Chapter twelve

Začít od začátku
                                    

Kinuha ko sa travel bag ko ang isang one piece baiting suit para hindi masyado maging revealing. Naisip kong tama si Kijan dahil hindi lang kami ang tao dito sa Resort syaka ewan ko ba, bigla nalang akong na-conscious nung punahin niya yung suot ko. Parang may mali sa katawan ko.

Hinubad ko na ang suot suot kong swimsuit ng magulat ako ng biglang bumukas ang pinto. "Mikee—" Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko si Kijan na siyang gulat na gulat makita akong walang pang itaas.

Pareho kaming napatigil habang tinitignan ang isa't isa hanggang sa mabalik ako sa wisyo at mapasigaw.

Napapikit naman siya agad ng mariin. Hays, useless din! Bakit kasi bigla bigla siyang pumapasok?! "Ano bang ginagawa mo dito?!" Sigaw ko sakanya habang nag kakakandaugaga sa paghanap ng twalya na pwedeng ipang tatakip sa katawan ko.

"Bakit kasi hindi ka nag la-lock?!" Sagot naman niya din pabalik. Ha! Parang kasalanan ko pa?! Nakita ko ang bathrobe na naka hang sa may pintuan kaya agad agad ko itong kinuha at isinuot.

"Kahit na! Alam mong kwarto namin ito nila Valie! You supposed to knock before entering someones room!" Sagot ko sakanya.

"Sorry, sorry! Can I open my eyes now?" Parang galit pa ang tono niya. Tssk, siya na nga itong bigla bigla pumasok tapos pagalit pa ang tono niya?

"Oo, tapos na." Tugon ko. Dahan dahan niya ng binuksan ang mga mata niya at itinuro ko ang pintunan na agad din niyang isinara.

"Dapat kasi, nila-lock mo ang pinto kung nandito ka sa kwarto at kung may gagawin ka." Sabi niya. Gagawin?!

"Anong gagawin naman ang sinasabi mo? Mag bibihis ako!" Depensa ko at itinaas ang one piece na isusuot ko na dapat kanina.

"Ayun na nga ang sinasabi ko. Kung mag bibihis ka, you should lock your door. What if someone enter without your permission and takes advantage on you? Pasalamat ka nalang at ako ang nakakita sayo." Aba't talagang gusto pa niyang mag pasalamat ako sakanya?! Pambihira!

"Eh ayun nga ang ginawa mo eh! Pumasok ka dito ng walang permission ko tapos gusto mo pang mag pasalamat ako sayo?!" Sagot ko.

"Malay ko naman kung mag bibihis ka at wala ka na naman dapat pang ikagalit dahil nakita ko na't nahawakan ko na lahat 'yan!" Sigaw niya pabalik. Sandali akong napaisip sa sinabi niya. Para nag process pa sa utak ko lahat ng 'yon pero kusa nalang nanlaki ang mga mata ko at niyakap ang sarili ko. Nanlaki din ang mga mata ni Kijan dahil sa hindi pag aakalang nasabi niya. Akmang hahakbang sann siya papalapit saakin ng pigilan ko siya.

Ugh, nakakainis siya! "Huwag ka ng lumapit! Pervert ka talaga!" Sigaw ko at tumakbo papalabas ng kwarto.

Naabutan ko na sila Polo na nag hinahanda na sa isang dahon ng saging ang mga pagkain. Isang boodle fight sa kubo kaharap ang napaka gandang view ng beach. "Oh, asan si Kijan?" Tanong ni Drix ng makita ako.

"Ewa—" Sasagot na sana ako ng may biglang sumagot sa likuran ko kaya naman napatigil ako.

"Tara, kumain na tayo." Si Kijan. Nilampasan niya na ako at naglakad siya papunta sa kubo. Parang wala lang sakanya, tssk.

Naglakad narin ako papunta ng kubo at naupo. Madami ng nakahanda sa dahon ng saging mayroong fried rice sa gitna, hotdogs na hinawa hiwa at inilagay sa magkabila ng sinangag, inihaw na pork at itlog na maalat na
may kamatis at sibuyas. Hmm, sarap! Nang matapos na silang mag handa, nag palibot na kami sa lamesa pero dahil nga sa kanina pa nila ako binibigyan ng pangechosang tinginan at inaasar kaming dalawa ni Kijan, pinag tabi nila kami pero hindi padin nawawala ang mga nakakaloko nilang ngiti. Hay!

Last RoseKde žijí příběhy. Začni objevovat