Chapter twenty one

Start from the beginning
                                    

Namamalikmata ba ako? Huminto ang kotse dahil sa nag red light kaya naman sinundan ng mga mata ko hanggang sa pag pasok niya sa loob at nakita ko ngang siya iyon. Si Dace nga!

"Manong, dito na lang po." Mabilis kong kinuha ang wallet at nag bigay na sakanya ng pera. Bumaba ako at tumakbo na papasok sa Coffee shop na pinasukan ni Dace.

Nakita ko naman siyang kasalukuyang nag o-order sa counter. Dahan dahan akong naglakad papalapit sakanya at ng makarating sa kinatatayuan niya, nagkunwarian akong nabangga siya. Nabaling naman niya ang tingin saakin.

"Oh, nandito ka pala!" Kunwari akong nagulat ng makita siya. Tinignan lang niya ako mula ulo hanggang paa at binaling na ulit ang tingin sa counter.

Nag tuloy ulit siyang mag order. "One cappuccino--"

"Make it two." Sabat ko habang naka peace sign at tumingin naman ang babae saakin pero nginitian ko lang siya.


Nang matapos na kaming umorder--siya pala, sinundan ko lang siya hanggang sa naupo siya at binuksan ang laptop niya. Pano ko ba io-open up 'tong gagahan ko? Tinawag na ang pangalan niya para kunin ang order pero nag offer akong, ako na ang kukuha. Pagbalik ko, may kausap siya sa cellphone niya kaya naman hinintay kong matapos iyon. Wala na naman akong naintindihan dahil about sa work ang pinag uusapan nila.

Inilapag na niya ang cellphone sa table at nag patuloy ulit sa pag ta type sa laptop niya. "Paborito mo ba 'tong cappuccino? Ako kasi green tea latte eh." Tanong ko sakanya out of nowhere. Hindi ko kasi alam kung paano ko ba itatanong sakanya and besides, pag naaalala ko yung pag iyak ko sakanya kagabi parang gusto ko nalang mag palamon sa lupa.

"Hindi ko tinatanong." Sabi niya habang hindi ako tinitignan. Ang sungit naman nitong lalakeng 'to! Kung wala lang talaga akong itatanong sakanya, hindi din naman ako mag sasayang ng oras makipag usap sakanya, noh?

Tumango tango nalang ako at humigop sa kape ko. Mahigit 30 minutes nadin akong nakaupo dito sa upuan na 'to habang nakaharap sakanya. Hindi niya din ako pinapansin at busy lang siya pag ta type sa laptop niya. Naka apat na phone calls nadin siya at malapit narin maubos ang kapeng iniinom ko.

Wala talaga siyang balak pansinin ako? Tsk, pero kagabi iba ang comfort niya saakin. Hay, bakit ko ba iniisip pa 'yon? I cleared my throat para naman alam niyang nandito ako pero dedma lang ang mokong. Ginalaw ko ang upuan para madistract siya pero hindi padin niya ako pinansin. Hay, hangin lang ba ako sakanya?

Lumipas ulit ang oras at ubos na ang kapeng iniinom ko. Hanggang kailan ba siya dito? Kulang nalang tumambling, mag split, mag exhibition ako sa harap niya at mag sasayaw dito sa Coffee shop para lang mapukawko ang atensyon niya.

"Excuse me, Sir?" Lumapit naman sakanya ang isang babae may edad na. Satingin ko ay nasa mid 50's niya. Napalingon si Dace mula sa pagkakatingin nito sa laptop niya. "Napaka cute ng girlfriend mo. Pansinin mo na siya at huwag ka ng magalit sa pagiging makulit niya." Pagpapatuloy niya at nginitian ako.

Ha? Girlfriend?

Napakunot naman ang noo ni Dace. "Ano 'yon?" Takang sabi niya.

Itinuro naman ako ng babae. Ako? Girlfriend niyan?! "Bagay na bagay kayo dalawa. Sana magtagal kayo." Payo pa niya at tinap ang balikat naming dalawa bago pa man siya umalis ng tuluyan.

"Ano bang sinasabi niya?" Sabi ni Dace habang nakasunod ng tingin sa babae. Nang makalabas na ito sa Coffee shop, tumingin saakin si Dace yung tingin na what-are-you-doing-look. "Bakit ka ba nandito?" FINALLY!

Last RoseWhere stories live. Discover now