Iris’s POV

“pwera biro. Dapat lang na mainsecure kayo sa kanya. Kasi walang wala kayo sakanya” hanggang ngayon nagtatago parin ako kay Kevin. Ay mali pati kay thea. Sigurado akong nakwento na ni bakulaw yung nangyari kay thea. Jusko iris! Ano bang katangahan kasi yun?!

“IRIS!” hala. Napansin ba nila ako? nagkunwari akong walang narinig at nagpatuloy sa paglalakad. Nagtago ako sa may isang pader sa kaliwa ng corridor. Siguro naman di na nila ako makikita diba? Naghinatay ako ng mga 2minutes bago ko napagdesisyunan na umalis na. pero pagtalikod ko nabangga ako sa isang lalaki. O____O

“so. Bakit mo ko iniiwasan?” he said while smirking.

“Kevin ako nga tigilan mo. May klase pa ko” u-unti unti syang lumapit sakin.

“we still have 5 minutes. Why in rush?” he also said while grinning. As much as possible I wanted to get out and escape from his arms. Mabuti nalang pala at walang taong dumadaan dito sa kaliwa ng corridor dahil papunta na ito sa likod ng school.

“s-shut up. Kailangan ko nang umalis” he lean towards me and pinned me on the wall.

“ooh. Looks like the machine gun is stuttering. Why o why. Na starstruck ka bas a kagwapuhan ko?” narinig kong nagbell na kaya naman lalo akong ninerbyos.

“Kevin pwede ba?! May klase pa ko! let me go”

“oh sure. Papakawalan kita. Your wish is my command” nakahinga naman ako ng malalim sa narinig ko.

“but. . . in one condition”

“wtf Kevin. Hindi na nakakatawa”

“bakit sa tingin mo natawa ako nung minura mo ko?!” medyo napataas yung boses nya. Nakakatakot sya. at dahil nga napataas ang boses nya.

“the two of you!” oh god. Ang dean, wag sana kaming madetention.

“anong ginagawa nyo dito? Akin na ang mga I.D. nyo. Proceed to the detention room after your dismissal. Pumasok na kayo sa mga klase. Wag na kayong maglandian” no choice kami kundi ibigay ang I.D. namin pero wtf?! Kami?! Nitong bakulaw na to? naglalandian?! For pete’s sake! Never! Nakakadiri. Naglakad na kami papunta sa kanya kanya namin classroom pero sinabayan nya nanaman ako.

“I’ll wait for you answer later. Sa detention” sabi nya pa sabay kindat sakin. Walangyaaaaaaa. Baka kala nya ang gwapo nya? Pakyu sya.

Thea’s POV

Bigla nalang nawala si ekek sa tabi ko. san nag punta yun? at dahil wala sya napagdesisyunan ko nalang na umuwi ng hindi nag papa-alam sakanya. San kaya nagpunta yun? lumabas ako ng gate ng cu at sinabi sa guard na may nakalimutan akong project sa bahay. Ayos lang naman na wag magpaalam since open gate dito pero mas okay nadin yun. paglabas ko nagtaxi nalang ako pag uwi. Pero hindi parin maalis sa isip ko kung umuwi ba talaga si Austin? San kaya sya nagpunta? Nasa bahay kaya sya? sa sobrang spaced out ko hindi ko alam na nakarating nap ala yung taxi sa tapat ng subdivision namin. Biruin mo yun nakatagal ako ng 3months kasama si Austin sa bahay namin? 2months nalang mahihiwalay na kami. Babalik na kami sa kanya kanyang buhay namin. Siguro sa pag alis nya sa bahay namin babalik na yung lahat sa dati? Dun sa marie tsaka Austin na hindi nagpapansinan? Ewan. Kung ano anong conclusion na yung pumapasok sa utak ko. nagbayad na ako at bumaba sa taxi. Bago ako umuwi napag desisyunan kong pumunta muna sa park kung san ko unang nakilala si ekek. gusto ko lang munang magpalipas ng oras. Bibigyan ko mung ng oras yung sarili ko. para makapag isip isip kung anon a ba talaga yung mga nangyayari.

Hindi ko naman hiniling na maipit sa sitwasyon na to. ang gusto ko lang yung maging normal yung buhay ko. buruin mo yun? hindi na ako si ms.nothing! sikat na ko! sikat na sikat akong tampulan ng issue sa school! The best lang diba? Normal lang naman yung gusto ko noon eh. Yung magkabati kami ni Austin. Yung suportahan yung mga kaibigan ko. yung mas mapalapit kay nico. Pero it turned out na mas napalapit ako kay Austin. And dami daming bagay na pumapasok sa utak ko habang naglalakad ako papunta sa park. Nakatulala. Ang laki laki ng problema ko. pakiramdam ko dala dala ko yung buong mundo. Dinaig ko pa presidente sa pamo-mroblema sa bansa natin eh. Huminga muna ako ng malalim atsaka tumigil sa park. Kaso pagtigil ko may babaeng umiiyak. Hindi lang sya basta babae.

Si Ingrid . . .

xxxxxx

itutuloy . . 

xxxx

guys try ko mag update bukas. promiseeeee. srsly balak ko tong tapusin ng august :) so ayun.

MS.NOTHING MEETS MR.POPULARWhere stories live. Discover now