Pwede Bang...

30.9K 648 123
                                    

Pabiyahe ako papuntang Espanya upang mag-enroll sa unibersidad na papasukan ko. Hindi na ako freshie, hindi rin sophomore, junior na ako.

Actually, kahapon pa talaga dapat ako mageenroll kaso ang daming tao kaya tinamad ako. Mahirap ding makipagsiksikan dahil samut-saring amoy ang malalanghap mo sa pila. May amoy shaman, mandirigma, durian at kung anu-ano pa.


Bago ko ikutin yung Fountain, may nagtanong sa akin.

"Miss, saan dito yung Cashier 109?"


Hindi ko siya sinagot dahil na-alarma ako sa nabasa kong text message na galing sa dalawang kaibigan ko na si Frey at Jamae, "Break na kami" hindi ko alam kung paano at ano ang nangyari basta nagulat ako.


"Miss, saan yung Cashier 109?" tanong nanaman niya.


"Hoi, Enriquez, saan daw yung Cashier 109!" hindi ko namalayan si France sa tabi ko.


"Ah. Sorry. Pasok po kayo sa Tres Marias building, pagakyat mo ng second floor, makikita mo yung Cashier 109 sa right side."


"Thank you, Miss." Nilingon ko yung nagtanong ngunit nakaalis na siya. Natatanaw ko pa rin ang kanyang likod, matangkad, maputi at mukha namang maganda ang pangangatawan. Kilala niyo ba si Choi Young Do ng The Heirs? Parang ganun.


"O, bakit bakla?" makatawag naman ng Enriquez sakin kanina.. Kaimbyerna.


"Tulala ka, Mickey George Enriquez. Chaka mo tuloy tignan. Look at your hair. Nakakahiya sa gwapong nagtanong kanina." Oo, nyemas na pangalan yan, panglalaki. May mali ba sa buhok ko? Nakaponytail naman ako.


"Si Frey at Jamae, wala na." malungkot kong sabi na ikinatuwa naman ni France.


"Kailan pa?"


"Yesterday, 12 in the morning. Grabe no? 21 nga ngayon. Anniversary nila. Magfafive years na nga sila ngayon e." Nanghihinayang ako kasi ako talaga ang nakasaksi ng love story nila simula sa ligawan hanggang sa awayan.


"Hala weh? Kahit bakla ako, nalulungkot pa rin ako kay Frey."


"O talaga bakla? Aangkinin mo si Frey e."


"Che. Echosera! Saan punta mo?"


"Cashier 109"


"E bat di mo na lang sinabayan si Kuya Pogi kanina?" Oo nga no. Tsk.


Im out of my mind. Hindi ko naman siya tinignan kanina. Ano bang malay ko sa mukhang yon.


Nakarating ako sa Cashier 109 at unti lang yung pila. Pinahintay ko lang si bakla sa gilid para naman may kasama ako pauwi.

Dalawa ang Cashier dito at ako at ung lalaki na lang yung huli sa pila.

Naka-enroll na ako. Ang saya. 3rd year college na ako!


"Si Kuya pogi o!" Nilingon ko yung lalaki at wetlook siya dahil sa pawis niya. Mainit ba? Ang lamig lamig nga dito. Aircon kaya itong building na to.

Maaliwalas ang kanyang mukha, makinis, matangos ang ilong, wala kang makikitang pekas sa mukha hanggang leeg ay nako. Swear, kamukha niya si Kim Woo Bin!


"Ingay mo bakla! Narinig ka ata. Tumingin tuloy dito." Pababa na kasi siya. tas kami ni France, papuntang library kaya ayun.

---


Nagtrinoma muna kami ni France kasi nakipagkita kami kay Jamae na parang namatayan dahil sa magang maga ang mata. Tambay kami sa Starbucks.

Pwede Bang...Where stories live. Discover now