdan ko si Peige habang umiinom siya ng juice, batid kong iniisip niya ang malalim na dahilan kung bakit ito ginagawa ni Ergott.

        "Ano nga ba ang future na nakita niya?" pagkuwa'y tanong niya sa'ming lahat as if nabasa niya ang parehong tanong na namumutawi sa isipan ko. "Ano ang nakita niya at kinailangan siyang itapon ng Langit?"

        "He wants to be a God," sagot ko dahil wala na 'kong makita pang ibang dahilan kugn bakit gagawin ni Ergott ang bagay na ito.

        "And he succeeded," dugtong ni Aldrin habang ang takot ay gumuhit sa kanyang mukha.

        "Shit," bulong na lang ni Smoke na ngayon lang nagsalita.

        "Tama ka," garalgal na sang-ayon sa'kin ni Peige. "Kapag natapos ang lahat ng kaguluhan na ito ay magtitipon-tipon ang lahat ng nilalang dito sa lupa at kakailanganin nila ng pinuno at iyon ay si Ergott."

        "But how can we stop him?" tanong ni Smoke na bumaling ng tingin kay Peige na nasa kanyang tabi.

Mas matindi ang takot na nakita ko sa mukha ni Peige nang tingnan niya ako sa'king berdeng mga mata bago tumingin kay Smoke.

        "Ano 'yon?" naiintriga kong tanong na nagpalakas ng kabog ng dibdib ko. Alam kong may pumasok sa isipan ni Peige at tungkol iyon sa'kin at kay Sabrina at sa lahat ng nangyayaring ito pero alam ko ding ayaw lang niyang magsalita dahil maaari akong masaktan. "Anong meron Peige?" nanginginig kong tanong.

Tiningnan niya ako, "wala," aniya atsaka nagpumilit ngumiti. Inayos niya ang kanyang buhok at sumimsim sa kanyang juice, "may naalala lang ako," dagdag niya.

        Kinagabihan hindi ako dalawin ng antok. Biling-baligtad na ang ginagawa ko pero malayo pa rin ang distansiya ng antok sa mga talukap ng mga mata ko at ang isip ko ay parang sinisilaban sa naglalagablab na apoy at gising na gising. Ano nga kaya ang nasa isip ni Peige? Ano ang bagay na ayaw niyang sabihin sa'min? Sigurado akong malalim iyon at nakakasakit at mas pinipili na lang niyang sarilihin ito keysa makasakit. It's frustrating. I really wanna know.

When Forever Ends [SOON TO BE PUBLISHED]Onde histórias criam vida. Descubra agora