Dear Shia,

54 3 0
                                    


Paalis ako ng mansyon sakay ng aming kotse dahil naisipan kong pumunta sa bahay nina Mrs. Tyler ngayong araw na ito.

Marami akong dalang mga regalo para sa kanila, alam kong matutuwa ang mga kapatid ni Lucas pag nakita nila ang mga regalong dala ko.

Kumatok ako sa pintuan nang makalabas ako ng aming sasakyan.

Walang sampung segundo ay bumukas na ito at bumungad sa akin ang mama ni Lucas. Makikita mo sa kanyang mukha ang pagkagulat.

"Oh, Shia. Hindi mo sinabing bibisita ka dito. Halika, pumasok ka." Masayang sambit ni Mrs. Tyler

"Ngayon araw ko lang din po naisipang pumunta dito. Nakakaabala po ba ako?"

"Hindi naman. Kung alam lang sana namin na bibisita ka ngayon ay nakapagprepara pa ako ng mga pagkain." Nahihiyang sabi ni Mrs. Tyler.

"Edi ako naman po ang makakaabala sa inyo nun." Bahagya akong natawa

Maya-maya ay may narinig akong mga paang pababa ng hagdan.

"Ate Shia!" Masiglang bati sa akin ng kaptid ni Lucas na si Agnes.

"Nasaan na ang mga kapatid mo, Agnes?" Tanong ko sa kanya.

"Andoon pa po sila sa taas, natutulog pa po." Nakangiting sagot neto

"Nga po pala, nagpunta po ako rito para ibigay ang mga regalo ko sainyo. Matagal-tagal na rin po kasi nung huli akong pumunta rito sa bahay ninyo. Sana magustuhan ninyo." Sabi ko kay Mrs. Tyler at bumaling kay Agnes "May mga laruan dyan at mga damit para sa inyong magkakapatid." Nakangiting sabi ko sa kanya at makikita na mas naging excited ito.

"Mamaya mo na buksan ang mga regalo mo, Agnes." bilin ni Mrs. Tyler sa kanyang anak. "Sandali at maiwan ko muna kayo dito sa sala at magpeprepara muna ng pwedeng makain. Maupo ka muna dyan sa sofa." Paalam niya bago umalis at pumuntang kusina

"Kamusta, Ate Shia? Lalo tayong gumaganda ah" biro ni Agnes na nakaupo nagyon sa tabi ko

"Ikaw talaga. Ayos naman ako. eh ikaw? Kamusta ang pag-aaral mo sa Boran? May mga nahanap ka bang bagong kaibigan?" tanong ko nang maalalang nabigyan silang magkakapatid ng scholarship sa Academy sa Boran.

Bakasyon nila ngayon kaya umuwi sila dito sa bahay nila sa Hesperia. Natutuwa ako at di nila nakalimutan and lugar na ito at nagagawa parin nilang bumisita sa dati nilang tahanan.

"Opo, opo! Madami nga po akong nakilalang mga bagong kaibigan doon. Mababait po sila sa akin." Masayang kwento sa akin ni Agnes

"Mabuti kung ganoon, magpakabait ka palagi." Paalala ko sa bata

Di nagtagal ay lumabas si Mrs. Tyler na may dalang juice at tinapay. Sinulit naming ang pagbisita ko sa pakikipagkwentuhan sa kanila.

Maya-maya naisipan ko ng umalis pabalik ng mansyon nang biglang may sabihin sa akin ang mama ni Lucas.

"Sandali lang hija. Mayroon nga palang pinapamigay sa iyo ang anak kong si Lucas. Kunin ko lang ito sa kwarto." Nagmadali siyang umaakyat.

Naiwan akong nagtataka kung ano ang pinapamigay sa akin ni Lucas. Mag-iisang taon na nung nawala ang aking kaibigan, ano kaya iyon?

"Heto, Shia, anak." Nakangiting sabi ni Mrs. Tyler sabay abot ng sobre. "Sulat ito galing kay Lucas, matagal na itong binigay ng Boran Academy, pasensya na at ngayon ko lang naibigay sa iyo eto." Nakangiting sabi parin ni Mrs. Tyler ngunit makikita mo ang mga luhang nababadyang tumulo sa kanyang mga mata.

Pati ako ay nagiging emosyonal na rin nang makita ang kanyang mga mata. Parang naging nanay ko na rin ang mama ni Lucas.

