Prologue

9.1K 203 28
                                    

FEBRUARY 2014

Oops! Questa immagine non segue le nostre linee guida sui contenuti. Per continuare la pubblicazione, provare a rimuoverlo o caricare un altro.

FEBRUARY 2014

Halos kumaripas ako ng takbo para lang makarating ako sa duplex nang mas mabilis. Kanina ko pa pinipigilan ang luha ko.

Sa dinami-rami ng araw, bakit ngayon pa naisipan ni Steven na makipaghiwalay sa akin? No, scratch that. Why did he break up with me? Hindi ko matanggap ang dahilan niya.

Gusto kong magmura at magwala. Hindi ito ang Valentine's Day surprise na inaasahan ko. Lalong sumikip ang dibdib ko.

Masyado raw akong selosa at possesive? Matalino siya, hindi ba? Alam dapat niya ang ibig sabihin ng mga salitang iyon!

Mali ba na magtanong ako sa kung sino 'yong parati niyang katabi tuwing may group pictures sila? Masama bang alamin ko kung nasaan siya sa tuwing kinakansela niya ang mga lakad namin? Is it even offensive to ask why he changed his phone's password and won't tell me why? 

Inaamin ko na kinain ako ng selos sa mga oras na wala akong nakukuhang matinong sagot mula sa kanya. But I've been patient. I waited. Lalo nga lang lumala ang lahat nang last week, may makapagsabi sa akin na nakita nila si Steven sa isang cafe at kasama niya ang mimsong babaeng pinagseselosan ko. When I confronted him, sinabi niyang that time, both him and the girl are waiting for groupmates to arrive.

I halfheartedly accepted his answers just because...

"What the heck is with this door?!" sigaw ko sabay sipa sa pinto. Ilang beses ko na itong ipinaayos pero pabalik-balik ang problema. Maybe I should just change my door...

I sat on the porch and started to sob uncontrollably. Pinahid ko lang ang luha ko nang marinig kong may bumukas na pinto.

"Hoy, Elyse! Saan ka ba galing?" sigaw ni Klara, ang nakatira sa katabi kong unit. Karamihan sa mga building dito sa subdivision ay mga paupahan— kasama na ang tinitirhan naming duplex, which is literally a two storey house that's divided in two.

Hindi ako umimik at hinintay na maupo siya sa tabi ko. 

"Bukas ng gabi— Teka, bakit ka umiiyak?!" Tumayo siya sa harapan ko.

"Steven broke up with me." Pumiyok ang boses ko.

"What?! Spill!"

"Hindi pa rin nagsi-sink in sa akin at sa pagkakasabi niya, kasalanan ko ang lahat."

I started to tell her what happened.

"Seriously?! So, this did not come out of nowhere, right?" tanong ni Klara nang matapos ako. Ubos na ang tissue ko kaya't lumipat kami sa loob ng unit ko.

Tumungo ako sa kusina para maglabas ng ilang canned beer. It's almost dinner and I don't mind having this as a meal.

Isinalaysay ko sa kanya ng mas detalyado ang mga pangyayari. Mula sa pag-effort ko na mag-ayos ng husto hanggang sa nang naglalakad kami sa park at sabihin niya sa akin na "Elyse, let's break up.' kasunod ng ilang paninisi sa akin sa kung bakit kami ganito ngayon.    

The Hoodlum Next DoorDove le storie prendono vita. Scoprilo ora