"Magpakabait kang bata ka ah. Huwag na huwag kang magbabago sa Shia na nakilala namin. Andito lang din kami, parang pamilya mo na rin kami." Hinalikan ako sa noo ni Mrs. Tyler bagong ako makaalis "Sige, mag-iingat ka pauwi, hija."

"Maraming salamat po. Aalis na po ako. Sa susunod po muli na pagbisita ko." Paalam ko sa kanila "Bye Agnes." Ngiti ko

Sakay na ako ng kotse ngayon pauwi ng mansion. Nanginginig kong binuksan ang sobre. Tignan mo nga naman, hindi ko pa nga nakikita kung ano ang laman neto pero sobra na agad ang pagkaemosyonal ko.

Letter. Isang letter mula sa aking best friend.

Dear Shia,

Kung binabasa mo man 'to ngayon, ibig sabihin ay hindi na ako nakalabas ng laro. Huwag mo sanang isipin na iniwan kita. I made a promise to you that I'll find a way para makalabas ka dyan sa Academy. Huwag mong isiping hindi kita binalikan. Well, maybe, yeah. Kung binabasa mo man ito ngayon, ibig sabihin wala na ako. Wala man ako sa tabi mo ngayon, lagi mong tatandaan na lagi mo akong kasama. I made a deal with the Boran Academy na whatever it takes, manalo man ako o hindi, ilalabas ka nila kapalit ng pagsali ko sa Linus Cup. I joined with the Team Boran, Shia. Naalala mo pa nung pinangarap kong makapag-aral dyan sa Titan Academy? Hindi man ako pinalad na makatapak sa Academy na yon, at least andito ako ngayon sa Academy ng Boran. Pwede na iyon sa akin. Lagi mong aalagaan ang sarili mo ah. Kung sakali mang hindi na ako makauwi, lagi mong tatantadaan na mahal na mahal kita, Shia. Pagpakatatag ka. Pwede bang ikaw na ang mag-alaga sa pamilya ko kung mawala man ako? pakisabi na rin na mahal na mahal ko silang lahat. Salamat, Shia.

Your best friend,

Lucas

Di ko namalayan na may tumulo ng luha sa aking mata. Naalala ko nanaman ang mga pagsasama naming ni Lucas. I miss you, Lucas. Huwag kang mag-alala, hinding-hindi kita makakalimutan.

Dahan-dahan kong isinara ang letter at itinago sa aking bag.

Napansin kong malapit na kami sa mansyon, ngunit ang aking luha ay hindi parin tumitigil. Tuloy-tuloy lang ang mga ito na bumubuhos mula sa aking mga mata.

Pagbaba ko ng sasakyan ay hindi ko inaasahan ang madadatnan ko.

Nang makita niyang ganito ang istura ko ay unti-unting nawala ang mga ngiti sa kanyang mga labi. Bakas sa kanyang mukha ang pag-aalala.

"Gin." Tawag ko sa kanyang pangalan

lumapit siya sa akin at niyakap ako. Hinalikan niya rin ang aking noo dahilan ng pagkapikit ng aking mga mata.

"What happened?" nag-aalalang tanong neto habang naglalakad kami papunta hardin. Doon niya ako naisipang ipunta para magpahangin muna saglit.

"I read a letter. Galing kay Lucas." Kinuha ko ang letter sa aking bag at inabot ito sa kanya.

Tinanggap niya ito ngunit di niya binasa.

Bumalot ang katahimikan sa aming dalawa.

"I'm sorry." Basag ko sa katahimikan "Hindi na dapat ako umiiyak ng dahil sa kanya."

"Hey. It's okay. Ayos lang sa akin. Just always remember that I'm always here for you. Aalagaan kita." Dinala niya ang aking kamay sa tapat ng kanyang labi at hinalikan.

"Alam kong hindi ko mapapalitan ang pwesto ni Lucas dyan sa puso mo bilang iyong pinakamamahal na kaibigan, ngunit alam kong may pwesto pa rin ako dyan sa puso mo." Gin said "That's more than enough for me, Shia. I'll always love you. I love you"

Dahil sa sinabi ni Gin ay mas lalo akong napaluha. "Mahal na mahal din kita." I sincerely said those words to him. Napangiti siya sa aking sinabi at unti-unti siyang lumalapit sa akin.

Next thing I knew, his lips are brushing mine already.

I will always love you, Gin. Thank you for everything. 

Dear Shia,Where stories live. Discover now